Skip to playerSkip to main content
Severe Tropical Storm “Nando” (international name: Ragasa) continues to intensify as it moves northwest over the Philippine Sea, according to the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) on Saturday, September 20.

READ: https://mb.com.ph/2025/09/20/sts-nando-intensifies-may-become-super-typhoon-before-hitting-batanesbabuyan-islands-pagasa

Subscribe to the Manila Bulletin Online channel! - https://www.youtube.com/TheManilaBulletin

Visit our website at http://mb.com.ph
Facebook: https://www.facebook.com/manilabulletin
Twitter: https://www.twitter.com/manila_bulletin
Instagram: https://instagram.com/manilabulletin
Tiktok: https://www.tiktok.com @manilabulletin

#ManilaBulletinOnline
#ManilaBulletin
#LatestNews

Category

🗞
News
Transcript
00:00Patuloy pa rin binabaybay ni Bagyong Nando yung karagatan at patuloy pa rin po itong nag-i-intensify.
00:06Huli itong namataan sa layong 800 kilometers east of Kasiguran Aurora.
00:11Taglay na nito ngayon yung lakas ng hangin na 100 kilometers per hour malapit sa sentro
00:16at bugso ng hangin na umaabot sa 125 kilometers per hour.
00:21Ito'y kumikilos pa northwestward sa bilis na 10 kilometers per hour
00:25and ngayong araw po yung trough or extension nito ay magdudulot na ng mga kalat-kalat na pagulan
00:31dito sa silangang bahagi ng Luzon maging sa silangang bahagi din ng Visayas.
00:36Samantala yung dating si Bagyong Mirasol naman na may international name na mitag
00:41ay huling namataan sa layong 845 kilometers west-northwest ng extreme northern Luzon.
00:48Nag-downgrade na rin po ito into a tropical depression and wala na itong epekto sa anumang bahagi ng ating bansa.
00:56And bukod po dito sa dalawang weather disturbance na ito,
00:59ang southwest monsoon o habagat naman ay patuloy pa rin umiiral dito sa may western section ng northern at central Luzon
01:06maging sa bahagi din ng southern Luzon at Visayas.
01:10Kung saan ngayong araw ay magdadala din po ito ng mga kalat-kalat na pagulan
01:14lalong-lalo na dito sa may western section ng central Luzon
01:18maging dito rin sa malaking bahagi ng southern Luzon.
01:22Kaya naman po doble ingat pa rin sa ating mga kababayan
01:24sa posibilidad ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.
01:30At ayon nga dito sa ating latest forecast track analysis ni Bagyong Nando,
01:35generally ito ay kikilos pa northwestward, then west northwestward patungo dito sa area ng extreme northern Luzon.
01:43Simula po bukas na araw ng linggo ay magiging mas malapit na nga po ito dito sa ating bansa
01:50and ina-expect natin by Monday afternoon or evening ay lalapit or magla-landfall ito
01:57dito sa Batanes-Baboyan Islands area.
02:00And habang binabaybay po nito yung karagatan ay patuloy din po itong mag-i-intensify pa
02:05and within 12 hours ay posible po itong mag-intensify pa into a typhoon category
02:11and by Monday naman bago po ito lumapit or mag-landfall dito sa may Batanes-Baboyan Island area
02:18ay posible po itong mag-intensify pa into a super typhoon.
02:24And mapapansin din po natin itong area natin under a shaded yellow circle
02:29na malaki po yung sakop ni Bagyong Nando.
02:33Kaya kailangan po natin i-consider kahit po dito siya sa area ng extreme northern Luzon
02:38and I expect na lalapit or magla-landfall ay dahil nga po malaki yung sakop nito
02:43yung buong area po ng northern Luzon maging yung ilang bahagi po ng central Luzon
02:48ay makakaranas po ng mga malalakas na hangin and also ng mga malalakas na pagulan na dala po nito.
02:55So paalala po sa ating mga kababayan, yung direct effect po ni Bagyong Nando ay mararamdaman
03:02dito sa buong bahagi ng northern Luzon maging sa ilang bahagi pa ng central Luzon.
03:08Kaya naman po paghahanda para po sa ating mga kababayan dyan.
03:11Samantala bukod po dito habang papalapit din itong si Bagyong Nando dito sa area ng extreme northern Luzon
03:19ay palalakasin din ito yung habagat kung saan ang habagat po ay magdudulot din ng mga malalakas na pagulan by early next week
03:27lalong-lalo na dito sa may western section ng central Luzon
03:31maging dito din sa malaking bahagi ng southern Luzon at ilang bahagi pa po ng Visayas at Mindanao.
03:38So muli po expect natin bukod dito kay Bagyong Nando yung habagat din po ay magdudulot ng mga pagulan dito po sa mga areas na ito.
03:46Kaya naman muli paghahanda po para sa ating mga kababayan and patuloy na magantabay sa updates na ipapalabas ng pag-asa.
03:56And sa lukuyan po wala pa tayong nakataas na wind signal sa anumang bahagi ng ating bansa
04:02ngunit ngayong araw din ina-expect po natin na magtataas na tayo ng wind signal number 1 dito sa area ng northern Luzon.
04:10And during the passage po ni Bagyong Nando, yung highest possible wind signal natin ay maaaring umabot hanggang wind signal number 5.
04:18So expect po natin mapaminsalang hangin yung dala ni Bagyong Nando.
04:22So yung ganito pong kalakas na hangin, posible ito makapagpatumba ng puno, ng poste, makasira po ng mga pananim and also ng mga structures.
04:31So expect po natin sa pagdaan po ni Bagyong Nando, posible po na mawalan tayo ng kuryente or magkaroon po ng interruption po sa communication.
04:43Kaya naman muli paghahanda po para sa ating mga kababayan.
04:49Samantala bukod po dito sa mga dalang hangin ni Bagyong Nando, dahil po ina-expect natin na lalakas din yung habagat natin.
04:56For today, posible po yung bugso ng mga malalakas na hangin, dulot ng habagat dito sa Bicol Region, maging sa area ng Eastern Visayas at sa Caracas.
05:06Samantala by Sunday and Monday naman kung saan ina-expect po natin na mas lalakas pa yung habagat, posible po yung bugso ng mga malalakas na hangin.
05:15Dito sa Metro Manila, maging sa malaking bahagi ng Central at Southern Ocean, maging sa ilang bahagi pa po ng Visayas at Mindanao.
05:23At sa kasalukuyan po, wala tayo nakataas pa ng gale warning, ngunit maalo na karagatan na po yung mararanasan ng ating mga kababayan dito sa Eastern Seaboard ng Cagayan, Isabela at Catanduanes.
05:36Samantala, within the day din po, magtataas na din tayo ng storm surge warning sa coastal waters ng Northern Luzon, kung saan kapag meron po tayong risk ng storm surge,
05:48suspended po yung kahit anong marine activities po natin, gaya ng paglangoy, paglalakbay dagat, and also yung pangisda.
05:55At inaabisuhan din po natin yung ating mga kababayan na nakatira malapit sa coastal areas na hanggat maaari po ay, or maaari pong lumipat po tayo sa mas mataas na lugar.
06:08At ngayong araw po, meron tayong mga scatter na mga pagulan na mararanasan lamang, dulot po ng trough ni Bagyong Nando at ng habagat.
06:18But simula po bukas, doon na po natin mas mararamdaman yung epekto ni Bagyong Nando, kung saan malalakas na po na pagulan yung mararanasan natin sa area ng Cagayan.
06:28Pusible po dyan yung 50 to 100 millimeters of rainfall.
06:32Samantala, sa bahagi din po ng Occidental Mindoro, posible din yung 50 to 100 millimeters of rainfall na dulot naman ng habagat.
06:42And by Monday naman po, kung saan ito yung pinakamalapit si Bagyong Nando dito sa ating kalupaan,
06:49expect po natin yung 100 to 200 millimeters of rainfall dito sa Ilocos Norte, Apayaw, Cagayan at Batanes.
06:57Samantala, 50 to 100 millimeters of rainfall naman dito sa Isabela, maging sa nalalabing bahagi ng Cordillera Admissative Region dito sa Ilocos Sur, La Union at Pangasinan.
07:09Samantala, yung habagat naman mas lalakas pa po by Monday, so expect din po natin yung 50 to 100 millimeters of rainfall dito sa area ng Zambales, Bataan at Occidental Mindoro.
07:21So muli po, magiging mataas yung banta ng mga pagbaha at pag-uho ng lupa, kaya naman paghahanda and dobly ingat pa rin para sa ating mga kababayan.
07:30And muli po, para sa track and intensity ni Bagyong Nando, within 12 hours, posible po ito mag-intensify into a typhoon and by Monday, bago po ito mag-landfall or lumapit sa area ng extreme northern Luzon,
07:46is posible po ito mag-intensify pa into a super typhoon.
07:50Yung directang efekto po nito ay dito sa area ng northern Luzon at ilang bahagi ng central Luzon, starting from tomorrow evening to early Tuesday.
07:59Kasabay din po nito yung pag-enhance na habagat na magdudulot naman po ng mga pag-ulan sa western section ng central Luzon,
08:06maging sa malaking bahagi pa ng southern Luzon, dito din sa Metro Manila, at ilang areas ng Visayas at Mindanao.
08:13So na-expect din po natin na lalabas ito ng ating area of responsibility by Tuesday morning or noon.
08:21And para naman po sa maging lagay ng panahon, ngayong araw ng Sabado, magiging maulap po yung kalangitan,
08:27may mga kalat-kalat na pag-ulan po tayong mararanasan dito sa bahagi ng Aurora, Quezon at Bicol Rizon,
08:34dulot po ito ng trough ni Bagyong Nando.
08:37Samantala, pagsapit din po ng hapon, magiging maulap na din yung kalangitan dito sa Cagayan Valley.
08:42Matas na rin po yung chance ng mga pag-ulan, dulot pa rin ng trough nito ni Bagyong Nando.
08:47Samantala, dito naman po sa area ng Mimaropa, maulan na panahon na din po yung ating mararanasan, dulot naman ng habagat.
08:55And pagsapit po ng hapon, magiging maulap din yung ating kalangitan dito sa Pangasinan, rest of Central Luzon and Calabar Zone.
09:02Magiging dito din po sa Metro Manila at tataasan din po yung chance ng mga pag-ulan, pagkilat at pag-ulog, dulot ng habagat.
09:12Samantala, dito naman sa area ng Eastern Visayas, makakaranas na din po tayo ngayong araw ng mga pag-ulan, dulot po ng trough ni Bagyong Nando.
09:20And dito naman sa area ng Palawan, may mga scattered na mga pag-ulan din na mararanasan, na dulot ng habagat.
09:27For the area naman po ng Western Visayas, magiging mataas din po yung chance ng mga isolated na mga pag-ulan, dulot ng habagat.
09:35And for the rest of Visayas at dito sa bahagi ng Mindanao, may mga isolated na pag-ulan po tayong mararanasan, dulot ng habagat, at ng mga localized thunderstorms.
09:48And ngayong araw po, bukod dun sa mga scattered na mga pag-ulan na mararanasan natin, dulot po ng trough ni Bagyong Nando and also ng habagat,
09:57ay hindi pa po natin ganun ramdam yung efekto ni Bagyong Nando.
10:01So maari po natin gamitin itong panahon na ito para po maging mas handa tayo sa nalalapit na si Bagyong Nando.
10:08So ito po yung ilan sa mga paalala para po maging handa tayo.
10:12Una po dito ay mag-monitor lamang sa updates na ipapalabas po ng pag-asa and also makinig din po tayo sa balita.
10:20Samantala, pangalawa naman po, magkaroon po tayo ng community planning.
10:24Alamin po natin yung plano ng ating comunidad or ng mga LGU para po sa mga posibleng paglikas.
10:32And also maganda din po na magkaroon tayo ng family plan or within the family bago po dumating itong si Bagyong Nando
10:40at magdulot ng mga malalakas na hangin, maari din po natin asuriin yung ating bahay at kung maari kumpunihin po natin yung mga mahihinang bahagi nito
10:50na maari pong masira ng mga malalakas na hangin na dala ni Bagyong Nando.
10:55And also importante din po na magkaroon tayo ng emergency contact person na taga ibang lugar na maari po natin hingan ng tulong
11:02kapag tayo po ay nangangailangan.
11:05Samantala, ito naman po, maari din po tayong maghanda ng emergency kit or isang bag po kung saan ilalagay natin yung ating mga medicine
11:16and also yung mga flashlight at kung ano-ano pa pong pangunahing pangangailangan ng ating pamilya.
11:24And bukod din po dito ay lumikas po tayo sa itinakdang evacuation center
11:30at makipag-ugnayan lamang po tayo sa ating mga LGU para po sa mga aksyon na kailangan natin gawin para po sa ating kaligtasan.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended