Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Puskus na ang paghahanda ng mga residente at otoridad sa Nauhan Oriental Mindoro para sa bagyong opong.
00:06Nangihinayang ilang residente sa mga ghost flood control projects sa kanilang lugar na malaki sana ang maitutulong kapag may ganitong masamang panahon.
00:15Live mula sa Oriental Mindoro, may ilang balita si Bea Pinla.
00:18Bea, kung gusto na ang sitwasyon ngayon dyan?
00:24Maris, nasa ilalim ng signal number one ng Oriental Mindoro.
00:27Ibig sabihin po, bawal pumalaot ang anumang sasakyang pandagat at bawal muna ang pangingisda.
00:33Ang ilang residente na nakausap natin dito ay nangangamba na sa posibleng pinsalang idulot nitong bagyong opong.
00:43Bakas sa bahay ni Mang Roniel sa barangay Apitong Nauhan Oriental Mindoro, ang epekto ng paulit-ulit na pagkalubog sa baha.
00:51Ang sahig at dingding na nabubugbog ng bagyo, tinatapalan na lang daw niya ng kahoy para hindi tuluyang bumigay.
00:59Minsan tulog kami, tapos yung aso ay maingay. Pagbaba namin tubig na pala.
01:04Tapos minsan nadadala yung kung anong mga nasa baba, naaanod, hindi namin alam, bahanap pala.
01:11Kami ang kawawababahain. Talong-talo ma'am.
01:15Kaya sa nagbabadyang paghagupit ng bagyong opong sa probinsya, bakas din sa muka ni Mang Roniel ang takot dahil sa posibleng pinsalang idudulot nito.
01:25Kung hindi lang daw sana naging ghost project ang mga pangon trabaha sa kanilang lugar, maiibsan sana ang paulit-ulit na problema.
01:34Medyo nakasama ng loob. Kumbaga, pera yun namin. Tapos dun inilagay sa flood control daw.
01:41So, kaso wala naman. Kung mayroon sana nun, di malaking tulong sa amin. Hindi kami babahin dito.
01:47Hindi na kami mamamangamba na uulan na naman. Bahana naman ito mangyayari.
01:50Pati hanap buhay ng mga magsasakang gaya ni Mang Alan, malulubog na naman daw.
01:56Yan pong pala yan ito. Yan pong mga nakikita natin yan. Yan po ay talagang lubog po sa tubig yan.
02:01Ang nangyayari po sa amin, naiging kaawa-awa maliliit na katulad namin.
02:05Na wala pong ibang inaasahan, kundi po makisaka or may pala yan.
02:11Yung flood control na yun, sayang. Kung di ito nga sana napalagay, eh di sana, wala na po kaming...
02:16Nung bumisita ang DPWH sa Barangay Apitong, hindi matuntun ang tatlong proyektong kontrabaha na pinondohan at idiniklarang tapos na noong 2024.
02:27Ngayon, puspusan ang paghahanda ng mga otoridad para sa bagyong opong.
02:31Magkakaroon po tayo ng pakikipag-ugnayan doon sa ating mga kabarangay na malapit dito sa...
02:39Yung mga prone area na binabaha upang wala pa man po yung baha ay palilikasin na po natin.
02:46Kung kinakailangan lumikas, pumunta na sa mga ligtas na lugar or yung mga evacuation center
02:51or yung mga kamag-anak nilang may mga malalaking bahay na pwede nilang tigilan pagka dumating yung bagyo.
02:56Inilatag na rin ang provincial government ang mga plano nito para paghandaan ng bagyo.
03:01Tulad ng preemptive evacuation sa mga residente sa vulnerable areas.
03:06Suspendido na rin sa biyernes ang pasok sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan
03:12pati sa government offices sa Oriental Mindoro.
03:15Maris, suspendido rin ang klase ngayong araw sa pampubliko at pribadong paaralan mula yung kindergarten hanggang senior high school.
03:26Samantara, isa sa mga ginagawa ng mga otoridad ngayon ay nag-iikot sa mga flood-prone at landslide-prone areas,
03:33particular yung mga coastal barangays para sa preemptive evacuation.
03:38Yan ang unang balita mula rito sa Oriental Mindoro, Bayapinlac para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment