00:00Sa kabila ng paulit-ulit na operasyon ng MMDA contra Sagabal sa kalsada sa Chino Rosas Extension sa Taguig,
00:07may mga namataan pa rin nakaparada roon kahapon.
00:11At sa pag-ikot ng GMA Integrated News, may mga sasakyan nakaparada sa gilid ng kalsada.
00:16At kabila po dyan, ang mga pribadong sasakyan, pampasaherong jeep at mga truck.
00:23Sa tapat ng isang vulcanizing shop, may mga motosiklong nakaparada.
00:27Meron din closed van na nakahinto sa tapat ng isang junk shop.
00:31At may mga tricycle din nakapila malapit sa palengke.
00:35Wala namang nakaparada sa tapat ng police station pero may mga sasakyan at motosiklong nakaparada sa banket roon.
00:42Sinusubukan namin makuha ang pahayag ng Taguig LGU pero wala pa silang tugon.
Comments