00:00Pinanataan ni dating Senate President Chief Escudero si dating House Speaker Martin Romualdez.
00:05Ilang akusasyon pa, ang pinakawala ng Senador laban sa Kongresista.
00:09Bumwelta din si Representative Romualdez at tinawag na DDS script
00:13ang talumpat ni ni Escudero, si Daniel Manalastas sa detalye.
00:20Ako, Ginong Pangulo, hindi ako kakampe ni Martin Romualdez.
00:25Kaya lalabanan ko sa at lahat ng panglilinlang niya.
00:30Maaanghang ang mga tirada ni dating Senate President Francis Chief Escudero
00:35nang tumayo sa plenario laban kay dating House Speaker Martin Romualdez.
00:40Habang nagtatalumpati, chempo namang nandoon si Vice President Sara Duterte
00:45dahil sa pagdinig ng panukalam budget ng Office of the Vice President para sa susunod na taon.
00:52Ilang aligasyon ang pinukol ng Senador sa Kongresista.
00:55Katulad na lang sa flood control scandal na ngayon ay ilang Senador at Kongresista na ang nadadawit.
01:02Kabilang narito si Escudero.
01:04Sabi ng Senador, isa itong script na ang lalamanin umano
01:09ay ipitin ang ilang DPWH officials pakantahin at magbanggit ng Senador
01:15habang pagtakpan daw ang mga Kongresista.
01:18Isang tao lamang, ginong Pangulo, ang nasa likod ng script at sarswelang ito.
01:26Siya ang dahilan ng kaguluhan, pagkakaaway-away, pagkakawatak-watak
01:32na ngayon'y umayanig sa ating bayan, maprotektahan lamang ang sarili niya.
01:38Bakit tila sa kamera, dito mismo sa Senado at sa ilang media,
01:44ay hindi pa din nila kayang sambitin ang pangalan niya?
01:49Pwes, sasabihin ko, Martin Romualdes.
01:53May mabibigat din na aligasyon si Escudero kay Romualdes
01:57tungkol sa impeachment ni Vice President Sara Duterte
02:00na may kaugnay sa pondo na naka-FLR o ang for late release.
02:06Ulitin ko, ginamit ni Martin Romualdes ang FLR
02:09ng pangalan ng Pangulong Marcos
02:11upang itulak ang kanilang unconstitutional na impeachment complaint.
02:15Sabi nila, pumirma kayo dahil kung hindi,
02:18hindi lalabas ang pondo niyo na naka-FLR bago mag-eleksyon.
02:24Subalit, ginuong Pangulo, hindi ito umubra.
02:26Hindi ito umubra dahil tinanggihan ito ni PBBM.
02:31Sinabi niyang walang ganyang uri ng usapan
02:34at sinabi niyang hindi niya gagawin yun.
02:37Kaya't haga ngayon,
02:39nananatili pa rin for late release
02:41ang mga kwestyonabling pondo nila.
02:44I urge prudence and level-headedness
02:46because I knew that greed and not accountability
02:51was the reason behind it.
02:53Sagot naman ni Romualdes,
02:55napakinggan niya ang talumpati ni Escudero
02:57at ang napakinggan daw niya
02:59ay hindi isang expose,
03:02kundi isang DDS script.
03:05Recycle daw ang akusasyon,
03:07walang bago at walang katotohanan.
03:09Inakusahan naman ni Romualdes Escudero
03:12na ang talumpati nito ay hindi tungkol sa pananagutan,
03:16kundi para isulong-umanoh ang kanyang personal na ambisyon.
03:20Dinisenyo daw ito upang ipakita ang katapatan kay VB Sara
03:23at iposisyon ni Escudero ang sarili bilang kakampi ng BICE sa 2028.
03:29Ani Romualdes patuloy siyang maigipagtulungan sa embesikasyon.
03:34Walaan niya siyang tinatago
03:35at hamon niya kay Escudero
03:37kung tunay na pananagutan ang hanap nito
03:40sa presintoan niya siya magpaliwanag.
03:43Daniel Maralastas para sa Pambansang TV
03:45sa Bagong Pilipinas.