00:00Tiniyak ng Department of Foreign Affairs at International Criminal Court na lehitimo ang welfare check visit ng Philippine Embassy kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC Detention Facility sa The Hague, Netherlands.
00:13Kasunod ito ng pagpuna ni Vice President Sara Duterte sa pagbisita na wala raw pahintulot ng kanilang pamilya. Narito po ang aking unang balita.
00:22Tinutulan ni Vice President Sara Duterte ang ginawang pagbisita ng mga kinatawa ng Philippine Embassy sa The Hague sa kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:35Ayon sa Vice Presidente, nagpanggap daw silang isang welfare check ang kanilang gagawin.
00:40Pero tingin ni VP Sara, utos o mano ito ni Pangulong Bongbong Marcos. Nakatanggap siya ng impormasyon mula sa Malacanang na nagsumite ang Philippine Embassy ng reports sa Pangulo tungkol sa ginawang pagbisita.
00:52Giit ng Vice na lagay raw sa panganib ang buhay ng ama ng payagan ng ICC na pumasok ang mga ahente ng gobyernong kumidnap sa dating Pangulo nang walang pahintulot ng kanyang pamilya.
01:03I can only speculate Mr. President but I don't really have the facts obtaining on the ground.
01:13Sa tingin ko lang talaga ay baka yan ang purpose bakit sila pumunta doon para i-confirm siguro kung talagang totoo ba na merong cognitive impairment ang ating dating Pangulo.
01:26Paliwanag naman ng DFA welfare check ang ginawa ng mga taga-Philippine Embassy at naaayon ito sa Viana Convention on Consular Relations at Batas ng Pilipinas para protektahan ang kapakanan ng lahat ng mga Pilipino.
01:39Tungkulin daw ito ng lahat ng Philippine Foreign Service Posts at walang pinagkaiba sa ginagawa ng DFA para sa iba pang nakadetineng Pilipino abroad.
01:48Tiniyak naman ang International Criminal Court na naaayon ang mga aksyon ito sa ICC Rome Statute at sinusunod nito ang international standards na ang mga nakadetineng indibidwal ay may akses sa kinatawa ng kanilang mga konsulado.
02:02Ang anumang pagbisita raw merong pahintulot ng nakadetineng indibidwal.
02:07Ito ang unang balita. Mariz Umali para sa GMA Integrated News.
02:11Gusto mo bang mauna sa mga balita? Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments