00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:06Mainit na balita naman ang GMA Regional TV sa Visayas at Mindanao.
00:10Masama man ang panahon, hindi nagpapigil ang libu-libong dumalo sa mga kilos protesta laban sa katiwalian.
00:16Sarah, kumusta yung mga naging aktividad sa mga provinsya?
00:21Rafi, kahit inulan, sa ilang lalawigan hindi itinigil ang mga kilos protesta.
00:26Sa New Washington, Aklan, itinuloy pa rin ang pagmarcha ng mga residente kahit umulan.
00:32Nagkaroon din ng maikling programa sa Cardinal Sin Park kasunod niyan.
00:36Matapos naman magmarcha ng mga nag-rally sa isla ng Boracay, bumuo sila ng human chain formation.
00:43Sa Bacolod City, nagsimula ang rally sa Capitol Lagoon hanggang tumungo sila sa Bacolod Public Plaza.
00:50Mulaharo Plaza naman ang mga rallyista na nagmarcha pa Iloilo Provincial Capital sa Iloilo City.
00:55May mga rallyista rin nagtipon-tipon sa Plaza Rizal sa Tagbilaran, Buhol.
01:01Naging maulan din ang motorcade sa Cagayan de Oro City.
01:04May hiwalay pang prayer rally ang mga taga-simbahan sa Lungsol sa Plaza de Vizoria.
01:10Ibinaskil naman sa mga tricycle na ilang rallyista sa General Santo City ang kanilang panawagan.
Comments