Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Update na po tayo sa Super Bagyong Nando na nag-landfall sa Cagayan kaninang hapon.
00:09Ihahatid yan ni Amor La Rosa ng GMA Integrated News Weather Center.
00:14Amor, hanggang kailan kaya magpapaulan ang bagyong yan at saan-saan kaya nakaka-apekto itong habagat?
00:22Salamat Vicky mga kapuso, hindi pa man tapos manalasa ang Super Typhoon Nando.
00:27May isa pang bagong namumuong sa manang panahon na namataan ang pag-asa.
00:32Dahil pa rin sa Super Typhoon Nando, nakataas ang signal number 5 dyan po sa Babuyan Islands.
00:37Signal number 4 naman dyan po sa may southern portion ng Batanes, northern portion ng Mayland Cagayan at northern portion ng Ilocos Norte.
00:44Yung signal number 3 nakataas naman dito sa natitirang bahagi ng Batanes, central portion ng Mayland Cagayan, northern and central portions ng Apayaw at pati na rin sa natitirang bahagi ng Ilocos Norte.
00:57Signal number 2 naman sa natitirang bahagi ng Mayland Cagayan, Isabela, natitirang bahagi ng Apayaw, Abra, Kalinga, Mountain Province at Ifugao.
01:05Kasama rin po dito ang northern portion ng Benguet, northeastern portion ng Nueva Biscaya, Ilocos Sur, northern portion ng La Union.
01:13Ganon din po dito sa signal number 1 naman sa Quirino, natitirang bahagi ng Nueva Biscaya at ng Benguet, pati na rin po ng La Union, Pangasinan, Aurora at Nueva Ecija.
01:23Signal number 1 din dito yan sa Bulacana, Tarlac, Pampanga, Zambales, northern portion ng Quezon at maging Pulillo Islands.
01:31Mga kapuso sa mga nabangit na lugar kung saan po nakataas ang wind signals, maging handa pa rin sa malakas na bugso ng hangin na may kasamang mga pagulan, malalaking alon at banta ng storm surge.
01:42Alas 3 kaninang hapo na mag-landfall o tumama ang Super Typhoon Nando dito yan sa Panwitan Island sa may Kalayan, Cagayana.
01:51Huli po itong namataan ng pag-asa sa coastal waters naman ng Kalayan, Cagayana.
01:55At taglay po nito ang lakas ng hangin nga abot sa 215 kilometers per hour at yung pagbugso po nyan, nasa 295 kilometers per hour, napakalakas pa rin po nitong bagyo.
02:06Ito po ay kumikilos pa kanluran sa bilis na 25 kilometers per hour.
02:11Ayon po sa pag-asa, unti-unti na itong lalayo dito sa may Babuyan Islands hanggang sa makalabas na ng Philippine Area of Responsibility.
02:19Bukas po yan ng umaga kung hindi po magbago yung direksyon at yung bilis nito.
02:24Pero mga kapuso, habang lumalayo dito sa ating bansa, itong Super Typhoon Nando, posibleng unti-unti namang lumapit itong bagong namumuong sama ng panahon.
02:34Nandito pa po yan sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
02:38Huling nakita ang low-pressure area, 1,590 kilometers, sa silangan po yan ng northeastern Mindanao.
02:46So yun po nakikita po natin, ito po ay east of northeastern Mindanao at medyo malayo pa naman sa ngayon.
02:51Pero ayon po sa pag-asa, posibleng pumasok ito sa Philippine Area of Responsibility sa mga susunod na araw.
02:58At ang earliest ay posibleng pong simula bukas ng gabi.
03:01So patuloy po natin yung imonitor.
03:03May chance na rin ito na maging bagyo at kung matuloy ay papangalanan po ito na bagyong opong.
03:10Ang ikalabing limang bagyo po dito sa Philippine Area of Responsibility ngayon 2025.
03:16Wala pa namang epekto itong nasabing LPA pero patuloy namang pinalalakas itong Super Bagyong Nando.
03:22Yung hanging habaga to yung southwest monsoon.
03:24Kaya po nakakaranas pa rin tayo na mga pag-ulan sa malaking bahagi po ng Pilipinas.
03:30Lalong-lalo na dito sa bahagi po ng Luzon kung saan concentrated yung mga pagbuhos ng ulana.
03:35Base po sa datos ng Metro Weather, magdamag pa rin mabababad sa malalakas na hangin at ulan.
03:41Ito pong bahagi ng Batanes, Babuyan Islands, kagayan.
03:44Ganon din po dito sa may Isabela, Cordillera Region, hanggang dito sa may Ilocos Region.
03:50Posible po na magtuloy-tuloy rin yung mga pag-ulan dyan po sa may Central Luzon.
03:54Ganon din dito sa may Metro Manila, Calabar Zone, ilang bahagi ng Mimaropa at ng Bicol Region.
04:00Ngayong gabi po yan hanggang madaling araw.
04:02At kitang kita po ninyo yung mga malalakas sa buhus ng ulan.
04:05Nagkukulay orange, red, and pink.
04:07Ibig sabihin po yan matitindi at halos tuloy-tuloy na ulan dito pa rin sa may Extreme Northern Luzon.
04:12At meron din mga kalat-kalat na ulan dito po yan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
04:17Umaga bukas, unti-unti namang mababawasan yung mga matitinding buhus ng ulan dito sa may Extreme Northern Luzon.
04:24Lumalayo na po yung mga kulay sa mababawasan yung mga matitinding ulan.
04:28Pero hindi naman po natin inaasahan pa rin na totally mawawala yung mga pag-ulan.
04:32Meron pa rin inaasahan dito sa may ilang bahagi po ng Luzon.
04:36Mula po yan Northern and Central Luzon hanggang dito po yan sa may Southern Luzon.
04:40At yun po meron pa rin po mga pabugsong-bugsong ulan na inaasahan dyan po yan sa malaking bahagi nga ng Luzon.
04:46May mga malalakas kahit po umaga pa lang.
04:48At halos maghapon po yan actually mga kapuso.
04:51Kaya paghandaan po natin at maging alerto po sa mga pagbaha o landslide.
04:56Sa Metro Manila, maulap at maulan din.
04:58Kaya na posibli pong mula umaga po yan, kitang kita po ninyo natatakpan na yung ating mapa.
05:03At pwedeng maulit po yan pagsapit ng hapon at gabi.
05:07Kaya patuloy pong mag-monitor ng rainfall advice release.
05:10Sa Visayas at Mindanao naman, inaasahan po natin sa hapon din yung mga posibling pag-ulan.
05:15Lalo na sa may Western Visayas.
05:17Ganon din dito sa may Karaga, Davao Region, Soxargen at Zamboanga Peninsula.
05:22Yan muna ang latest sa ating panahon.
05:25Ako po si Amor La Rosa.
05:26Para sa GMA Integrated News Weather Center, maasahan anuman ang panahon.

Recommended