24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:30Halos wala nang makita sa katsadang ito sa Romblon kahapon habang humahagupi ang bagyong opo.
00:39Dalawang beses nag-landfall ang bagyo sa Romblon.
00:44Ramdam ang bagsik ng hangin at ulan.
00:48Sa kalatrava ay winasiwas ng hangin ang mga punot halaman.
00:54Tuklap nga maging bubong ng kapilyang ito.
00:57Kita rin ang bagsik ng bagyo sa paligid ng Kapitolyo.
01:02Ang mga tauhan ng Coast Guard substation San Agustin hindi alintana ang lakas ng ulan at mga alot habang inililikas ang mga taga San Agustin.
01:14Sinagip din ng PCG ang isang senior citizen na natrap sa kanyang bahay sa gitna ng baha sa Odyongan.
01:20Ilang paaralan din ang nawasak.
01:24May mga classroom na wala nang kisame.
01:27May iba namang hindi na mapapakinabangan matapos buwagin ng malakas na ulan at hangin.
01:33Patuloy na inaalam ng DepEd Romblon ang lawak ng pinsala sa mga paaralan sa lalawigan.
01:39Ang Romblon Provincial Police Office sinimulan na ang clearing operation sa ilang barangay.
01:44Balik normal din ang biyahay ng mga sasakyang pandagat ayon sa Romblon Public Information Office.
01:51Ang DSWD target puntahan ng Romblon gayon din ang masbate na sinalantarin ng bagyo.
01:59Nagpabahari ng bagyong opong sa antike.
02:02Sa gitna ng awot bayawang na baha sa Kulasi, nagbangka ang mga residente.
02:07At may nagbatsa ng ilang motorsiklo.
02:11Isang dike din ang nasira.
02:13Ayon sa Disaster Risk Reduction and Management Office ng Region 6,
02:17nasa 11,000 individual ang apektado ng pagbaha sa lalawigan.
02:22Isa ang naiulat na nawawala.
02:26Sa aklan naman, nasa State of Calamity dahil sa bagyo ang bayan ng ibahay.
02:32Sa datos ng Region 6 DRRMO,
02:35mahigit 16,000 individual ang apektado ng baha sa aklan.
02:40Mahigit 70 barangay naman ang binaha.
02:42Hagip din ang bagsig ng bagyo kahit ang mga lugar sa Luzon na hindi direktang tinamaan.
02:50Tulad ng makabebe pampanga na ang mga kalsada binura ng baha.
02:56Sa Laguna, binaha ang ilang barangay.
02:59Kasunod ang malakas na pagulan at pag-apaw ng Laguna de Bay.
03:02Para sa GMA Integrated News, J.P. Soriano, nakatutok 24 oras.
03:13Nagbanggaan sa Maynila ang isang motorsiklo at isang kotse.
03:16Aminado ang rider na nakainom siya.
03:19Ang nahulikam na disgrasya sa pagtutok ni Jomera Presto.
03:23Kuha yan sa bahagi ng Maceda Street sa Sampaloc, Maynila, mag-aalas 11 kagabi.
03:31Ilang saglit lang, isang motorcycle rider ang tumilapon matapos siyang bumunggo sa isang kotse.
03:38Tumagal din ang ilang minuto bago na itayo ang rider at nabigyan ang paunang lunas na mga rescue volunteer.
03:43Ayon sa first responder na si Hernan, nagtamo ng matinding tama sa kanang bahagi ng ulo ang biktima.
03:49Pagkating namin, wound cleaning ko kami agad and then control bleeding po sa ulo kasi meron po siyang laceration sa ulo.
03:57Malala po yung tama po niya na yun.
04:00Kwento daw ng biktima sa kanila, galing siya ng Caloocan City at pauwi na sana sa Montalban, Rizal.
04:06Aminado raw ang rider na nakainom siya.
04:09Lasing po siya kung ano na siyasabi niya. Hindi niya rin po alam kung nasan yung wallet niya.
04:13Pusibling hindi rin daw suot ng biktima ang kanyang helmet na tumalsik noong mangyari ang aksidente.
04:24Bagamat agad na isakay sa ambulansyang biktima, hindi siya agad na isugod sa ospital dahil hinintay pa ang kanyang mga kaanak mula sa Montalban, Rizal.
04:33Kwento naman ang driver ng nabanggang sasakyan, pakaliwa siya sa Simeon Street nang biglang sumulput ang rider.
04:39Mabilis yung takbo niya, kaya layo nung tinal si kanyo.
04:43Nasa gitna na ako eh, kaya yung tama ako nandun sa harapan.
04:46Handa daw siyang makipagtulungan sa mga otoridad.
04:49Dinala siya sa istasyon ng pulisya maging ang mga sasakyan na naaksidente para sa gagawing investigasyon.
04:55Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok 24 oras.
05:00Hindi pa po malinaw sa ngayon kung tinanggap na ng Malacanang ang pagbibitiw ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang Special Advisor ng ICI o Independent Commission for Infrastructure.
05:19Yan po'y kahit pala siya mismo ang nagpa-review sa pagtalaga sa kanya.
05:24Nakatutok si Jonathan Andal.
05:26Mayor Benjamin Benji Magalong, Special Advisor and who will act as investigator for the ICI.
05:37Dalawang linggo matapos i-anunsyo ang magiging papel ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa ICI o Independent Commission for Infrastructure, iba na ang sinabi ng palasyo kahapon.
05:48So liliwanagin po natin, ang pagtalaga po sa kanya ng Pangulo ay bilang Special Advisor at hindi po Lead Investigator or in any other form na pag-iimbestiga.
05:59Kinagabihan, nag-resign si Magalong sa ICI.
06:03Sabi niya sa liham na ipinadala kay Pangulong Bongbong Marcos, ang pahayag daw ng palasyo tungkol sa kanyang trabaho na taliwas daw sa nakasaad sa kanyang appointment ay nagpapahina rao sa tungkulin at mandatong ipinagkatiwala sa kanya.
06:16Nagkaroon na rin daw ng duda sa kanya bilang bahagi ng ICI.
06:19Naging malinawa niya na hindi na kailangan ng kanyang servisyo.
06:22Kahapon ng umaga, nag-sorry si Magalong sa mga taga-Bagyo dahil naging busy raw siya sa ICI.
06:29Ang pahayag na ito ni Magalong, binanggit ni Yusek Castro sa kanyang briefing kahapon,
06:33nang i-anunsyo niyang pinareview ni Pangulong Bongbong Marcos sa legal team ang pagtalaga kay Magalong.
06:39Binanggit din ni Yusek Castro na may mga puna ng pagbibigay kay Magalong ng trabaho bilang ICI Special Advisor habang siya ay mayor.
06:46Sabi ng isang labor group, labag sa konstitusyon ang dalawang trabahong binigay kay Magalong.
06:53Nakasaad daw kasi sa Section 7 Article 9b na ipinagbabawal ang mga nahalal na opisyal
06:58na ma-appoint sa kahit anong opisina ng gobyerno habang sila ay nasa termino pa,
07:03maliba na lang kung payagan ng batas o required sa hinihingiang trabaho ng kanilang posisyon.
07:08Binanggit din ang palasyo kahapon ang puna na posibleng umanong may conflict of interest,
07:13lalot may tennis court at parking area project sa Baguio na ang kontraktor ay St. Gerard Construction Company,
07:20kumpanyang pag-aari ng mag-asawang Sara at Curly Diskaya na sangkot sa mga maanumaliang proyekto sa gobyerno.
07:28Dati nang sinabi ni Magalong na ang proyekto maayos na isagawa at alinsunod sa batas.
07:34Nilinaw din muli ni Magalong sa kanyang pahayag kanina na walang conflict of interest.
07:39Nagbitiw raw siya para protektahan ang integridad ng ICI.
07:43Anya hindi madali ang magbitiw pero naniniwala siyang kailangan niya itong gawin.
07:48Kahit wala na siya sa ICI, itutuloy niya ang laban kontra korupsyon.
07:52Hindi pa sinasabi ng palasyo kung tinanggap na ba ng Pangulo ang resignation ni Magalong
07:56pero sabi ni Secretary Dave Gomez ng Presidential Communications Office
08:00na kalulungkot ang pagbibitiw ng alkalde sa ICI.
08:03Gate ni Gomez, mas mataas sa kahit na sino ang hinihingi ng taong bayan mula sa ICI.
08:09Iginagalang daw ng palasyo ang independence ng komisyon
08:12at dapat daw hayaan ito sa pagganap ng kanilang mandato.
08:16Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Horas.
08:23Dagdag bawas sa presyo ng petrolyong aasahan sa susunod na linggo.
08:27Sa tansya ng kumpanyang Uni Oil, 6 na po hanggang 80 sentimo ang posibleng dagdag sa kada litro ng diesel.
08:34Pero sa gasolina, posibleng bawas na 20 hanggang 40 sentimo.
08:39Ayon sa Oil Industry Management Bureau, ilan sa nakikitang dahilan sa galaw ng presyuhan ngayon
08:44ay ang banta ng Amerika na patawan ng taripa.
08:47Ang mga bansa sa Europa na bibili ng langis ng Russia.
08:50At ang dagdag na supply ng langis ngayong nage-export na rin ang Iraq.
Be the first to comment