00:00May dagdag gastos ang mga biyahero ngayong undas kabilang ang toll sa ilang expressway at malaking taas presyo sa produktong petrolyo bukas.
00:102 piso ang imamahal ng kada litro ng diesel habang piso at 20 centimo naman ang itataas ng presyo ng kada litro ng gasolina.
00:18May pagtaas din sa presyo ng kerosene na piso at 70 centimo kada litro.
00:23Wala pang anunsyo ang iba pang kumpanya ng langis.
00:25Para naman sa mga daraan sa Cavitex, asahan ng mas mataas na toll simula po bukas.
00:31Para sa R1 portion ng expressway o yung mula seaside hanggang zapote, 39 pesos na ang sigil sa class 1 o yung maliliit na sasakyan mula sa kasalukuyang 35 pesos.
00:43Magiging 78 pesos ang sa class 2 mula po sa 70 pesos.
00:47At 117 pesos ang sa class 3 o yung malalaking sasakyan tulad ng mga truck mula po yan sa 104 pesos.
00:56Sa R1 extension segment 4 naman na mula po zapote hanggang kawit, 88 pesos na ang sigil sa class 1.
01:03176 pesos sa class 2 at 264 pesos naman sa class 3.
01:09186 pesos sa class 3.
Comments