24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00PANFILO LAXON
00:30PANFILO LAXON
01:00PANFILO LAXON
01:29PANFILO LAXON
01:31PANFILO LAXON
01:33PANFILO LAXON
01:35PANFILO LAXON
01:37PANFILO LAXON
01:39PANFILO LAXON
01:41PANFILO LAXON
01:43PANFILO LAXON
01:45PANFILO LAXON
01:47PANFILO LAXON
01:49PANFILO LAXON
01:51PANFILO LAXON
01:53PANFILO LAXON
01:55PANFILO LAXON
01:57PANFILO LAXON
01:59PANFILO LAXON
02:01PANFILO LAXON
02:03PANFILO LAXON
02:05PANFILO LAXON
02:07PANFILO LAXON
02:09PANFILO LAXON
02:11PANFILO LAXON
02:13PANFILO LAXON
02:15PANFILO LAXON
02:17PANFILO LAXON
02:19PANFILO LAXON
02:21PANFILO LAXON
02:23PANFILO LAXON
02:25PANFILO LAXON
02:27PANFILO LAXON
02:29PANFILO LAXON
02:31PANFILO LAXON
02:33PANFILO LAXON
02:35PANFILO LAXON
02:37PANFILO LAXON
02:39PANFILO LAXON
02:41PANFILO LAXON
02:43PANFILO LAXON
02:45Mabanga ang pondo o kita ay maaari na itong gamitin bagamat dapat ay sa mahalagang gastusin lang ng gobyerno.
02:52Yung kay Senator Joel, totoo yung nahati sa walong proyekto at nakapagtaka rin doon lahat uniform 75 million bawat isang proyekto na walo.
03:02Pero sabi ni Laxon, may kailangan pang patunayan si Hernandez.
03:06May credibility na yung sinasabi niya. Ito, in-insert nila, binaba sa aming district engineering office at sila yung mag-implement.
03:15Kaya lang, yung isyo naman ng talaga bang nagbigay siya ng komisyon doon sa dalawang senador, e yun na ipoprove niya ngayon.
03:24Kung meron siyang katibayan, ledger man o kung ano man, yun ang dapat maipakita.
03:29Para makuha ang umunoy ebidensya, pinayagan ang senado na lumabas bukas si Hernandez.
03:34Pero babalik din kinagabihan para madetain dahil sa pagkakasight sa kanya in contempt.
03:40Under escort at hindi pwede mag-overnight para maganap siya kung ano man yung pwede niyang hanapin.
03:45Itinanggi na ni Estrada na sangkot siya sa anomalya at tumaasaan niya ng patas at makatarung ang investigasyon ng Independent Commission for Infrastructure.
03:55Sabi naman ni Villanueva, wala siyang kapangyarihan sa unprogrammed funds at hindi siya ang nagpasok ng proyekto roon.
04:02Walaan niya siyang kinalaman sa flood control projects at hindi siya nakatanggap ng kickback.
04:08Labanan na lang po natin ito sa tamang forum, sa korte, hindi demanda ko po sila.
04:14Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo nakatutok 24 oras.
04:20Sumailalim na sa evaluation ang mag-asawang Curly at Sara Diskaya para maalaman kung maaring ipasok sa Witness Protection Program.
04:28Bukod sa kanila, dalawa o tatlo pang konektado sa manumalyang flood control projects ang gusto rin magpa-evaluate.
04:36Nakatutok si Salima Refran.
04:39Bantay sarado ang mag-asawang Curly at Sara Diskaya nang dumating sa Department of Justice sa Maynila
04:49para sa evaluation kung pasok sa Witness Protection Program base sa mga nalalaman sa mga maanumalyang flood control projects.
04:58Matatandaang sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee,
05:00pinangalanan ng mga diskaya ang mga kongresistang tumatanggap umano ng porsyento sa mga proyekto ng DPWH mula 2022.
05:10Ang nagsagawa ng evaluation sa kanila, ang mismong Secretary of Justice na Chief Implementer ng WPP.
05:17Confidential ang proceedings ng Witness Protection.
05:20I think that they're really looking for a solution to their problems.
05:26I think that it's a relief for them to be talking to people who just want to go to the truth.
05:32Gusto lang natin dumumasang totoo sa bagay na ito para naman maparusahan yung dapat maparusahan.
05:38Pero nilino ni Rimulya na evaluation pa lang ito sa mga diskaya at hindi pa masasabi kung pasok na nga ba sila sa WPP.
05:47It's a process eh. Wala naman diyan instant, walang instant dito.
05:50Sa ilalim ng Witness Protection, Security and Benefit Act o Republic Act 6981, maaaring maging state witness ang isang taong kasama sa krimen kung pasok sa ilang rekrisitos.
06:02Dapat ang krimen kung saan gagamitin ang kanyang testimonya ay isang grave felony.
06:07Dapat, kailangan-kailangan ang kanyang testimonya sa kaso.
06:11Walang ibang direktang ebidensya para sa maayos na pagdinig sa kaso.
06:14Ang kanyang testimonya ay maaaring mapatunayan, hindi siya ang pinaka-guilty at hindi siya nahatulan sa anumang krimen na sangkot ang labis na kabuktutan.
06:25Yung state witness po kasi, we will find that out later on in the case.
06:30Pag meron na pong naka-file na kaso sa korte, we will have to move for the discharge of the witness to become a state witness and that's when the state immunity comes in.
06:40Bukod sa mga diskaya, may dalawa hanggang tatlo pa raw na konektado sa maanumalyang flood control projects ang naisumailalim sa WPP evaluation.
06:50Isa raw dito, kasama sa labing limang contractor na tinukoy ng Pangulo na nakakopo ng 20% ng kabuwang budget ng mga flood control programs.
07:00Pero kung si Rimulya raw ang tatanungin, meron daw siyang taga DPWH na gustong makuha for WPP evaluation.
07:08Kinakausap na raw niya ang Senado tungkol dito.
07:10May mga vital link yan, alam mo naman tayo. We have to create the links and connect the dots.
07:16And sometimes they are the most important pieces of the puzzle.
07:20Para sa GMA Integrated News, Salima Refrain, nakatutok 24 oras.
07:25Bago pa man maka-apekto ang bagyong nando sa bansa, may ilang lugar nang nakaranas ng malalakas na pagulan.
07:32Kabilang dyan ang Maguindanao del Sur na isinailalim na sa state of calamity dahil sa malawakang baha.
07:39At nakatutok si Mark Salazar.
07:49Pilit na pinigilan ng mga residente ang pagtawid ng motorsiklong yan sa spillway sa Valencia City, Bukidnon.
07:55Malakas na kasi ang ragasan ng tubig doon dahil sa malakas na mga pagulan.
08:04Kita rin ang lawak ng baha na umapaw sa tulay sa puroksais kung saan na-stranded ang mga residente.
08:10Labis naman ang hagul-hul ng babaeng niyan na balot sa putik matapos anurin ang baha ang kanyang anak.
08:21Ang baha umabot pa hanggang dibdib sa ilang lugar sa lungsod.
08:28Pagkupa, tumambad sa mga residente ang bangkay ng isang bata na natabunan na ng putik.
08:34Sa tala ng Valencia City, DRRMO, hindi bababa sa apat ang nasawi sa pagbaha.
08:41Tuloy naman ang paghahanap sa anim pang nawawala.
08:46Sa Can Salacan River, sa Gihulgan, City, Negros Oriental,
08:50isa-isang tinawid ng mga residenteng ito ang buhat nilang mga motorsiklo.
08:54Delikado na kasi itong daanan dahil sa malakas na agos, dulot ang umapaw na spillway.
09:00Ayon sa mga residente, isang oras silang na-stranded dahil sa ragasan ng tubig.
09:06Sa Maguindanao del Sur, nagdeklara na ng state of calamity dahil sa malawakang pagbaha.
09:12Gaya sa bayan ng Datumontual, kung saan abot hita na ang tubig.
09:18So sa ngayon, napatuloy pa rin pagtaas ng tubig.
09:22Pinasok na rin ang baha ang mga bahay na ayon sa MDRRMC ay dahil sa pag-apaw ng Pulanggi River.
09:31Nagpakawala din ng tubig ang Malmar, Bukidnon at Agusan Dams matapos umabot sa critical level dahil sa malakas na mga pagulan.
09:39Sa lukuyan po tayo ngayon, nag-hahakot ng mga patient, papunta sila sa evacuation center.
09:47Malaking bahagi rin ang bayan ng buluan ang nalubog sa baha.
09:51Damay pati ang ospital, kung saan agad inilikas ang mga pasyente para dalhin sa mas matataas na lugar.
09:58Nagsagawa rin ang rescue operations ang autoridad para sa mga residenteng na trap sa kanika nilang bahay.
10:04Pinasok rin ang baha ang mga bahay sa Takurong City, Sultan Kudarat, dahil pa rin sa malalakas na pagulan.
10:13Tumaas din ang tubig sa mga kalsada na pahirapan sa mga motorista.
10:20Kanya-kanyang silong naman sa mga tent ang mga dumalo sa talakudong festival dahil sa malakas na buhos ng ulan.
10:28Patuloy ang assessment ng CDRRMO sa mga apektadong lugar.
10:34Sa Kuruan, Zamboanga City, nasa apat tapong indibidwal, kabilang ang ilang bata ang inilikas dahil din sa baha na abot hita sa ilang kalsada.
10:44Apektado pati mga negosyo.
10:46Kasalukuyang nasa evacuation center ang mga apektadong pamilya.
10:50Ang mga pagulan sa ilang bahagi ng Mindanao, dulot ng habagat at localized thunderstorms ayon sa pag-asa.
10:57Sa dagat, nasakop ng dilasag sa aurora.
11:01Nasagip ang apat na manging isda nitong miyerkules na sampung oras na umanong nagpapalutang-lutang sa dagat.
11:09Ayon sa mga nasagip, lumubog ang kanilang bangka nang lumaki ang mga alon martes ng gabi sa kasagsagan ng bagyong mirasol.
11:16Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
11:27At alamin na natin ang latest sa Bagyong Nando na naging tropical storm at inaasahang mas lalakas pa sa mga susunod na araw.
11:35Ihahatid yan ni Amor La Rosa ng GMA Integrated News Weather Center.
11:40Amor, kamusta na ang magiging lagay ng panahon ngayong weekend?
11:46Salamat Vicky, mga kapuso.
11:50Ngayong weekend, unti-unti na pong magsisimulang lumapit ang Bagyong Nando sa Hilagang Luzon
11:55at posible pa rin lumakas yan bilang super typhoon.
11:58Nagbabadyaring humagupit ang habagat na palalakasin ng Bagyong Nando.
12:03Huling nakita ang sentro ng Bagyong Nando sa layong 905 kilometers silangan ng Central Luzon.
12:08Taglay po nito ang lakas ang hangin na abot sa 85 kilometers per hour at yung pagbugsunyan, 105 kilometers per hour na.
12:16Kumikilos po yan pa west-northwest sa bilis na 10 kilometers per hour.
12:21Sa pinakahuling track na inalabas po ng pag-asa, unti-unti na nang lalapit dito sa ating bansa itong Bagyong Nando ngayong weekend.
12:28At posible po itong dumaan malapit o di kaya naman mag-landfall po dito yan sa Babuyan Islands mula lunas ng hapon hanggang Martes ng madaling araw.
12:38Pero muli po mga kapuso, sa tinatawag po natin na cone of probability, ito po yung highlighted part dito sa ating mapa,
12:45hindi lamang itong Babuyan Group of Islands ang dapat maghanda o maging alerto.
12:49Dahil sakali man po na tumaas itong galaw nitong bagyo o kaya naman po ay bumaba,
12:54maaaring dito po sa Batanes o sa Cagayan ito mag-landfall.
12:58Maaaring dito nga rin po ay sa may northern part ng Isabela.
13:01At sa lawak po nitong Bagyong Nando, inaasahan po natin na yung direktang epekto po niyan ay mararamdaman dito sa malaking bahagi ng northern Luzon
13:09at pati na rin dyan po sa may central Luzon.
13:12Habang lumalapit, lalakas pa ang bagyo at posibleng nasa typhoon category bukas at super typhoon sa lunes
13:19bago pa po niyan marating itong bahagi ng Babuyan Islands.
13:23Ayon po sa pag-asa, posibleng naman na Martes ng tanghali o hapon ay nasa labas na yan ng Philippine Area of Responsibility.
13:30Simula bukas ng umaga, maaaring magtaas na ng wind signal number 1 ang pag-asa.
13:36Dyan yan sa northern Luzon at pwede pa yung madagdagan at pwede pang tumaas ang babala habang lalo pang lumalapit ang Bagyong Nando.
13:44Kapag naging super typhoon itong Bagyong Nando, magtataas ng hanggang signal number 5
13:50at napakalakas po na bugso ng hangin ang dapat paghandaan.
13:53Palalakas din din ang Bagyong Nando itong habagat kaya kahit yung mga lugar na hindi po tinutumbok nito pong Bagyong Nando
14:00ay pwede po makranis pa rin ng maulang panahon at dapat po nating paghandaan din ito pong banta
14:06na mga pagbaha o landslides sa mga susunod na araw.
14:09Base sa datos ng Metro Weather, bukas ng umaga pwede maaliwalas pa sa malaking bahagi po ng ating bansa.
14:16At kung may mga pag-ulan man, yan po ay mga kalat-kalat lang at mga panandalian.
14:20Sabado po ng hapon, may mga pag-ulan na dito po yan sa halos buong Luzon.
14:25Inaasahan po yan northern, down to central and southern Luzon.
14:29At kapag po may mga malalakas na ulan dahil po yan sa thunderstorms,
14:32ay dobly ingat po tayo at mag-monitor ng advisories.
14:35Kalat-kalat naman ang mga pag-ulan dito po yan sa May Visayas at ganun din dito sa Mindanao.
14:40Linggo ng umaga, magsisimula ng maging maulap at makulimlim ang panahon sa malaking bahagi po ng ating bansa.
14:47At yung mga malawakang mga pag-ulan, posibleng po yan maranasan sa hapon.
14:52Dito po yan sa malaking bahagi ng Luzon, northern and central Luzon, Calabarzon, Mimaropa and Bicol Region.
14:59Ganun din po dito sa May Zamboanga Peninsula, Caraga and Soxargen at ilang bahagi pa ng Visayas.
15:06Dito naman sa Metro Manila, mataas din po ang chance ng ulan ngayong Sabado pati po sa Linggo.
15:11At nakikita po natin yung mas maraming pag-ulan lalong-lalo na sa hapon o di kaya naman ay sa gabi.
15:17At ngayon, tingnan naman natin sa Lunes, yung pinakamatitinding pag-ulan po na daladala nitong Bagyong Nando,
15:23nandito pa rin sa may extreme northern at northern Luzon.
15:26Kitang-kita po dito sa mapa, halos matak pa na po nitong Bagyong Nando, itong northern at pati na rin po yung extreme northern Luzon.
15:33Yung mga nagkukulay pula, kulay orange and kulay pink, ibig sabihin po yan, heavy to intense at meron din po mga intense to torrential.
15:41O yan po yung mga matitinding buhos at halos tuloy-tuloy na mga pag-ulan.
15:45Ang iba pang bahagi po ng Pilipinas, makakaranas din ng mga pag-ulan dahil din po yan sa epekto ng bagyo at ganun din ng enhanced habagat.
15:54Mga kapuso, posible po na bukas ay medyo maaliwalas pa naman ng panahon,
15:57pero gamitin po natin ang pagkakataong yan para makapaghanda dahil po yung mararamdaman po nating epekto ng bagyo at ng habagat, magsisimula po yan sa linggo.
16:08Yan ang latest sa ating panahon.
16:09Ako po si Amor La Rosa para sa GMA Integrated News Weather Center.
16:13Maasahan anuman ang panahon.
16:15Mga kapuso, sa halip na maging haligin ng tahanan, naging susi pa ang isang ama sa Rizal Province para gawing drug den ang sarili nilang bahay.
16:27Ang pagdodroga, ginagawa kahit nasa loob ang mga menor de edad niyang anak.
16:33Tunghayan sa aking pagtutok.
16:35Amasa Rodriguez Rizal, ginawa o manong drug den ang kanilang tahanan?
16:44Sa eksklusibong mga video na nakuhan ng RRresibo,
16:48makikita ang kanyang mga menor de edad na anak na nasa gilid ng kwarto
16:51habang si Itay pising-pising sa session kasama ang iba pang mga lalaki.
16:59Humingi ng saklolo sa RRresibo, ang ina ng mga bata na isang OFW.
17:04Itatago namin siya sa pangalang Jenny.
17:06Hindi ko na po talaga matanggap, matiis pa na tatagal lang ganun yung sitwasyon ng mga anak mo.
17:12Kaya po, humingi na po talaga ako ng agarang tulong sa inyo.
17:16September 17, nagkasanang operasyon ang mga operatiba ng National Bureau of Investigation,
17:21Organized and Transnational Crime Division o NBI, OTCD, kasama ang resibo.
17:27Sa pag-aabang sa labas ng nato ng bahay, naispatan na ng grupo si alias Dennis.
17:35Maya-maya pa, sa tulong ng CCTV application na tinututukan ng resibo,
17:41mukhang magsisimula na ang grupo sa paggamit ng pinag-ihinalaang iligal na droga.
17:46Kudyat para pasukin na ng mga operatiba at ilang opisyal ng Municipal Social Welfare and Development Office sa bahay.
17:53Arestado si Dennis at lima pa niyang kasamahan.
17:58Nakakarap sila sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.
18:05Dagdag asunto naman kay Dennis.
18:07Ang paglabag sa RA 7610 o Child Abuse.
18:11Hindi po tama, sir.
18:12Nagsisiyahan ko po.
18:13Han, sorry sa lahat.
18:16Sana noon nakinig na ako sa'yo.
18:18Wala ko.
18:19Sorry.
18:20Hindi ko na-uulitin gagawin yun.
18:26Sa ngayon, nasa pangangalaga na ng MSWDO ang mga bata.
18:30Ang kabuan ng mga resibong eksklusibo naming nakalap.
18:34Kabilag na ang iba pang mga atraso ni Dennis na nahulikam din sa CCTV.
18:39Abangan ngayong linggo, 2.45pm, bago mag-FPJ sa GMA.
18:45Nasa red alert na ang pagtugon sa emergency sa buong Ilocos Region.
18:52Dahil sa Bantanang Bagyong Nando,
18:55ang latest noon tinutukan live ni Sandy Salvaso ng GMA Regional TV.
19:01Sandy?
19:05Mel, sa mga oras na ito ay on standby na
19:08ang lahat ng mga rescue at response team na mga probinsya sa Ilocos Region.
19:12Habang maula pa lang at wala pang ulan,
19:21pinagtatabas na ng mga tauhan ng City Hall at Barangay ang mga puno
19:24sa Barangay 17 Tabug ng Batak City, Ilocos Norte.
19:27Delikado, kaya inaalis namin yung punong sa malapit sa kalsada mo.
19:35Maganda talaga ito ma'am kasi pag may bagyo,
19:39kahit malakas ang ulan, walang babagsak na kahoy.
19:42Nakaantabay na rin ang emergency vehicle at rescue equipment
19:45para sa bawat probinsya at naka red alert status
19:48ang lahat ng kapitoryo sa buong Ilocos Region.
19:50Handa na rin maglikas na mga nakatira sa mga mabababang lugar
19:54at mga baybayin o tabing ilog bago ang pagdating ng bagyong nando.
19:58Especially sa mga areas na susceptible ng flooding,
20:02yung rain-induced landslide,
20:04yung mga malalapit sa mga river systems din ay maaring mag-swell,
20:08kaya unahan na natin.
20:10Pati ipapamahaging relief goods na mga babagyuhin ay nakahanda na.
20:13Mel, sa barangay La Paz, Lawag City,
20:20ay hindi pa tumataas ang Apadzan River,
20:23pero umapaw na ang Agno River,
20:25kaya binabantayan ng Office of Civil Defense
20:27ang pag-apaw ng Agno River,
20:30lalot makakaapekto sa mahigit tatlong daang barangay
20:33mula sa iba't ibang probinsya.
20:35Mel?
20:36Maraming salamat sa iyo, Sandy Salvasho,
20:39ng GMA Regional TV.
20:43Bigong matagpuan ng NBI at DPWH sa dapat na lokasyon
20:53ang limang flood control project sa Bulacan
20:56na dineklara ng fully paid o kompleto.
21:00Isunimiti na sa Justice Department ang paunang findings
21:03tungkol sa mga bagong discovering ghost project umano.
21:07At nakatutok si John Consulta.
21:09Sa ocular inspection ng NBI Bulacan at ng DPWH
21:16sa mga flood control projects sa lalawigan,
21:19gumamit sila ng geotagging
21:21para matuntun ang mga dapat na kaninaraonan
21:23ng mga proyekto.
21:25Sa papel, fully paid o completed na dapat ang mga ito.
21:28Pero sa kanilang pag-iikot,
21:30wala man lang bakas ng kahit anong proyekto.
21:33Meron tayong magandang kaso against yung personalities involved.
21:39DPWH officer and contractors.
21:43Bulacan, nakita na po namin.
21:46Talagang positive yung investigation natin.
21:50Merong nangyaring kababalaghan.
21:52Andaming ghost project.
21:54Andaming yung hindi tama yung pagkakagawa.
21:58Sabi standard.
21:59Ayon sa source ng GMA Integrated News,
22:02limang anilay bagong ghost flood control projects
22:04ang nabisto na halos kalahating bilyong piso ang halaga.
22:09Halos lahat.
22:10Nakapangalan sa Sims Construction ni Sally Santos
22:13na nasa sentro ng kontrobersya
22:14sa mga naunang napaulat na ghost project sa Bulacan.
22:18Kanina, isinumitin ng NBI sa DOJ
22:20ang kanilang initial findings at rekomendasyon
22:23kaugnay sa limang bagong ghost flood control projects.
22:26Plano rin nila itong isubite sa Ombudsman
22:29para makapaghahain ng kaso sa Sandigan Bayan.
22:32Ang Grab Court ay sa mga empleyado lamang
22:37salary grade 27 up.
22:39But then, if they are in cahoots
22:43with private individuals,
22:46the private individual shall be included
22:48dun sa kaso sa Ombudsman.
22:51Na-evaluate natin yan,
22:52but we will have to look at the jurisdictional matters first.
22:55Papa-evaluate din natin yan sa ating office,
23:00the people in the leadership.
23:02Kasi nga, we have a MOA with the Ombudsman.
23:05We cannot prosecute everything.
23:07The Ombudsman is the lead
23:08when it comes to grafted corruption.
23:11We can do preliminary matters
23:13and if they tell us,
23:15please turn over all the matters,
23:18all the information to us.
23:19We will do that.
23:20Inaasahan na matatagdagan pa
23:22ang listahan ng NBI
23:23habang patuloy ang pag-iikot nila
23:25sa lalawigan ng Bulacan.
23:27Para sa GMA Integrated News,
23:29John Consulta,
23:30nakatutok 24 aras.
23:36Meet Barbie 2.0!
23:38Ang renewed version ni Barbie Cortesa
23:40na nasa stage ngayon
23:41ng self-love.
23:43Pero,
23:44hindi lang daw John fulfilled si Barbie
23:46dahil blooming din ang kanyang career,
23:48ngayong bibida siya
23:49sa special episode
23:50ng Wish Ko Lang.
23:51Makichika kay Athena Imperial.
23:56Sumaksa si Kapuso Primetime Princess
23:59Barbie Cortesa
24:00bilang isang villain protégé
24:01sa Contrabida Academy.
24:04Kwento ni Barbie,
24:04handa siya if ever
24:05para sa mga ganito bang roles
24:07sa future.
24:08Sobrang sayang
24:09ang gumanap
24:09bilang isang Contrabida.
24:12Pero,
24:13para sa akin naman,
24:14kahit na anong klaseng role
24:16o papel,
24:17masarap gampanan
24:18kasi nga lahat may puso
24:19at saka lahat talaga
24:20ay ano,
24:21very relatable
24:22and very relevant.
24:25Bata pa lang ako.
24:26Nakakulong lang ako
24:27sa kwartong ito.
24:29Bukas!
24:35Isa na namang
24:36pang malakasang role
24:37ang gagampanan ni Barbie.
24:39This time,
24:40para sa anniversary special
24:42ng award-winning drama anthology
24:43na Wish Ko Lang.
24:45Gaganap si Barbie
24:46bilang ang dalagang si Clara
24:48na ipinanganak
24:49na may kondisyon
24:50na albinism.
24:51Makakasama ni Barbie
24:52si Sam Concepcion
24:53na co-star ni rin
24:55sa Beauty Empire.
24:56Pakipang lupit-papit
24:57sa anak ninyo!
24:58Ang two-part special episode
25:00na ito
25:00na pinamagatang
25:01blood control
25:02ay mapapanood bukas
25:04at sa susunod na Sabado.
25:06Pero hindi lang
25:07as an actress
25:08fulfilled si Barbie.
25:09Nasa stage
25:10raw siya ngayon
25:10ng self-love.
25:12Kaya nakilala na niya
25:13si Barbie 2.0,
25:14the renewed version
25:15of herself.
25:18Kwento niya,
25:20nasa kalahati pa lang daw
25:21ng September,
25:22siksik at liglig na
25:23ng fun
25:24and meaningful activities
25:26ang kanyang personal life.
25:27The first week of September,
25:31I spent with myself talaga.
25:33So I went back to running,
25:35I played tennis,
25:36tried Pilates with Ivana,
25:39I tried a couple of cafes
25:41that I see on TikTok.
25:43So ang dami ang dami ko na
25:44agad nagagawa
25:44and my heart is so happy.
25:47I am so fulfilled right now.
25:49Athena Imperial
25:50updated sa
25:51Showbiz Happenings.
Recommended
17:40
|
Up next
1:37:47
Be the first to comment