00:00The International Criminal Court is now in session.
00:04Rodrigo Roa Duterte.
00:14Hiniling ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na i-adjourn indefinitely ang lahat ng kanyang legal proceedings.
00:21Sa apela ng kanyang lead defense counsel na si Attorney Nicholas Kaufman sa International Criminal Court,
00:27hindi na raw fit to stand trial ang dating Pangulo.
00:31Ang dahilan, may impaired memory na raw si Duterte at hindi na kayang makaalala ng pangyayari, lugar, oras o maging miyembro ng kanyang pamilya.
00:40Hindi nga raw niya maproseso ang dahilan ng pagkakakulong.
00:44Dahil sa mga ito, wala na raw maitulong si Duterte sa sarili niyang defense.
00:49Hiling naman ang ICC prosecutors sa pre-trial chamber 1,
00:52imbis na indefinite, posibleng short adjournment lamang ng legal proceedings ang kailangan ng kabilang kampo.
01:00Ano mang delay, limitado raw, dapat hanggang makapagdesisyon ang chamber kung hindi na nga fit na dumalo sa mga pagdinig si Duterte.
01:08Matatandaang sa September 23, dapat ang confirmation of charges hearing para sa Kasong Crimes Against Humanity ng dating Pangulo,
01:15pero ipinagpaliban muna ito ng ICC kasunod ng apela ng depensa.
01:22Matatandaang sa September 23, dapat ang muna ito ng pagkakakulmong.
Comments