00:00I-dinetalye ni dating Public Works Secretary Manuel Bonoan
00:03sa kanyang judicial affidavit na isinumite sa Sandigang Bayan 3rd Division
00:07kung paano raw niya isinumbong sa Pangulo
00:10ang malakihang kalta sa budget ng DPWH
00:13dahil sa mga congressional insertions noong 2024
00:17sa ilalim ng nooy House Speaker Martin Romualdez.
00:21Sa dami raw kasi ng mga pinawa sa budget ng DPWH noon,
00:25nawala na ng pampasweldo sa 7,000 tauhan ng Departamento
00:28na munti ka ng matanggal sa trabaho.
00:31Pero kahit daw sinermunan ng Pangulo si Romualdez,
00:35kinaltasan pa rin ang 2025 DPWH budget
00:39para ponduhan ng insertions na umabot na mayigit 400 bilyong piso.
00:45Nakatutok si Joseph Moro.
00:47Next, please.
00:50Sa judicial affidavit na isinumite ni dating Department of Public Works and Highways
00:55o DPWH Secretary Manuel Bonoan sa Sandigang Bayan 3rd Division,
00:59isinalaysay niya ang ani ipagkumpronta ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
01:04kay dating House Speaker Martin Romualdez na kanyang pinsan.
01:08Ayon sa affidavit na eksklusibong nakuha ng GMA News,
01:11nangyari yan ang isumbong ni Bonoan na malaki
01:14ang nabawas sa budget ng DPWH
01:16dahil sa mga congressional insertions noong taong 2024.
01:20Nag-aalala rao kasi noon ang Pangulo sa Amonimuntika
01:23ng pagtanggal ng 7,000 daily wage employees ng ahensya
01:27kaya tinawagan si Romualdez habang nasa harap si Bonoan.
01:31Tinapyas daw kasi ng mga mambambatas ang pondo ng DPWH
01:35para sa Maintenance and Other Operating Expenses o MOOE,
01:39pambayad sa mga right of way
01:41at pambili ng mga gamit para sa mga dredging.
01:44Bukod yan, kinuha rin umanong 70 billion pesos na budget
01:48mula sa infrastructure flagship projects
01:51o foreign assisted projects
01:52at wala nang itinara para rito.
01:55Ang mga pondong ito ng DPWH
01:57inilagay ng mga mamabatas sa lampas
01:59siyam na libong bagong infrastructure projects
02:02na nakakahalaga ng 380.48 billion pesos.
02:06Sa sobrang laki raw ng nabawas,
02:08kinulang sila ng perang pampasahod
02:10sa nasa 7,000 empleyado
02:12na nangnanib matanggal sa trabaho.
02:15Kaya pinagsabihan daw ng Pangulo si Romualde
02:17sa sinabihan na hindi pwede ang ginawa nito.
02:20Kasunod nito, sinitaumanon ni Romualde
02:23kung bakit nagsumbong siya sa Pangulo
02:25gayong pwede naman daw siyang dumiretsyo dito.
02:28Sa kabila ng tawag ng Pangulo,
02:30kinaltasin pa rin daw ng Kamara at Senado
02:32ang budget para sa 2025
02:35para pondohan ang mga congressional initiatives o insertions.
02:39Noong 2025 daw, nagsingit ng 436 billion pesos
02:43na congressional initiatives o insertions
02:46ang mga mamabatas.
02:48Nagalit daw ang Pangulo na gusto sanang i-vito
02:51ang buong 2025 budget
02:53pero pinayuhan daw ito ng mga economic managers na huwag.
02:57Ang mga proyektong nirekomenda raw ni Bonoan na i-vito
03:00ay mga tinawag niyang guni-guni projects
03:03tulad na mga highway papunta sa mga resort na mga mamabatas,
03:06mga bagong building, hostel at swimming pool
03:09na hindi proyekto ng gobyerno.
03:12Binito raw ng Pangulo ang 26 billion pesos
03:14na halaga ng mga proyektong ito.
03:16Sa lampas na 400 billion pesos na insertions,
03:20192 billion daw nito ang galing sa Kamara.
03:24Samantalang ang iba ay joint project
03:26ng mga senador at congressman na nasa 17 billion pesos.
03:30Ayong kay Bonoan na validate
03:32at in-authenticate na nila kung sino
03:34ang mga nasa likod ng mga insertions.
03:37Si dating DPW Secretary Manuel Bonoan
03:40ay isa sa mga testigo ng ombudsman
03:42sa lampas 7 billion pesos na plunder case ito
03:45laban sa dating speaker.
03:47Nagsumite na si Bonoan ng listahan
03:49ng mga insertions ni Romualdez at Co.
03:52Aabot umano sa 27 billion pesos
03:54ang mga proyektong ipinalistan ni Romualdez
03:57sa taon 2025 lamang.
04:00Sinubukan namin kunan ng pahayag
04:01ang kampo ni Romualdez
04:03pero ayon sa kanyang abogadong si Atty.
04:05Aid Fajardo,
04:06wala pa raw silang reaksyon sa ngayon.
04:08Tumanggi naman magkomento ang kampo ni Co.
04:11Dahas subjudice raw ito.
04:13Joseph Morong, Nakatutok 24 Oras.