00:00Parusang kamatayan naman, kinakarap ng isang dating opisyal ngayon ng China dahil sa korupsyon.
00:09At Madagascar Top Government Executive, pinababalasa matapos magprotesta ang libu-libong mga kabataan.
00:17Ang mga yan sa sento ng balita ni Joshua Garcia.
00:22Isang malawakang pagbabago sa gobyerno ang ipinag-utos ni Madagascar President Andre Rajuilina.
00:28Kasunod ito ng ilang araw na agresibong pag-aaklas ng mga kabataan dahil sa palpak na power at water supply services.
00:35Una nang sinibak sa pwesto ang kanilang Energy Minister bunsod ng isyo.
00:39Batay sa datos ng United Nation, umalo na sa 22 ang nasawi habang daan-daan naman ang sugatan sa protesta.
00:47Ayon kay President Rajuilina, sinimulan na nila ang pagtanggap ng mga aplikasyon sa maaaring maging susunod na Prime Minister.
00:53Mananatili namang interim officer ang mga nasa posisyon hanggang sa mabuo nila ang kanilang bagong gobyerno.
01:01Samantala, death penalty ang kinakaharap ng dating Agriculture Minister ng China na si Tang Renjian.
01:08Dahil sa kaso ng katiwalian, batay sa desisyon na patunayan ang pagtanggap niya ng suhol na nagkakahalaga ng mahigit 38 milyon dolyar mula 2007 hanggang 2024.
01:19Binigyan din ng korte ang matinding pinsala ng isyo sa interes ng publiko.
01:24Nabatid na isa lang si Tang sa ilang mga dating opisyal na idiniin sa kaso ng katiwalian bilang bahagi ng malawakang anti-corruption campaign ni President Xi Jinping.
01:34Sa Amerika, tuloy ang Lebron era sa loob ng basketball ring.
01:41Kasabayan ang anunsyong pagsabak sa kanyang 23rd season sa NBA.
01:45Sa panayam ni Lebron sa Media Day, sinabi nito na excited siya na maglaro at nilinaw na wala pang balak na magretiro.
01:52Sa edad na 41, si Lebron ang kauna-unahang NBA player na nakapaglaro ng hanggang 23 season.
01:57Joshua Garcia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.