Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Duda ang ilang senador sa mga pahayag ng nagpakilalang dating security aide ni Congressman Zaldico na si Orly Guteza
00:06tungkol sa pag-deliver niyo umuno ng mali-maletang pera kina Ko at dating House Speaker Martin Romualdez.
00:13Sa gitna ng kontrobersya, nadiskubri ni Sen. Ping Lakso ng anyay insertions na isiningit ng halos lahat ng mga senador noong 19th Congress.
00:22Ang halaga ng insertions sa balitang hatid ni Mav Gonzalez.
00:25Nagulat daw si Sen. President Pro Tempore Ping Lakson na sa 2025 General Appropriations Act,
00:34mahigit 100 bilyong piso aniya ang insertions o isiningit ng halos lahat ng senador noong 19th Congress.
00:41Individual insertions daw ito na naka-FLR o for later release.
00:45Hindi pa raw siya nakakita ng ganito kalaking halaga.
00:47Noon daw kasi, nasa 100 bilyong piso lang ang Priority Development Assistance Fund o PDAF
00:53na mas kilala bilang pork barrel bago ito i-deklarang unconstitutional.
00:58Sabi ni Lakson, hindi pa niya nakikita ang buong listahan ng mga kongresistang nagsingit din sa budget,
01:03pero mahaba rin aniya ito.
01:06Pwede raw niyang tanungin sa budget deliberation kung bakit ito pinayagan,
01:09kung ilan sa mga insertion ang narelease at paano ito'y pinatupad.
01:13Giip ni Lakson, bagamat hindi naman agad-agad masasabing iligal ang mga budget insertion o amendment,
01:19nako-question nito lalo kung umabot ang individual insertion ng 5 hanggang 10 bilyong piso.
01:24Nanawagan din ang senador sa mga kapwa mambabatas na iwasan ang paggamit ng tinatawag na leadership funds sa DPWH
01:31na nagbibigay daan para makapagsingit ng proyekto ang mga senador at kongresista kahit sa National Expenditure Program o NEP.
01:39Samantala, may mga senador na nababahala sa affidavit ni Orly Gutesa,
01:43ang dating security aide ni Congressman Zaldico,
01:46na nag-deliver umano ng mali-maletang pera kinako at dating House Speaker Martin Romualdez.
01:51Bukod kasi sa hindi pagsipot sa pulong niya sa Justice Secretary,
01:55pinasinungalingan ng dalawang dating kasamahan niya ang kanyang pahayag.
01:58Itinanggi rin ang nakapirmang notaryo na si Atty. Pechiros Espera
02:02na siya ang nagnotaryo at tumulong maghanda sa salaysay ni Gutesa.
02:05Sabi ni Lacson, makakatulong ang Manila Regional Trial Court
02:10na lutasin ang misteryo ng kontrobersyal na affidavit ni Gutesa.
02:14Sabi ni Sen. Rodante Marcoleta, na nagpakilala kay Gutesa sa Senate Blue Ribbon Committee,
02:19walang epekto sa salaysay ni Gutesa ang anumang problema sa pagnotaryo sa affidavit
02:24dahil binasa niya ito sa pagdinig.
02:26Sumumpa naman daw siya sa Blue Ribbon,
02:28binasa roon ang kanyang salaysay at tinanong pa ng mga senador.
02:31Kaya aniya, kahit walang notaryo, hindi nawala ng saisay ang mga sinabi ni Gutesa.
02:36Pwede naman daw ipanotaryo muli ni Gutesa ang affidavit niya
02:39para mawala ang duda ng mga tao.
02:42Tingin ni Marcoleta, may kredibilidad bilang testigo si Gutesa
02:45dahil tinest niya ito at pinagtatanong sa mga sinabi niya,
02:49partikular sa mga umaneng maleta ng pera.
02:51Taliwas naman ang pananaw ni Sen. Erwin Tulfo na may duda raw kay Gutesa.
02:56Lalo pa raw ng itanggin ang notaryo na pinirmahan niya ang affidavit nito.
02:59Ngayon nga po nawawala na po yung, nawawala na po si Gutesa.
03:04Hindi na nga makita po, hindi na po matagpuan.
03:07Medyo, at this point po medyo nakakapagdudal.
03:11Gusto ko nga may isang hearing pa po para matawag yung tao na yun,
03:14mga course examin po natin, para matanaw lang po natin,
03:18sino ba ang nagturo sa'yo?
03:20Dagdag ni Tulfo, magandang makuha rin ang CCTV footages
03:24mula sa pinagdalhan umanong exclusive subdivision.
03:27Pero ang eleksyon daw rito, dapat suriin muna ang mga testigo
03:31bago paharapin sa pagdinig.
03:33Mav Gonzalez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:38Nilinaw ni Sen. Tito Soto na bahagi ng regular na proseso ng budget deliberations
03:43ang pag-amienda at paglagay ng insertion sa national budget.
03:47Dagdag ni Soto, unfortunate na nakikitang iligal o hindi dapat gawin
03:51ang pag-amienda sa national budget dahil sa isyo ng flood control projects.
03:54Tiniyak niyang magkakaroon ng pagbabago sa pagsusuri ng Senado
03:58sa 2026 budget para mas maging transparent, accountable at may partisipasyon ang publiko.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended