00:00Sa ibang balita, iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtatakda ng floor price
00:05sa bilihan ng palay upang hindi maabuso ang mga magsasaka ng mga tiwaling trader tuwing ani.
00:12Inatasan din ang Pangulo ang buong pagpapatupad ng SAGIP-SACA Act of 2019 at ang Benteng Bigas Program.
00:20Kasabay nito, ipinagutos ang pagsusuri sa charter ng National Food Authority
00:24at mga amyenda sa Agricultural Tarification Law para mapalakas ang suporta sa mga magsasaka.
00:31Binigyang diin din ng Pangulo ang pagbuo ng Congressional Commission on Agriculture, Fisheries and Food Security o Agri-Com
00:39na mag-a-assess sa kalagayan ng agrikultura at magre-rekomenda ng mga reforma.
00:45Kasama ni Pangulong Marcos sa pagpupulong ang mga mambabatas at mga kalihim ng agrikultura at agraryo
00:51kung saan iginiit niya na dapat palakasin ang mga kooperatiba at pababain ang gasto sa produksyon
00:58upang makipagkompetensya ang lokal na bigas sa imported.