00:00Sa Camarines Sur, hindi matapos-tapos ang flood control project sa Rangas River.
00:06Utay-utay na nga ang paggawa, ilang parte pa nito ang gumuguho tuwing may bagyo.
00:11Silipin yan sa pagtutok ni Mark Salazar.
00:16Sa paana ng Mount Isarog sa bayan ng San Jose, Camarines Sur,
00:21dumadaloy ang malaking waterway na Rangas River.
00:24Dito matatagpuan ang flood control project na utay-utay raw kong gawin
00:29at palaging may gumuguhong parte pag may bagyo.
00:32Kapag naglagay ka kasi ng utal-utal, naglagay ka ngayon,
00:35masusundan siya after 3 years, after 4 years, andyan na yung bagyo.
00:39Yung dating maikli na nilagay mong riprap, tatamaan na naman ang bagyo,
00:42iikutan ng tubig, giba na naman.
00:44Nung manalasa ang bagyong Christine, Oktubre, nung nakaraang taon,
00:48malaking bahagi ng lumang riprap ang gumuho.
00:51Pati ang pundasyon ng mahalagang tulay ng San Jose, papuntang Naga City,
00:55nadadamay ng mga pagguho.
00:57Yung ilalim ng foundation ng bridge, kung nakita nyo po,
01:01di ba yung poste, medyo may nakakalkal na doon ang tubig
01:06kasi doon umiikot yung tubig.
01:07Doon magsisimula yun.
01:09Pag nasira yun, mas problema po kami.
01:10Kasi isa sa secondary arterial road po yung pugay, section.
01:15Pag naparelesa po kami doon,
01:16apektado po yung transport ng karating ng buong distrito namin,
01:20papuntang Naga.
01:22Kasi isa yun sa economic highway namin.
01:25Pinuntahan namin ang nakakasakop sa proyekto,
01:28ang DPWH Kamsur 4th District Engineering Office,
01:32pero itinuro kami sa regional office.
01:35Hindi naman sinasagot ang tawag namin ng DPWH Region 5
01:39na siyang nag-implement ng proyekto.
01:41Ayon sa On-Site Project Board,
01:44ang Alro Construction and Development Corporation
01:47ang kontratista ng proyektong ito
01:49na nagkakahalagang P121.68 million.
01:54Base sa datos ng Philippine Contractors Accreditation Board o PICAB,
01:59ang Amani One Rider Partilist Representative Roj Gutierrez,
02:03ang Authorized Managing Officer
02:05ng Alro Construction and Development Corporation.
02:08Sinusubukan namin kunin ang panig ng Alro Construction
02:11at ni Congressman Gutierrez.
02:14Para sa GMA Integrated News,
02:17Mark Salazar,
02:18nakatutok 24 oras.
Comments