Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, alamin natin ngayon ang latest sa Typhoon Nando
00:03mula kay Amor Larosa ng GMA Integrated News Weather Center.
00:07Amor.
00:10Salamat Ivan mga kapuso.
00:12Lalo po po lumalakas ang bagyong Nando na posibleng ang maging super typhoon
00:16at habang patuloy ang paglapit niyan sa lupa,
00:18nagsimula ng magtaas ng wind signal ang pag-asa.
00:22Signal number one na po sa Batanes,
00:23ganun din sa Cagayan kasama ang Babuyan Islands,
00:26Isabela, Quirino,
00:27Northeastern portion ng Nueva Vizcaya,
00:30Apayaw at ganun din sa Kalinga.
00:32Signal number one din dito sa Abra,
00:34Mountain Province, Ifugao,
00:35Ilocos Norte,
00:36Northern portion ng Ilocos Sur,
00:38Northern at Central portions ng Aurora
00:40at pati na rin sa Northern at Central portions ng Catanduanes.
00:45Mas madadagdagan pa yan habang lalong lumalapit ang bagyong Nando
00:48at kapag naging super typhoon nga itong bagyo
00:50ay aabot ang pinakamataas na babala sa signal number five.
00:55Bukod po sa mga pagulan at bugso ng hangin,
00:57maging handa rin sa banta ng malalaking alon at storm surge o daluyong.
01:02Huling namataan ang mata ng bagyong Nando sa layong 770 kilometers silangan ng Echage, Isabela.
01:09Taglay po nito ang lakas ng hangin na aabot sa 140 kilometers per hour
01:13at yung bugso po niyan aabot na sa 170 kilometers per hour.
01:17Ito po ay kumikilos pahilagang kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour.
01:23Ayon sa pag-asa, posibleng dumaan malapit o mag-landfall ang bagyong Nando
01:27dito yan sa Batanes o Babuyan Islands lunas ng hapon o gabi.
01:32Martes ng umaga ay posibleng nasa labas naman na po yan
01:35ng Philippine Area of Responsibility.
01:37Pero mga kapuso, pwede pang magkaroon ng pagbabago sa pagkilos nito
01:41kaya patuloy po ang tumutok sa updates.
01:43Unti-unti nang nakaka-apekto yung trough o buntot ng bagyong Nando
01:46dito po yan sa ilang bahagi ng Luzon.
01:48Kita na po yan sa mapa, humahampas na po yung mga kaulapan yan
01:51dito sa ilang bahagi po ng Luzon at Visayas.
01:54At ito naman po, pinapalakas po nito, hinahatak na habagat
01:57e magpapaulan din sa natitirang bahagi po ng Pilipinas.
02:01So combined effects po ng bagyo at ng habagat
02:03asahan po natin magdudulot ng masamang panahon.
02:07Base po sa datos ng Metro Weather,
02:08bukas kung kailan may kabi-kabilang protesta
02:11sa iba't ibang bahagi ng bansa.
02:13Umaga pa lang may chance na po ng mga kalat-kalat na ulan
02:16dito yan sa Bicol Region,
02:18ganoon din sa may Eastern Visayas,
02:20Mimaropa, Calabar Zone,
02:22Western Sections ng Central Luzon
02:24at ganoon din sa ilang bahagi po ng Visayas at Mindanao.
02:28Pagsapit naman ng hapon,
02:29halos buong Luzon na ang uulanin
02:31mula po yan sa may Extreme at Northern Luzon,
02:34ganoon din dito sa may Central Luzon,
02:36Southern Luzon kasama po ang Calabar Zone
02:38at Mimaropa,
02:39ganoon din sa Bicol Region.
02:41May mga pag-ulan din po tayo nakikita
02:43sa malaking bahagi ng Visayas at ng Mindanao.
02:46Maraming lugar na ang mag-uumpisang makaranas
02:49ng malalakas na buhus ng ulan
02:51kaya maging handa po sa bantanang baha o landslide.
02:54Sa Metro Manila naman,
02:56umaga pa lang ay maulap na po ang panahon
02:58at bago magtanghali,
02:59ay posibleng meron ng mga kalat-kalat na ulan
03:02sa ilang lungsod.
03:03Pwedeng magpatuloy ang mga pag-ulan sa hapon
03:05at maulit sa gabi,
03:07kaya dobli-ingat.
03:09Pagsapit po ng lunes,
03:10nasa Northern Luzon pa rin
03:11at ganoon din sa may Extreme Northern Luzon,
03:13yung pinakamatitinding buhos ng ulan
03:16at kitna kita po dito sa ating mapa
03:17yung lawak ng sakok nitong Bagyong Nando.
03:21Maulan din sa iba pang bahagi po ng Luzon
03:23at ganoon din dito,
03:24meron din po mga pag-ulan
03:25sa ilang panig ng Visayas at Mindanao
03:27dahil naman po yan sa habagat.
03:30Yan muna ang latest sa ating panahon.
03:32Ako po si Amor La Rosa
03:33para sa GMA Integrated News Weather Center,
03:36maasahan anuman ang panahon.
03:38Ako po si Amor La Rosa
Be the first to comment
Add your comment

Recommended