24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naka-alerto rin sa Bagyo ang Maynila.
00:03Siniguro ng City Hall na gumagana ang mga pumping stations para maiwasan ang baka.
00:07Ang sitwasyon sa Maynila, alamin live sa pagtutok ni Sandra Guinaldo.
00:12Sandra.
00:16Yes, Emil. Sa ngayon ay narito po ako sa Manila Bay.
00:20At sa ngayon ay medyo maayos po ang panahon dito.
00:23Hindi kami nakakaranas ng ulan o ambon man lang.
00:26Pero may kalakasan ang hangin.
00:27Ganun pa man ay magbabantay po ang Manila Local Government sa posibleng pagulan na pwedeng magdala ng pagbaha ngayong magdamag.
00:39Sa Baseco sa Maynila, na isa sa mga binabantayan ng local government dahil sa dami ng residente sa tabig dagat, parang ordinaryong araw lang.
00:49Halos buong maghapong makulimliman langit, may kalakasan ng hangin.
00:54Kaya marami ang naglilibang sa Baseco Beach.
00:57Pero ang lokal na pamahalaan, naghahanda sa mga posibleng pagulan na maaring magdulot ng pagbaha.
01:05Si Manila Mayor Isco Moreno nakipagpulong sa City Risk Production Management Office.
01:11Handa na raw ang kanila mga evacuation center, pagkain at inumin para sa mga lilikas at mga gamit pang rescue.
01:19Tiniyak ng LGU na gumagana lahat ng pumping station, maliban daw sa sunog-apog pumping station na iniimbestigahan sa posibleng anomalya.
01:29Binabantayan din ang high tide pasado alauna ng hapon na pwedeng magdulot ng pagbaha.
01:3424 pumping station in the north of Manila and 14 in the south of Manila.
01:40Lahat naman na gumagana.
01:42Sa dam ka naman na di-batteryang pumping station.
01:46Huwag kayong mag-alala may bateriya.
01:48Nag-set up din ang mobile pump ang MMDA sa Ross Boulevard para mailabas ang tubig mula sa mga drainage patungo sa Manila Bay.
01:57Ito po ay isang mobile pump na may capacity ng 1 cubic meter per second.
02:05Ang isa pong ganito ay kayang magpuno ng isa't kalahating Olympic-sized swimming pool sa loob ng isang oras.
02:16Kung may sampu kang ganito, parang may isang pumping station.
02:19Alam ni Mang Tomas na may paparating na bagyo.
02:25Pero ang pinagahandaan niya, hindi ang hagupit ng alon, kundi ang kalam ng kanyang sikmura.
02:32Kaya hinangon na niya ang ginawa niyang uling para maibenta na.
02:36Wala pa raw sa kalahati ang maisasalba niya bago dumating ang bagyo.
02:41Sanay na siguro.
02:43Sanay ka na?
02:44Oo.
02:45Ito yung bagyo dito na rin eh.
02:46Pag huminto ako, go tumabuti namin.
02:49Si JR naman, ipinarada muna ang balsa na yari sa styrofoam pero nakabantay pa rin sa anumang pagkakataon.
02:58Nabangabang ako para makaariyan, di pa eh. Mahangin pa.
03:03Antay ko muna, kumalma.
03:05Ang mga residente dito, pinatibay na ng pakikipagbuno sa unos sa kanilang buhay.
03:12Emil, sa ngayon ay nagpapatuloy yung pag-andar nitong mobile pump ng MMDA.
03:21Pero pinapahinga rin po yan ha.
03:23At meron pa pong anim na ganito sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila.
03:27Emil?
03:27Maraming salamat, Sandra Aguinaldo.

Recommended