00:00.
00:02.
00:03.
00:04.
00:06.
00:08.
00:10.
00:14.
00:18.
00:20.
00:22.
00:24.
00:26.
00:28.
00:36Dalawang linggo matapos i-anunsyo ang magiging papel ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa ICI o Independent Commission for Infrastructure, iba na ang sinabi ng palasyo kahapon.
00:47O liliwanagin po natin, ang pagtalaga po sa kanya ng Pangulo ay bilang Special Advisor at hindi po Lead Investigator or in any other form na pag-iimbestiga.
00:59Kinagabihan, nag-resign si Magalong sa ICI.
01:01Sabi niya sa liham na ipinadala kay Pangulong Bongbong Marcos ang pahayag daw ng palasyo tungkol sa kanyang trabaho na taliwas daw sa nakasaad sa kanyang appointment ay nagpapahina raw sa tungkulin at mandatong ipinagkatiwala sa kanya.
01:14Nagkaroon na rin daw ng duda sa kanya bilang bahagi ng ICI.
01:17Naging malinawa niya na hindi na kailangan ng kanyang servisyo.
01:22Kahapon ng umaga, nag-sorry si Magalong sa mga taga Baguio dahil naging busy raw siya sa ICI.
01:28Ang pahayag na ito ni Magalong, binanggit ni Yusek Castro sa kanyang briefing kahapon,
01:32nang i-anunsyo niyang pinareview ni Pangulong Bongbong Marcos sa legal team ang pagtalaga kay Magalong.
01:38Binanggit din ni Yusek Castro na may mga puna ng pagbibigay kay Magalong ng trabaho bilang ICI Special Advisor habang siya ay mayor.
01:45Sabi ng isang labor group labag sa konstitusyon ang dalawang trabahong binigay kay Magalong.
01:51Nakasaad daw kasi sa Section 7 Article 9b na ipinagbabawal ang mga nahalal na opisyal
01:57na ma-appoint sa kahit anong opisina ng gobyerno habang sila'y nasa termino pa,
02:02maliba na lang kung payagan ng batas o required sa hinihinging trabaho ng kanilang posisyon.
02:07Binanggit din ang palasyo kahapon ang puna na posibleng umanong may conflict of interest
02:12lalot may tennis court at parking area project sa Baguio na ang kontraktor ay St. Gerard Construction Company,
02:19kumpanyang pag-aari ng mag-asawang Sara at Curly Diskaya na sangkot sa mga maanumaliang proyekto sa gobyerno.
02:26Dati nang sinabi ni Magalong na ang proyekto maayos na isagawa at alinsunod sa batas.
02:32Nilinaw din muli ni Magalong sa kanyang pahayag kanina na walang conflict of interest.
02:37Nagbitiw raw siya para protektahan ang integridad ng ICI.
02:41Anya hindi madali ang magbitiw pero naniniwala siyang kailangan niya itong gawin.
02:46Kahit wala na siya sa ICI, itutuloy niya ang laban kontra korupsyon.
02:50Hindi pa sinasabi ng palasyo kung tinanggap na ba ng Pangulo ang resignation ni Magalong.
02:55Pero sabi ni Secretary Dave Gomez ng Presidential Communications Office
02:59na kalulungkot ang pagbibitiw ng alkalde sa ICI.
03:02Gate ni Gomez, mas mataas sa kahit na sino ang hinihingi ng taong bayan mula sa ICI.
03:08Iginagalang daw ng palasyo ang independence ng komisyon
03:11at dapat daw hayaan ito sa pagganap ng kanilang mandato.
03:15Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Horas.
Comments