Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Inilagay sa State of Calamity ang mahigit 20 bayan sa Masbate
00:05dahil sa hagupit ng Bagyong Opong.
00:08Shyamna ang naitalang nasa wiroon.
00:10Balitang hatid ni J. Pisoniano.
00:15Mabait, malambing na anak at apo
00:17at isang mabuting kaklase na puno ng pangarap sa buhay
00:21ang 16 taong gulang na si Brian Bolanyo.
00:24Pero sa kasaksaganang Bagyong Opong sa Masbate City nitong Biyernes,
00:30ang kanyang buhay, maagang natapos.
00:33Pasado alas 4 na madaling araw habang nasa loob ng kanilang bahay,
00:37nabagsakan ang gumuhong pader ng kapitbahay,
00:40ang mismong silid kung nasaan si Brian.
00:43Kwento ng ama ni Brian na isang bombero mula sa BFP Masbate,
00:47malakas man ang bagyo.
00:48Kampanti siyang iwan ang anak at lola ni Brian sa bahay
00:51dahil sementado at protektado ang pundasyon nito.
00:55Nag-duty pa raw siya noong madaling araw ng Biyernes
00:57para tumulong bilang contingency sa mga binagyo.
01:01Natawagan pa raw niya ang lola ni Brian bago mag-alas 5 ng umaga
01:04at sinabing okay naman ang kanilang lagay kahit malakas ang hangin.
01:09Hanggang sa nakatanggap ang ama ni Brian ng tawag,
01:12kailangan niya raw bumalik dahil nabagsakan ng pader ang kanilang bahay.
01:16Inala sa ospital si Brian at sinikap i-revive ng mga doktor.
01:20Ako mismo ni-revive ko pa rin yung anak sa sobrang ano ko na hindi ko matanggap.
01:28Sa ang iniisip ko, hindi ko sasukuan yung anak ko.
01:32Pero hindi na talaga.
01:36Wala na talaga.
01:37Isa si Brian sa siyam na namatay sa probinsya ng Masbate.
01:42Dahil sa Bagyong Opong, hindi bababa sa sampung katao pa
01:45ang vini-verify ng PDRRMC ng Masbate.
01:49Kung may direktang kaugnayan ng pagkamatay sa Bagyong Opong,
01:52problema pa rin sa probinsya hanggang ngayon
01:54ang mga nagtumbahang poste ng linya ng kuryente
01:57at mga higanteng punong binali ng malakas na hangin.
02:02Wala pa rin maayos at stable na linya ng komunikasyon
02:05ayon kay Masbate Governor Richard Koh
02:07at nabanggit ng Masbate Electric Cooperative
02:10na posibleng abutin ng isang buwan
02:12bago tuluyang maayos ang supply ng kuryente sa buong probinsya.
02:16Nangakuraw ang Department of Energy
02:17na tutulong sa lalong madaling panahon
02:20para mas mapabilis ito.
02:22Nagsabi na rin daw ang mga nangungunang telcos
02:24na puspusan ang kaninang pagsasayos ng signal.
02:27Isa sa mga pangunahing problema
02:29na mga taga-Masbate ngayon
02:31ay pagkain at tubig
02:33na iparating na raw ang first batch
02:35ng deliveries ng pagkain at tubig
02:37at dadalhin na ang mga susunod na batch
02:40sa mahigit 20 bayan ng Masbate
02:42na isinailalim na sa state of calamity.
02:46We assure them that we will do our best
02:48na matulungan sila.
02:49We will do our best to recover.
02:53We will do our best na makabangon ang Masbate.
02:56Mula rito sa Masbate,
02:58JP Soriano,
02:59nangbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended