00:00Wala ng bagyo sa bansa ngayong patapos ng Setiembre pero pinaghahanda ng pag-asa ang bansa sa posibleng mamuong bagyo sa pagpasok ng Oktubre.
00:08Base sa datos ng ahensya, posibleng mangyari yan sa pagitan ng Oktubre 3 at Oktubre 9.
00:14Tatawi rin ng potensyal na bagyo ang Northern at Central Luzon.
00:18Kung mangyari, tatawagin itong Bagyong Paulo.
00:21Sa ngayon, wala pang namamata ang bagyo o low pressure area sa loob o labas ng Philippine Area of Responsibility.
00:27Easterly, isang magdadala ng mainit at malinsangang panahon sa bansa ngayong araw pero may bitbit din itong mahihinang ulan lalo sa silangang bahagi.
00:36Uulanin ng halos buong bansa kasama na po ang Metro Manila sa mga susunod na oras base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
00:44Maging alerto sa heavy to intense rain sa ilang lugar na maaaring magdulot ng baha o landslide.
00:50Nakataas po ngayon ang thunderstorm advisory dito sa Metro Manila, Rizal, Bulacan, Laguna at ilang panig ng Quezon
00:57Quezon Province at Batangas.
00:59Tatagal po ang babala hanggang 12.27 ngayong tanghali.
01:04Nitong Sabado, lumabas ng PAR ang Bagyong Opong.
01:07Nag-landfall na ito bilang typhoon bulaon at hinahagupit ang bansang Vietnam.
01:11Outro
Comments