00:00.
00:06Sa pagharap ni dating DPWH Engineer Bryce Hernandez
00:10sa Independent Commission for Infrastructure,
00:12nagsuko siya ng isang luxury vehicle
00:15at may mga bago-umanong isiniwalat
00:17habang ang mag-asawang Curly at Sara Tiskaya
00:20sinuri ng Justice Department para sa Witness Protection Program.
00:24May report si Joseph Moro.
00:26Ang 12 million pesos na luxury vehicle na ito
00:31na pag-aari ni dating DPWH Assistant District Engineer Bryce Hernandez
00:36isinuku niya nung humarap ngayong araw
00:38sa Independent Commission for Infrastructure.
00:40Sir, bakit niyo sinuli yung sasakyan?
00:42Sir.
00:44Ang pagsusoli raw nitong si dating District Engineer Bryce Hernandez
00:48ng luxury vehicle na ito sa ICI sa ikalawang araw
00:52ng kanilang trabaho ayon kay Baguio Mayor
00:55at Special Advisor Benjamin Magalong
00:57ay pagpapakita raw ng kooperasyon nitong si Hernandez
01:00sa ginagawang investigasyon ng ICI.
01:02At ayon kay Mayor Magalong, may dalawa pa
01:05na susunod na luxury vehicle na isusoli itong si Hernandez.
01:08Te-turn over yung Ferrari worth 58 million
01:13tapos Lamborghini which is worth about between 30 to 40 million
01:18may mga motorcycles pa siya.
01:21Ipasusubasta raw ng ICI ang mga luxury car ni Hernandez.
01:25Sa pagsalang naman ni Hernandez sa investigasyon ng ICI,
01:29sinabi ng ICI chairman na si retired Supreme Court
01:32Associate Justice Andres Reyes Jr.
01:34na voluntaryong sinagot ni Hernandez
01:36ang lahat ng kanilang mga tanong
01:38ng walang pasubali at walang pag-iwas
01:40at nagpakita ng buong kooperasyon.
01:42Ayon kay Mayor Magalong, may mga sinabi si Hernandez sa ICI
01:46na hindi pa nababanggit sa mga pagdinig ng Kongreso.
01:50Very relevant yung kanyang mga revelations niya
01:54and to cut it short, talagang tell all siya
01:59and he continued to cooperate with us
02:02para talagang ma-identify palalo yung iba pang mga sangkot.
02:09Magandang lead ito para sa mga investigador.
02:14Humarap din sa ICI si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan.
02:19For the meantime, siguro hintay na lang natin si chairman
02:22kung ano yung mga na-reveal niya.
02:24Sa ocular inspection ng NBI at DPWH
02:27sa mga flood control projects sa Bulacan,
02:29may nabisto pang limang bagong ghost projects
02:31na nagkakahalaga ng kalahating bilyong piso.
02:34Halos lahat ay nakapangalan
02:36sa Sims Construction ni Sally Santos.
02:38Meron tayong magandang kaso against yung personalities involved.
02:44DPWH officer and contractors.
02:48Andaming ghost projects.
02:50Andaming yung hindi tama yung pagkakagawa.
02:56Sabi-standard.
02:57Ang initial findings at rekomendasyon ng NBI
03:00sa mga proyektong ito is sinumite ng NBI sa DOJ.
03:03Plano rin nila itong isumite sa ombudsman.
03:06Na-evaluate natin yan.
03:08But we will have to look at the jurisdictional matters first.
03:10Kasi nga, we have a MOA with the ombudsman.
03:14We cannot prosecute everything.
03:16The ombudsman is the lead when it comes to graft and corruption.
03:20Sa DOJ naman, dumating ang mag-asawang Curly at Sara Diskaya.
03:24In-evaluate na ng Justice Secretary kung pwede silang ipasok sa witness protection program.
03:29Confidential ang proceedings ng witness protection.
03:33I think that they're really looking for a solution to their problems.
03:36I think that it's a relief for them to be talking to people who just want to go to the truth.
03:42Paglilinaw ni DOJ spokesperson Miko Clavano, ang evaluation ay para pa lamang sa witness protection at hindi pa upang maging state witness.
03:51Yung state witness po kasi, we will find that out later on in the case.
03:56Pag meron na pong naka-file na kaso sa korte, we will have to move for the discharge of the witness to become a state witness.
04:04And that's when the state immunity comes in.
04:07Nais din daw mga pa sa ilalim sa WPP evaluation ang dalawa hanggang tatlo raw na konektado sa maanumalyang flood control projects.
04:15Ang isa ay kasama sa labindimang contractor na tinukoy ng Pangulo na naka-corner ng 20% ng kabuang budget ng mga proyekto.
04:23Si Rimulya naman meron daw nais makuhan taga DPWH para sa WPP evaluation.
04:39Kinaausap na raw niya tungkol dito ang Senado.
04:42Joseph Morong nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:46Tinayagan ng Senado na lumabas para mangalap ng mga ebidensya.
04:50Si dating DPWH Engineer Bryce Hernandez.
04:53Sina Sen. Jingoy Estrada at Joel Villanueva na idinawit sa kickback at budget insertions sa flood control projects.
05:00Hindi palusot ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chair Ping Lakson.
05:04Habang ang nadadawit ding si Congressman Zaldico, pinauuwi na sa loob ng sampung araw.
05:10May report si Darlene Kai.
05:12Sa pag-usad ng imbistigasyon sa mga maanumalyang flood control project, isa sa mga hinahanap si Akubicol Partilist Representative Zaldico.
05:23Bilang dating chairman ng makapangyiriang House Appropriations Committee na pangunahing bumabalangkas sa budget,
05:30siya raw ang pasimuno ng mga singit sa budget para mapondohan ang mga proyekto.
05:35Hindi pa nagpapakita rito sa batasan si Rep. Zaldico mula ng magbukas ang 20th Congress noong July 28.
05:41Nasa Amerika raw siya para sa medical leave, kaugnay ng kanyang heart ailment o sakit sa puso.
05:46I understand he is nasa United States siya for medical treatment with appropriate travel documents.
05:56The Speaker of the House of Representatives...
05:59Sa bagong liderato ng Kamara, unang utos ni ngayoy House Speaker Bojidi,
06:03pinapawalang visa na niya at binabawi ang travel clearance ni Ko.
06:08May sampung araw lang siya para bumalik sa Pilipinas dahil urgent o kailangan na raw tugunan agad ang mga issue.
06:15Kung hindi, bahaharap siya sa disciplinary action at mga legal na hakbang.
06:21Sabi ni Deputy Speaker Paolo Ortega, may paraan naman daw para sumagot sa issue si Ko.
06:26He can answer and he can make a statement via social media, Zoom or a statement.
06:32Pero para kay Acbayan Partylist Representative Percy Sendanya, nararapat lang na pauwiin si Ko.
06:39Mahalaga na dapat ginagawa natin yung trabaho.
06:41Una, binoto tayo at pangalawa, pinapasweldo tayo.
06:44Patuloy naming hinihinga ng pahayag si Ko.
06:47Una naman ni Vice President Sara Duterte,
06:50bakit ngayon lang kumilos si Pangulong Bongbong Marcos,
06:53gayong noong isang taon pa raw niya sinabing may hokus-pokus sa budget.
06:57Kasi tinuro na, pinangalanan na, hindi lang ako ang nagsabi si Zaldico at Martin Romualdez.
07:04Si Zaldico hinayaan nilang umalis ng bansa.
07:10Si Martin Romualdez hinayaan nilang mag-resign.
07:14Nag-resign naman na, so tapos na ang usapan.
07:16Hirit pa ng vice, bakit hindi magawang dukutin ang opisina ng Pangulo si Ko para maiuwi?
07:23Ang Office of the President involved sila sa kidnapping ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
07:29Bakit?
07:31Ngayon, nawala si Zaldico at maaalis si Martin Romualdez,
07:36hindi man lang nila magawa na kidnapin si Zaldico doon sa Amerika at ibalik dito sa atin, sa Pilipinas.
07:45At hindi man lang nila magawa na ikulong si Martin Romualdez dyan sa detention unit ng House of Representatives.
07:52Wala.
07:53Buelta sa kanya ng Malacanang.
07:55At ang payo niya is pakivnap si Zaldico.
07:59Another thing, it's illegal.
08:03So ganun ba magbibigay ng suggestion ang isang vice-presidente gumawa ng illegal?
08:09Di ba niya natandaan na mas madalas din siya magbiyahe at hinahayaan siya ng Office of the President
08:16kahit meron din nakabimbi na issue tungkol sa korupsyon na parte ng Articles of Enrichment.
08:23So anong pagkakaiba nun?
08:25Sa kanya, meron ng issues.
08:27Zaldico, iimbestigahan pa lang.
08:33Sa Senado.
08:34So hindi mo kilala si Sen. Jingoy at hindi ka nagdala ng pera sa kanya?
08:40Hindi po. Kahit po kay Bryce, wala po akong dinalang pera.
08:43Okay.
08:44So talagang safe ka na?
08:46Iginiit ni Sen. Blue Ribbon Committee Chair Pan Filo Lakso na hindi pa safe sa issue ng flood control kickbacks
09:01sina Sen. Jingoy Estrada at Joel Villanueva.
09:05Hindi pa nare-resolve yung sinasabi ni Bryce na nag-insert sila ng, in the case of Sen. Jingoy, yung 355 million sa Bulacan.
09:15Sen. Joel naman, 600 million.
09:18Sirbihan ko na rin silang dalawa bago sila umalis na hindi pa nare-resolve ito.
09:22Ani Lakson, tugma kasi sa nasa 2025 national budget ang 355 million pesos insertions
09:29na umunoy ibinaba ni Sen. Estrada para sa 7 flood control projects sa Bulacan.
09:34Itinanggina ni Estrada na sangkot siya sa anomalya at umaasaan niya ng patas at makatarungang imbestigasyon
09:40ng Independent Commission for Infrastructure.
09:43Ang 600 million pesos na ayon kay Hernandez ay insertion ni Sen. Villanueva,
09:48nakita ni Sen. Sherwin Gatchalian na nasa unprogrammed appropriations ng 2023 budget.
09:54Ibig sabihin, wala pang nakalaang pondo at walang detalye sa simula.
09:58Kung may babangga ang pondo o kita ay maaari na itong gamitin pero dapat sa mahalagang gastusin lang ng gobyerno.
10:05Yung kay Sen. Joel, totoo yung nahati sa walong proyekto at nakapagtaka rin doon,
10:10lahat uniform, 75 million, bawat isang proyekto, nawalo.
10:14Sabi ni Villanueva, wala siyang kapangyarihan sa unprogrammed funds at hindi siya ang nagpasok ng proyekto roon.
10:22Walaan niya siyang kinalaman sa flood control projects at hindi siya nakatanggap ng kickback.
10:27Sabi ni Lakson, may kailangan pang patunayan si Hernandez.
10:31Kaya naman pinayagan siyang makalabas bukas para makuha ang mga umano'y ebidensya pero babalik din kinagabihan.
10:38Darlene Kai nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:42Bago ngayong gabi, lumakas bilang severe tropical storm ang bagyong Nando na nanatili ang bilis habang nasa Philippine Sea.
10:51Sa 11pm bulitin ng pag-asa, huling namata ng bagyo, 840 km silangan ng Central Luzon.
10:58May lakas itong 95 km per hour at bugso nga abot ng 115 km per hour.
11:04Sa forecast track ng pag-asa, kikilos ang Nando pa west-northwest patungong extreme northern Luzon.
11:10Maaari itong maging super typhoon bago mag-landfall, kaya posible ang signal number 5.
11:16Mula hapon ng lunes hanggang madaling araw ng Martes, maaari itong mag-landfall o dumaan malapit sa Batanes o Babuyan Islands.
11:24Tanghali o hapon naman ng Martes.
11:27Inaasaang lalabas ito sa Philippine Area of Responsibility.
11:30Inaasaang paralakasin ng bagyo ang hanging habagat.
11:34Simula bukas ng umaga, maaaring magtaas na ng wind signal number 1 ang pag-asa sa northern Luzon.
11:41Nagaanda na ang ilang lugar sa norte na tutumbukin ang severe tropical storm Nando.
11:46May report si Nico Wahe.
11:48Buwis-buway sa rumaragas ang tubig ang mga residenteng ito sa Kansalakan River sa Gihulungan City, Necros Oriental.
11:58Buwat-buwat pa nila ang kanilang mga motorsiklo.
12:00Lumakas ang Agos, dulot ng umapaw na spillway.
12:03Ang Maguindano del Sur, under state of calamity na dahil sa malawakang baha sa labing apat na bayan.
12:09Gaya sa buluan na pati District Hospital, lubog sa hanggang tuhod na tubig.
12:14Inilikas at dinala sa kapitolyo ang ilang pasyente.
12:17Sa bayan ng Dato, Montawal, abot hita na ang tubig.
12:21Ilang bahay rin ang pinasok ng tubig dahil sa pag-aabaw ng Tulanggi River.
12:24Inihahanda na ang mga ibibigay na tulong sa mga binaha sa probinsya.
12:29State of calamity na rin dahil sa bahas sa Valencia City, Bukidnon,
12:32kung saan apat ang nasawi at apat ang patuloy na hinahanap ayon sa CBRRMO.
12:39Sa Takurong City, Sultan Kudarat,
12:42pahirap sa mga motorista ang bahang dala ng malalakas na ulan.
12:45Sa Sambuanga City, di bababa sa labing limang pamilya sa barangay Kuruan ang inilikas sa baha.
12:50Ayon sa pag-asa, habagat at localized thunderstorms ang nagpaulan sa ilang bahagi ng Mindanao.
12:56Sa Luzon, naghahanda ang Norte sa paglapit ng Bagyong Nando na pinangangang bahang maging Super Typhoon.
13:01Red Alert na sa Ilocos Region.
13:03Sa Ilocos Norte, pinutol ang mga sanga ng puno at ipinosisyon na ang mga emergency vehicle at equipment.
13:10Sa Santa Ana, Cagaya, naglagay ng pabigat sa mga bubung ang mga residente.
13:13Ilimagyan ko ng buhay niya kasi ilipat-lipat na noon.
13:17Binawalan na rin ang Coast Guard ang mga mangingis na na pumalaot sa linggo.
13:21Sa bayan ng Gonzaga, nagmamadaling mag-aani ng palay ang mga magsasaka.
13:25Ayon sa pag-asa ang inaasahang ulang dala ng Bagyong Nando,
13:28pwedeng maihalin tulad sa Bagyong Marce na naminsala sa Northern Luzon noong Nobyembre.
13:33Kahit mga lugar na wala sa ruta ng Bagyo,
13:36naghahanda gaya sa Iloilo, kung saan nag-aani na mga magsasaka.
13:40Sa Metro Manila, habagat naman ang pinangangambahang magpaulan
13:43kaya nakaalerto na rin ang flood prone na Rojas District sa Quezon City.
13:46Ni Kuahe, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:50Sous-titrage ST' 501
Comments