Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00At alamin na natin ang latest sa Bagyong Nando na naging tropical storm at inaasahang mas lalakas pa sa mga susunod na araw.
00:11Ihahatid yan ni Amor La Rosa ng GMA Integrated News Weather Center.
00:16Amor, kamo'ya na ang magiging lagay ng panahon ngayong weekend?
00:23Salamat Vicky mga kapuso ngayong weekend.
00:26At unti-unti na pong magsisimulang lumapit ang Bagyong Nando sa Hilagang Luzon at posible pa rin lumakas yan bilang super typhoon.
00:34Nagbabadyaring humagupit ang habagat na palalakasin ng Bagyong Nando.
00:38Huling nakita ang sentro ng Bagyong Nando sa layong 905 kilometers sila nga ng Central Luzon.
00:44At taglay po nito ang lakasang hangin na abot sa 85 kilometers per hour at yung pagbugso niyan 105 kilometers per hour na.
00:52Kumikilos po yan pa west-northwest sa bilis na 10 kilometers per hour.
00:57Sa pinakahuling track na inalabas po ng pag-asa, unti-unti na nga lalapit dito sa ating bansa itong Bagyong Nando ngayong weekend.
01:04At posible po itong dumaan malapit o di kaya naman mag-landfall po dito yan sa Babuyan Islands mula lunas ng hapon hanggang Martes ng madaling araw.
01:14Pero muli po mga kapuso sa tinatawag po natin na cone of probability, ito po yung highlighted part dito sa ating mapa.
01:21Hindi lamang itong Babuyan Group of Islands ang dapat maghanda o maging alerto.
01:25Dahil sakali man po na tumaas ito po nga galaw nitong bagyo o kaya naman po ay bumaba,
01:30maaaring dito po sa Batanes o sa Cagayan ito mag-landfall.
01:33Maaaring dito nga rin po ay sa may northern part ng Isabela.
01:37At sa lawak po nitong Bagyong Nando, inaasahan po natin na yung direktang epekto po niyan ay mararamdaman dito sa malaking bahagi ng northern Luzon at pati na rin dyan po sa may central Luzon.
01:48Habang lumalapit, lalakas pa ang bagyo at posibleng nasa typhoon category bukas at super typhoon sa lunes bago pa po niyan marating itong bahagi ng Babuyan Islands.
01:59Ayon po sa pag-asa, posibleng naman na Martes ng Tanghali o Hapon ay nasa labas na yan ng Philippine Area of Responsibility.
02:06Simula bukas ng umaga, maaaring magtaas na ng wind signal number 1 ang pag-asa.
02:12Dyan yan sa northern Luzon at pwede pa yung madagdagan at pwede pang tumaas ang babala habang lalo pang lumalapit ang Bagyong Nando.
02:20Kapag naging super typhoon itong Bagyong Nando, magtataas ng hanggang signal number 5 at napakalakas po na bugso ng hangin ang dapat paghandaan.
02:28Palalakas din din ang Bagyong Nando itong habaga at kaya kahit yung mga lugar na hindi po tinutumbok nitong Bagyong Nando,
02:36pwede po makranis pa rin ng maulang panahon at dapat po nating paghandaan din itong banta na mga pagbaha o landslides sa mga susunod na araw.
02:45Base sa datos ng Metro Weather, bukas ng umaga pwedeng maaliwalas pa sa malaking bahagi po ng ating bansa.
02:52At kung may mga pagulan man, yan po ay mga kalat-kalat lang at mga panandalian.
02:56Sabado po ng hapon, may mga pagulan na. Dito po yan sa halos buong Luzon.
03:01Inaasahan po yan northern, down to central and southern Luzon.
03:04At kapag po may mga malalakas na ulan dahil po yan sa thunderstorms,
03:08ay dobly ingat po tayo at mag-monitor ng advisories.
03:11Kalat-kalat naman ang mga pagulan, dito po yan sa may Visayas at ganoon din dito sa Mindanao.
03:16Linggo ng umaga, magsisimula ng maging maulap at makulimlim ang panahon sa malaking bahagi po ng ating bansa.
03:23At yung mga malawakang mga pagulan, posibleng po yan maranasan sa hapon.
03:28Dito po yan sa malaking bahagi ng Luzon, northern and central Luzon, Calabarzon, Mimaropa and Bicol Region.
03:34Ganoon din po dito sa may Zamboanga Peninsula, Caraga and Soxargen.
03:38At ilang bahagi pa ng Visayas.
03:41Dito naman sa Metro Manila, mataas din po ang chance ng ulan ngayong Sabado, pati po sa Linggo.
03:47At nakikita po natin yung mas maraming pagulan, lalong-lalo na sa hapon o di kaya naman ay sa gabi.
03:53At ngayon tingnan naman natin sa Lunes, yung pinakamatitinding pagulan po na daladalan itong Bagyong Nando,
03:59nandito pa rin sa may extreme northern at northern Luzon.
04:02Ang kitang-kita po dito sa mapa, halos matak pa na po itong Bagyong Nando, itong northern at pati na rin po yung extreme northern Luzon.
04:09Yung mga nagkukulay pula, kulay orange and kulay pink, ibig sabihin po yan, heavy to intense.
04:14At meron din po mga intense to torrential.
04:16O yan po yung mga matitinding buhos at halos tuloy-tuloy na mga pagulan.
04:21Ang iba pang bahagi po ng Pilipinas, makakaranas din ng mga pagulan dahil din po yan sa epekto ng bagyo at ganoon din ng enhanced habagat.
04:29Mga kapuso, posible po na bukas ay medyo maaliwalas pa naman ng panahon,
04:33pero gamitin po natin ang pagkakataong yan para makapaghanda dahil po yung mararamdaman po nating epekto ng bagyo at ng habagat, magsisimula po yan sa linggo.
04:43Yan ang latest sa ating panahon.
04:45Ako po si Amor La Rosa para sa GMA Integrated News Weather Center.
04:49Maasahan anuman ang panahon.
04:51Ako po si Amor La Rosa para sa GMA Integrated News Weather Center.
Comments

Recommended