Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Pag bumultahin ng hanggang 15,000 pesos sa mga TNBS rider at driver na nagkakansila ng booking ng walang sapat na dahilan.
00:08Dagdag pahirap daw kasi yan sa mga pasahero, lalo na ngayong holiday season.
00:13Narito po ang aking report.
00:18Mahabang pila at halos di naumusad ang mga sasakyan pakiat sa departure area ng NIA Terminal 3.
00:23Kaya ang ilang biyahero, bumaba na ng sasakyan at naglakad na lang papunta sa gate.
00:27May harap malit, mamaya eh. Naribok na kayo yung ticket namin noong nakaraan, kaya balik na naman ngayon.
00:33Ang iba, inagahan na ang pagpunta sa airport.
00:36Mas okay na yung maghihintay ka na lang sa airport kaysa malit ka pa.
00:39Kaya ang ilang nakausap namin, di na lintana kung mapamahal ng kaunti sa mga sasakyang TNBS.
00:45Around 3,000 to 5,000 papunta sa Clark City. Pag sa shuttle, ay nasa 500 lang.
00:51I think okay naman. It's not too bad. Pero syempre, mas okay yung may sundo.
00:58Maraming commuter na umaasa sa TNBS ngayong holiday season.
01:02Pero marami daw nagre-reklamo na may mga driver na nagkakansila ng booking, lalo sa mga lugar na mabigat ang trapiko.
01:08Kaya ang LTFRB, naglabas ng memorandum para pagmultahin ang mga gumagawa nito.
01:145,000 pesos para sa first offense.
01:1710,000 pesos naman at 30 days na pag-impound ng sasakyan para sa second offense.
01:22At 15,000 pesos na multa at kansilasyon ng Certificate of Public Convenience
01:26o yung certification na nagpapahintulot sa mga sasakyan na mag-operate bilang isang TNBS.
01:32Ayon kay LTFRB Chairperson Vigor Mendoza II, ang pagkakansila ng booking ay katumbas ng pagtanggi sa pasahero.
01:39May epekto rin daw ito sa seguridad at kapakanan ng mga pasahero.
01:43Sa ilalim ng memorandum, paparusahan ang pag-cancel kung ginawa lang ito para iwasan ang mga biyaheng hindi ganong kikita ang driver
01:50kumpara sa mga biyaheng mas malaki ang singil.
01:52Gayun din kung diskriminasyon ito lalo sa mga senior citizen, PWD at iba pang sektor
01:58at kung nasa gitna na ng biyahe at walang valid reason.
02:02Pwede rin parusahan kung makikita sa log ng mga transport network company
02:05na tumatanggi talaga ang driver sa mga partikular na lugar at oras na walang sapat na dahilan.
02:11Obligado rin ang mga TNC na magsumite ng monthly report na naglalaman ang bilang ng mga cancellation.
02:17May exceptions naman daw, gaya kung nagkansila dahil sa mga kalamidad tulad ng baha,
02:22nasirang sasakyan o ugali ng pasahero.
02:25May karampatang parusa rin para sa mga TNC na di nababantayan ang mga driver na laging nagka-cancel.
02:31Magiging epektibo ang memorandum kapag naisang publiko nito sa mga pahayagan.
02:36Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended