00:00Una po sa ating mga balita, isinumita na ng Independent Commission for Infrastructure o ICI ang kanilang unang interim report at rekomendasyon sa Office of the Ombudsman.
00:13Ito'y kaugnay sa mga posibleng may pananagutan sa palpak na flood control projects sa Oriental Mindoro,
00:19kung saan kabilang dito ay si dating ako, Bicol Partilist Zaldi Co. at ilang opisyal ng DPWH, si Bernard Ferrer sa sentro ng balita.
00:30Batay sa mga dokumento inendorso ng DPWH at sa isinagawang inspeksyon, DPWH Secretary Vince Dyson at Oriental Mindoro Governor Humerlito Lolor
00:41na pagalamang hindi umaayon sa itinakdang disenyo ang mga steel sheet pile sa road dike ng mag-asawang Tubig River.
00:48Ang ginamit po nila ay 3 meters lang po, imbis na ayon sa disenyo ay 12 metro.
00:57Ang discrepancy po nito ay potensyal na makakarisulta sa estimated loss worth 63 million pesos.
01:07Napatid din ang Independent Commission for Infrastructure o ICI ang pagkakaroon ng deficiency sa mga dokumento sa progress billings ng proyekto.
01:16Ilang bayad ang naaprobahan sa kabila ng kawalan ng kompletong records at paulit-ulit umanong ginamit ang mga magkakaparehong litrato bilang ebidensya para sa magkakaibang bayad.
01:26Ito umano ay maaaring sumasalamin sa pagkukulang sa project verification.
01:31Questionable na rin umano ang certifications na inilabas ng ilang opisyal ng DPWH na nagpapatunay na nasunod ang mga specifications at workmanship ng proyekto.
01:41Iniuugnay naman ang contractor ng proyekto na San West Incorporated kay resigned Congressman Elisaldi Saldico na dating chairperson ng House Committee on Appropriations.
01:50Bagamat iginiit ni Coe na na-divest niya ang kanyang interes sa kumpanya, may mga ulat na maaari pa rin siyang may beneficial ownership.
01:58Binigyan din ang ICI na kinakailangan pa ng karagdagang ebidensya upang matiyak ang anumang ugnayan sa pagitan ni Coe at ang San West Incorporated.
02:06Hindi kahit ang ICI ang umbuns man nang tukuyin kung may nilabag na bataas si Coe at ang 17 pang individual.
02:12Posible pong magsampa ng kaso paglabag ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act sa Procurement Law po sa violation ng Revised Penal Code specifically sa provision ng malversation and falsification.
02:32And of course, isa po dito ay yung paglabag sa Code of Conduct of Public Officers and Employees.
02:41Magsusumit ang ICI ng karagdagang ebidensya sa loob ng 15 araw.
02:45Binigyan din ang ICI na ang pagtukoy ng pananagutan ay nananatiling nasa kamay ng kinaukulang ahensya.
02:51Layunin ang interim report na ito na tumulong sa pagkiyak ng pananagutan sa infrastructure projects at mapangalaga ng integridad ng Pondo ng Bayan.
03:00Bernard Ferrer para sa Pampansang TV sa Bagong Pilipinas.