00:00Sa batala bilang pagkatugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing ligtas at maginhawa,
00:07ibiyahin ang ating mga kababayan, ikinasan ngayong araw ng Department of Transportation ng pilot run ng kanilang Commuter Assistance Program.
00:17Kung saan yan, unang umaragkada alamin sa Sertro ng Balita ni Vell Custodio.
00:23Pahirapan ang pagsakay sa Commonwealth Avenue lalo na kapag Rush R, sabi ni Ruby Manalo, isang commuter.
00:53Although, ano po talagang Rush R na, tinutulungan po nila yung mga commuters.
00:58Hinaing naman ang college student na si Jomari Española ang overloaded bus.
01:03Kaya dapat lang daw na labing may nakadeploy at nagbabantay sa mga sasakyan.
01:08Kasi po, para maprotectahan din po yung mga tao, marami pong nananakawan kasi.
01:12Actually nanakawan po rin ako dito.
01:14Nanakaw po yung phone ko.
01:16Wala pong nagbabantay.
01:17And pag nagsisiksikan po sa may pintuan ng mga bus, nagdudumog po, nag-iipitan.
01:22Kaya medyo mahirap din po palagahan yung mga kaanod.
01:25Kaya naman inilunsad ang Department of Transportation ng pilot run ng Interagency Commuter Assistance Program.
01:33Ayon kay Acting DOTR Secretary Giovanni Lopez,
01:36layunin ng deployment na tugunan ang mahabang paghihintay ng sasakyan,
01:40irregular na headway ng public utility vehicles, siksikang pasahero at delikadong pagsakay at pagbaba.
01:48Bunga ang programang ito mula sa obserbasyon ng ilang opisyal ng DOTR at mga attached agencies sa kanilang pagkocommute papunta sa trabaho.
01:56Kanina po umikot kami.
01:58Apparently may mga pasahero pa nagkocommute na nasa gitna pa ng daan.
02:04Ngayong araw nag-deploy na rin tayo ng mga Coast Guard natin, ng additional traffic enforcers.
02:10But it appears we have to do more, kulang pa.
02:13Inilagay ang mga personnel sa mga tinaguriang high-impact areas upang tulungan ang mga pasahero,
02:19lalo na ang mga senior citizen at may kapansanan sa pagsakay at pagbaba.
02:23Isa sa gawa ang pilot run ng Interagency Commuter Assistance sa PUB stops sa Tantang Sora, Don Antonio, Batasan at Filcoa.
02:32Simula 6 hanggang 9 o'clock na gumaga sa southbound at 4 hanggang 8 o'clock naman sa gabi sa northbound.
02:38Minomonitor rin ang interval ng mga pampublikong sasakyan sa mga loading at unloading points.
02:44Maglalagay rin ang mga bagong signage, markers at physical barriers ang Metropolitan Manila Development Authority at Quezon City Department of Peace and Order
02:53sa mga itinalagang sakayan at babaan upang organisado at mas nigtas ang daloy ng pasahero.
02:59Papaitingin din ng ahensya ang public information campaign sa tamang babaan at sakayan.
03:05Iti-check din ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board kung pumapasa na lahat ng may prangkisang PUV.
03:12Ang ginawa ng LTFRB ngayon, nagpadala tayo ng mga tao sa terminal for dispatching para may skip buses and everything.
03:21But again, kung 3,972 ang PUV dito, bakit parang ang dami pang pumipila?
03:29So we have to do something more.
03:32Kailangan nila i-check kung lahat ba yung nabigyan ng prangkisa.
03:35Talagang, yes, operasyonal.
03:38Bahagi ang interagency effort ng DOTR, LTFRB, LTO, MMDA, QCDPOS at Philippine Coast Guard
03:47ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing mas nigtas at mas maginhawa ang pampublikong transportasyon.
03:56Velco Studio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.