00:00Sumiklab nga po ang gulo sa pagitan ng polis at ilang grupo sa Ayala Bridge sa Maynila.
00:06At may nagsunog ng gulong ng truck at mayroon pang namato.
00:10Tingnan tayo magigit 30 ang sugatan dahil po dyan.
00:13At nakatutok live si Jonathan Nanda.
00:16Jonathan?
00:19Pia, paya pa na ang sitwasyon ngayon dito sa may bukana ng Ayala Bridge matapos magkagulo kanina.
00:24Itong nakikita mo sa likod ko, yan yung container van na sinunog kanina ng mga sangkot sa gulo.
00:31Ito po kasing Ayala Bridge.
00:32Pagtawid nyan, yan na yung kanto papunta doon sa Malacanang Complex.
00:37Kaya yan yung binarikadahan ng mga polis kanina.
00:40Namato kanina yung mga ng gulo, pinaulan na nalang bato yung mga polis.
00:45Kaya kung makikita nyo nabutas po yung street side na yun, na nakikita nyo sa inyong screen,
00:49ang nakasulat dyan ay Romualdez Street.
00:52Ang sabi ng barangay, nakuha ng mga nanggulo, yung mga pambato nila,
00:56dito po sa may center island na ito.
00:59Kung makikita nyo, durog na.
01:01Dito daw, ito daw ay dinurog ng mga nanggulo kanina.
01:04At yung mga bato galing dito, yun yung pinambato doon sa mga polis.
01:16Pia na balot ng usok kanina ang bukana ng Ayala Bridge.
01:19Nagsunod kasi ang isang grupo ng mga kalalakihan ng gulong ng container truck na binarikada ng mga polis.
01:25Sabi ng NCRPO, gusto kasi ng mga nanggulo na makapasok sa Ayala Bridge mula Luneta.
01:30Pero hinarangan nito ng pulisya dahil kanto na ng malakanyang kompleks ang nasa kabilang dulo ng tulay.
01:34Kanina, ipinorma ng mga polis ang kanilang pansalag na mato ng bato at bote.
01:39Ang mga kalalakihang nakatakip ang mga muka.
01:41Ilang sandali lang, umabante ang isang grupo ng mga polis.
01:44Pinalibutan nila ang isang bumbero para makalapit sa container truck at maapula ang apoy.
01:49Hanggang nagkatakbuhan na ang polisya palusob sa direksyon ng mga nanggulong kalalakihan.
01:54May dumating kasing dagdag pwersa ng polisya galing Luneta.
01:57Kaya nagpulasan ang mga kalalakihan.
01:59Pero may ilang mga inabutan at pinagdadampot.
02:02Ayon sa PNP, nasa labimpitong individual ang hinuli ng Manila Polis.
02:06Nasa tatlong pong polis naman ang sugatan, sabi ng NCRPO.
02:10Isa sa kanila ang polis na tinamaan daw ng likido galing sa ibinato sa kanilang galon na mabahu raw at mapanghe.
02:17Sabi ng kagawad sa barangay 663, ang mga bato at bote na ibinato ng mga nagprotesta galing daw sa mga paso nila sa barangay hall
02:24at sa mga bote ang ibibenta sana nila.
02:28Isang polis naman ang hinimatay raw at dinala pa sa ospital.
02:31Isang motorsiklo naman ng polis ang sinunog daw ng grupo ng mga kalalakihan.
02:36Dumating ang polis na may-ari ng motorsiklo pero tumangging magkomento.
02:39Ang sabi ng hepe ng NCRPO, maximum tolerance ang kanilang ipinatupad pero sumobra na raw talaga ang mga nanggulo kanina.
02:47Kaya kabilang daw sa isasampang reklamo ng NCRPO sa mga nahuli, direct assault, vandalism at destruction of property.
02:55Narito ang pahayag ng hepe ng NCRPO.
02:57Kaya kailangan ng sabi ko kanina, we have observed maximum tolerance pero yung maximum tolerance na yun kung minsan is sumosobra na eh.
03:10Nakita niyo po gusto nilang ma-penetrate eh.
03:12So alangan na mga titingin na lang po kami.
03:16Sa isang pahayag naman, sinabi ni Atty. Vic Rodriguez, dating executive secretary, na hindi raw napagkasundoan at pinahihintulutan ang nangyaring gulo sa Ayala Bridge.
03:33Wala raw silang kinalaman dito.
03:35Pia, ang sabi ng ground commander na dito ng mga polis eh, yung mga inaresto eh dinala sa ospital para sa medical exam tapos posibleng dalin sila sa Manila Police District Headquarters sa UN Avenue.
03:47Yan muna ang huling balita mula rito sa Ayala Boulevard. Balik sa'yo, Pia.
03:52Maraming salamat, Jonathan Andal.