00:00Department of Agriculture isinusulong ang panukalang paggamiyenta sa Rice Tarification Law para maibalik ang kapangyarihan sa National Food Authority na magtakda ng presyo sa palay at makontrol ang importasyon ng bigas.
00:13Ang detalye sa report ni Vell Custodio.
00:19Patuloy na isinusulong ng Department of Agriculture at National Food Authority ang pagtatakda ng floor price para sa mga bibilhing palay sa mga magsasaka.
00:28Kailangan lang maaprubahan muna ang pag-amyenda sa Rice Tarification Law.
00:33Sa ilalim na isinusulong na batas, maibabalik ang regulatory powers ng NFA.
00:38Kabilang na nga ang pagtatakda ng tamang floor price sa palay.
00:42Ito'y para maiwasan ang pagkalugi o pananamantala sa mga magsasaka.
00:46Makatutulong din ang ceiling price sa merkado para naman maiwasan ang overpricing ng bigas.
00:52I'm sure ang production cost ang magiging basihan ng floor price meaning hindi siya bababa.
00:58Sa production cost ng bawat lugar.
01:02Kasi iba-ibang lugar, iba-iba rin naman ang production cost.
01:06So, I think, hintayin na lang natin.
01:09Sa ngayon, wala pa tayong estimate yan.
01:12Bukod dito, makokontrol na rin ng NFA ang rice importation.
01:16Dito, bibigyan ang proteksyon ng mga magsasaka tuwing harvest season.
01:21Samantala, tiniyak naman ang NFA na sapat at sobra pa ang rice buffer stock na kayang tumagal na halos dalawang linggo.
01:28Sa kabila nito, patuloy pa rin ang pagbili ng NFA ng palay sa mga magsasaka.
01:33Sa totoo lang, over na kami sa target namin for this season.
01:37Nasa almost 140% na kami na na-achieve for our target.
01:42In fact, pwede na kami sanang huminto.
01:45Pero, syempre, iniintindi natin yung ating mga magsasaka na gusto pang magbenta.
01:51Sa ngayon, tuloy ang pagbili ng palay sa mga magsasaka ngayong tag-ulan at huling bahagi ng harvest season.
01:58Vel Custodio, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipina.