Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Sa loob ng dalawang linggo, target ng Independent Commission for Infrastructure na may maipakita ng resulta ang kanilang investigasyon
00:07at may makasuhan na kaugnay sa maanumaliang flood control projects.
00:11Sinabi po yan ni ICI Special Advisor Baguio City Mayor Benjamin Magalo na kabilang sa mga politikong nakiisa sa kilos protesta sa ELSA kontra katiwalian.
00:21May unang balita si Mav Gonzalez.
00:22Bago ang rally sa People Power Monument, nagsimba muna sa EDSA Shrine ng ilang politiko.
00:32Tao rin ang mga nasa gobyerno. Pag nakita nila ito, ay malaking mensahe sa kanila.
00:37Kaya dapat lang suportahan ang mga pagkilos na ganito. Kailangan tuloy-tuloy itong panawagang managot.
00:46Nagdaos ng maliliit na programa ang iba't ibang grupo sa paligid ng EDSA Shrine.
00:52Mula rito, nagmarcha pa People Power Monument ang mga rallyista galing sa iba't ibang sektor.
01:02Umulan o umaraw, tuloy ang marcha.
01:06May mga sumama pang bata, senior citizen, pati PWD.
01:11Magkakasama naglakad si na Senador Bam Aquino, Pangilinan at ML Partonist Representative Laila Dilima.
01:17Nasa EDSA rin si Baguio City Mayor at Independent Commission for Infrastructure Special Advisor Benjamin Magalong.
01:25Aniya, baga matuwalang deadline na ibinigay si Pangulong Marcos, may self-imposed deadline ng ICI.
01:31In the next two weeks, kailangan may produce kami talaga ng mga resulta. Dapat meron kaming mga kasuhan na.
01:39May listahan na rin daw ng mga ipatatawag ang ICI.
01:43Meron meron mga ipapatawag. Nasa ICI yun. Desisyon ng ICI.
01:48Nakikipagugnayan din Aniya ang ICI sa Senate Blue Ribbon Committee para sa mga ebidensya,
01:53particular sa kaso ni dating DPWH Assistant District Engineer Bryce Hernandez.
01:58Iti-turn over niya. Lahat ang mga ebidensyang nakuha nila sa bahay ni Bryce.
02:04Willing siyang iti-turn over lahat yung kanyang mga nakuha dahil sa pinagagawa nila,
02:11except yung mga minana niya sa kanyang mga magulang.
02:14Ayon kay Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Ping Lakson,
02:17selyado pa ang mga ebidensyang nakuha ni Hernandez sa bahay niya.
02:21May mga inuwi sa mga dokumento, computer at lahat. May susundin tayong proseso at yun ang pinaghahandaan namin.
02:29Pag inansil natin, meron tayong susundin na procedure para hindi, sabi ko nga, para ma-preserve yung chain of custody.
02:38Sabi ni Lakson kung may ebidensya ng kickback o komisyon, agad niya itong ipapadala sa ICI.
02:45Agad-agad, maski hindi patapos yung aming pagdinig at wala pang committee report,
02:49ipapadala ko na yun, yung party na yun, kung sino man yung mga naituro pa at may ebidensya.
02:55Sabi naman ni Public Works Secretary Vince Dizon, kahit hindi siya dumalo sa rally,
03:00suportado niya ang panawagang accountability sa flood control projects.
03:04Aminado si Dizon na malamang makita rin sa ibang probinsya ang gaya ng modus ng pangungurakot sa Bulacan.
03:10Ngayon po na nabuo na ang Independent Commission for Infrastructure,
03:17e dapat po pati ang ibang mga tao na naririnig na natin, naririnig na natin ang mga pangalan niya ngayon.
03:25Ang imbawa po sa Mindoro, dito po sa ginawang project ng San West Corporation,
03:32link po ang San West Corporation kay Congressman Dalbico.
03:36Nangako rin siya na walang sasantuhin ang DPWH base sa direktiba ng Pangulo.
03:41Lahat po nang ginawa na natin itong nakarang dalawang linggo, gagawin po natin ito paulit-ulit.
03:48Magdi-dismiss tayo, magtatanggal tayo sa trabaho, mag-file tayo ng kaso, magpapakulong tayo,
03:55at babawin po natin ang pera ng bayan, ang pera ng mga kababayan natin.
04:00Magpapafreeze po tayo ng assets at haahabulin po natin lahat yan.
04:04Ito ang unang balita. Mav Gonzalez para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended