00:00Muling dumalo sa pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure si dating DPWH Assistant District Engineer Bryce Hernandez
00:08kasama ang iba pang dating opisyal ng DPWH.
00:12Dumating din sa ICI si dating Senate President Francis Cheese Escudero
00:16na idinadawit sa kontrobersyal na insertions sa pambansang budget.
00:21Yan ang ulat ni Harley Valbuena.
00:23Ito ang Lamborghini Urus ni dating DPWH Assistant District Engineer na si Bryce Hernandez
00:33na itinurn over na rin sa Independent Commission for Infrastructure o ICI Office sa Taguig City.
00:41Nagkakahalaga ito ng 30 hanggang 40 milyon pesos.
00:45Itong Lamborghini na itinurn over ni Bryce Hernandez ay ipinarada sa tabi nitong GMC SUV
00:52na nauna na niyang isinuko sa ICI noong nakarang linggo.
00:57Muling humarap sa hiling ng ICI si Hernandez hinggil sa manumalyang flood control projects.
01:04Kasama rin niya si na former DPWH Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara
01:09at former DPWH Assistant District Engineer JP Mendoza.
01:14Ang pagdinig ay pinangunahan ni ICI Chairman Andres Reyes Jr.
01:20Sinabi naman ni ICI Special Advisor at Baguio City Mayor Benjamin Magalong
01:27na may itatalagang spokesperson o tagapagsalita ng ICI.
01:32Samantala, dumating din sa ICI si former Senate President Francis G. Escudero.
01:39Invitasyon ang natanggap ko para maging resource person kaugnay sa mga proseso ng Senado, kaugnay sa proseso ng budget.
01:46Handa naman si Escudero sakaling ungkatin ng ICI ang issue sa sinasabing 30 milyon pesos na donasyon
01:54na kanyang tinanggap mula sa isang kontraktor para sa kanyang kampanya noong 2022.
02:00Bukas din ang Senador na sagutin ang aligasyon ni House Deputy Speaker Ronaldo Puno
02:06na siya at si former House Appropriations Committee Chairman Zardico
02:11ang dapat sisihin sa kontrobersyal na insertions sa 2025 budget.
02:18Insertion man o amendment, oo, meron naman talaga eh.
02:21May mga amendments naman talaga eh, hindi naman pwedeng wala eh.
02:23Hindi naman perfect yung nepe.
02:24Si Congressman Puno ni hindi sa bahagi nga ng kongreso pa noong panahon yun
02:28kaya hindi ko alam kung saan siya nagkagaling.
02:29Harley Valbena para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.