00:00Hiniling ng dalawang civilian groups sa Office of the Ombudsman na investigahan ang paglustay-umanok
00:05sa mahigit 600 million peso confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education.
00:12Dati pang iginiit ni Vice President Sara Duterte na walang mali sa paggamit sa confidential funds sa mga opisina ang hawak niya.
00:19May unang balita si Salima Refran.
00:21Dumulog sa Office of the Ombudsman ang Grupong Akbayan at Koalisyong Tindig Pilipinas
00:29para investigahan ang kontrobersyal na paggamit ni Vice President Sara Duterte sa kanyang confidential at intelligence funds.
00:37Nananawagan po kami sa Ombudsman na seryosohin po yung mga kaso laban kay VP Sara Duterte
00:43investigahan yung Articles of Impeachment dahil hindi nga naganap yung inaasahan po nating trial sa Senado.
00:49Kasamang ilang miyembro ng Tindig Pilipina sa Citizen Complainant sa isa sa mga impeachment complaint noon laban sa Vice sa Kamara.
00:58Na-endorso man ang Articles of Impeachment hanggang Senado.
01:01Di naman ito tumuloy sa pagdinig dahil sa punan ng Korte Suprema na nilabag nito ang utos ng Konstitusyon
01:07na isang impeachment complaint lamang ang maaaring pagulungin laban sa isang tao sa loob ng isang taon.
01:13Sa Pebrero pa ng susunod na taon, maaaring sampahan ang impeachment complaint ang Vice.
01:18Base sa desisyon ng Supreme Court, ang sinabi naman nila, hindi naman mali yung laman ng impeachment complaint,
01:26mali lang daw yung pamamaraan kung paano ito naiakyat.
01:29Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulia, pwede nila magamit bilang basehan ang nilalaman ng impeachment complaint.
01:36We can use that information. It's a guide for us to evaluate issues properly.
01:42Babalitaan namin kayo kung ano naging aksyon ng aking opisina.
01:46Tungkol dito, malamang naman yan, fact-finding yan eh.
01:49Hunyo nang irekomenda ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa Office of the Ombudsman
01:55na sampahan din ng reklamong kriminal, sibil at administratibo ang vice.
02:01Base sa imbesigasyon ng kumite, mahigit kalahating bilyong piso o 612 million peso sa confidential funds
02:09ang na-disperse sa pamumuno ni Duterte sa Office of the Vice President at Department of Education.
02:15Binubusisi na yan ang Office of the Ombudsman.
02:18Ang impeachable officer pwede maharap sa kaso, kaya lang, hindi wala sa poder, wala sa kapangyarihan ng Ombudsman,
02:28na alisin sila sa opisina. Impeachable officer yan eh.
02:32Kaya impeachment pa rin ang proseso kung nais natin silang mawala sa opisina.
02:37Patuloy na kinukuha ng GMA Integrated News ang panig ni Vice President Sara Duterte.
02:43Ito ang unang balita sa Nima Refran para sa GMA Integrated News.
02:49Gusto mo bang mauna sa mga balita?
02:52Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments