00:00Pinag-aaralan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center o CICC
00:05ang pagsasampa ng kasong estafa sa mga influencer
00:10na hindi pa rin tumitigil sa pagpopromote ng mga iligal na online sugal.
00:16Nauna ng hiniling na ipasara ang 49 sites ng mga influencer
00:21pero apat pa lang ang nabula.
00:23Nakatutok si Maki Pulido.
00:30Nakakabahala, sabi ng CICC o Cybercrime Investigation and Coordinating Center
00:35na dahil sa social media influencers, mas nagiging talamak ang illegal online gambling.
00:41Sa datos mula sa kanilang Threat Monitoring Center,
00:43rinopromote ng 119 influencers ang illegal online gambling
00:47sa pamamagitan ng content creation, live streaming at referral link distribution.
00:53These are manipulated sites so it's not necessarily based on chance alone.
00:58They target really the youths to gamble.
01:01Hiningi na ng CICC na isara ng social media platform ang 49 sites ng mga influencers
01:06na nagpro-promote ng illegal online gambling.
01:09Pero apat pa lang daw dito ang naisara.
01:12Ang mga hindi raw titigil, sabi ng CICC, kakasuhan nila ng estafa.
01:16Kailangang mapag-aralan kung ano ho yung mga sanctions na pwede nga ipataw dito sa mga platforms
01:22na hindi tumutugon doon sa mga legal naman na request ng ating gobyerno.
01:30May influencers din namang tumigil at ngayon hinihimok ang kapwa influencers
01:34na huwag nang mag-promote ng illegal online gambling.
01:37Lesson learned na rin po sa akin dahil ang dami na rin talagang nalululong, lalo na yung mga minor.
01:43Masama talaga ang illegal site, maraming scammer, tumatanggap ng minor.
01:48So yun yung pinapaglaban natin ngayon.
01:50Sa monitoring ng CICC, mahigit isang libo ang illegal online gambling websites.
01:55Dagdag pa ang 146 websites ng illegal online sabong.
01:59Paramihan po dyan mga mirror sites.
02:01So kapag may nire-report po kasi kami na kapag take down po ang CICC ng illegal gambling sites,
02:08nakakabalik po kagad.
02:09Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido na Katuto, 24 Horas.
Comments