Skip to playerSkip to main content
Itinuro ni Sen. Chiz Escudero si dating house speaker Martin Romualdez na nasa likod ng umano'y scripted na imbestigasyon sa flood-control projects. Sabi pa ni Escudero, ginamit ng kongresista ang national budget para itulak ang impeachment ni Vice President Sara Duterte. Tinawag naman ni Romualdez na script ng DDS ang mga pahayag ni Escudero na malinaw aniyang isinusulong ang personal na ambisyon.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00The President of the United States of America
00:30He's going to help his personal ambition.
00:33This is Mav Gonzalez.
00:36Mav!
00:39Vicky, itumayo kanina ang ilang minority Senators
00:42para umalma doon sa itinatakbo ng mga investigasyon sa flood control projects
00:46ang itinuro nila na scriptwriter o mano nito,
00:49si dating House Speaker Martin Romualdez.
00:55Tumayo sa sesyon kanina si Sen. Cheese Escudero
00:58para sabihin inililihis daw ang investigasyon sa flood control projects
01:02mula sa mga tunay na dapat tinutumbok nito.
01:05Isang tao lamang, ginong Pangulo,
01:09ang nasa likod ng script at sarswelang ito.
01:12Sasabihin ko, Martin Romualdez.
01:17Punani Escudero, mga pangalan ng Senador
01:19ang binabanggit ng mga testigo sa Senate Blue Ribbon Committee
01:22pero nasaan-a niya ang mga kongresista?
01:25Klarong-klaro po ang script nito.
01:28Ipitin ang tatlong dating DPWH officials
01:32pakantahin sa kanila,
01:34mema, memabanggit lang ng Senador
01:37habang pinagtatakpan ang mga kongresman
01:40na tunay nakasabwat nila.
01:43Kapanipaniwala ba
01:45na wala silang kinausap
01:47na kahit isang kongres mang nakaupo
01:50na totoong may hawak na mga distrito?
01:54Sinigundahan din ni Escudero ang pahayag ni Navotas Representative
01:57Toby Tshanko
01:58na ginamit ni dating House Speaker Martin Romualdez
02:01ang national budget
02:01para itulak o manunoon
02:03ang impeachment ni Vice President Sara Duterte.
02:05Sabi nila, pumirma kayo dahil kung hindi,
02:09hindi lalabas ang pondo niyo na naka-FLR
02:12bago mag-eleksyon.
02:14Subalit, ginong Pangulo, hindi ito umubra.
02:17Hindi ito umubra dahil tinanggihan ito ni PBBM.
02:21Sinabi niyang walang ganyang uri
02:23ng usapan
02:24at sinabi niyang hindi niya gagawin yun.
02:28Kaya't haga ngayon,
02:29nananatili pa rin for late release
02:31ang mga kwestyonabling pondo nila.
02:34Puna pa ni Escudero,
02:36Nagkataon labagi noong Pangulo
02:38na ang mga nakaupong senador
02:40na dinidiinan sa ngayon
02:41bumoto kontra sa depektibong impeachment
02:44ni Vice President Duterte
02:47o talagang tinumbok lang kami?
02:49In other words, Mr. President,
02:53are we truly for transparency and accountability
02:56or are we merely offering
02:58a politically convenient sacrificial lamb
03:01in an attempt to appease the rage of the people?
03:05Kaya hiling niya,
03:06imbestigahan lahat ng nabanggit na personalidad,
03:09hindi yung pinagdidiskitahang mga senador lang.
03:11At dapat kasama dito si Martin Romualdez.
03:15Habang nagsasalita kanina si Escudero,
03:17ay nasa session hall si Vice President Sara Duterte
03:19at nakikinig.
03:21Sagot naman ni Romualdez,
03:22hindi expose,
03:23kundi isang DDS script
03:25ang talumpati ni Escudero.
03:27Imbes na magpaliwanag,
03:28nanisiraw ang senador.
03:29Malinaw raw na para ito isulong
03:31ang kanyang personal na ambisyon
03:33at pumusisyon bilang kaalyado
03:35ng vice-presidente sa 2028.
03:37Patuloy raw makikipang tulungan si Romualdez
03:39sa lahat ng patas na investigasyon.
03:41Hinihinga namin ang payag dito si Escudero.
03:43Sa gitna naman ng mga kwestyon sa kundibilidad,
03:47ipinagtanggol ni Senador Rodante Marcoleta
03:49si Orly Guteza,
03:50ang testigong kanyang iniharap
03:52sa Senate Blue Ribbon Committee.
03:53Maski ang mag-asawang diskayang araw,
03:55itinuro na si Romualdez.
03:57Siya ang kauna-unahang
03:58nagbigay ng statement
04:00na kung saan binanggit
04:01ang labimpitong congressmen.
04:06Ngunit, nakakapagtanga.
04:09Hindi na po natin tinutuntun
04:10yung labimpito na yun.
04:11Kagaya na nga ang sinabi ng Senate President,
04:14napupunta na,
04:15natutuon na yung pagtuntun
04:16sa mga kasama natin dito.
04:19Bakit po?
04:21Natatakot ba tayo
04:22kay Martin Romualdez?
04:25Siguro po,
04:26yung iba sa inyo,
04:26natatakot.
04:27Kwinasyon din ni Marcoleta
04:28kung bakit pagkatapos basahin
04:30ang kanilang affidavit sa Senado,
04:32ay hinahayaang dalhin agad
04:34sa Department of Justice
04:35ang mga testigo
04:36bago pa silang matanong
04:37ng mga senador.
04:38Tayo po ang merong legal
04:40and physical custody.
04:43Hindi ko maintindihan
04:44kung bakit dadalhin niya
04:45sa kanyang opisina
04:47at pagbalik niya,
04:48meron na siyang supplemental
04:49affidavit.
04:52Ano po ba itong
04:53nangyayari sa atin?
04:55Meron na ba tayong
04:55alituntunin?
04:56Meron na ba tayong agreement
04:57sa pagitan ng DOJ
04:59at ang paglilit,
05:01ang pag-imbestigan
05:02ginagawa natin
05:03sa Blue Ribbon Committee?
05:04Hindi ko na po maintindihan
05:08kung ang Blue Ribbon Committee
05:10is the investigative arm
05:12of the Department of Justice.
05:14Nasaan na po
05:15ang separation of powers?
05:34Maybe it's time to show a
05:38תודה רבה.
05:39תודה רבה.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended