Pinalagan ng Malacañang ang mga bagong puna ni Vice President Sara Duterte. Kabilang diyan, kung bakit hindi magawang dukutin na lang ng opisina ng Pangulo si Cong. Zaldy Co para ibalik sa bansa at kung bakit hindi magawang ipakulong sa Kamara si Cong. Martin Romualdez.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Pinalagan ng Malacanang ang mga bagong puna ni Vice President Sara Duterte.
00:06Kabilang dyan kung bakit hindi magawang dukuti na lang ng opisina ng Pangulo si Congressman Zaldico para ibalik sa bansa
00:15at kung bakit hindi magawang ipakulong sa kamara si Congressman Martin Romaldes.
00:21Nakatutok si Ivan Mayrina.
00:23Sa pag-uusad ng mga imbisigasyon sa mga nabisong palpak na flood control projects na pinagkakitaan lamang umano,
00:33puna ni Vice President Sara Duterte, bakit kayo lang kumilos si Pangulong Bongbong Marcos
00:38gayong nung isang taon pa niya umano sinabing may nangyayaring hokus-pokus sa budget.
00:43Kinwestyo din niya ang sinsiridad ng Malacanang sa paghabol sa mga nasa likod ng anomalya.
00:48Partikular niyang binanggit ang nag-resign na si House Speaker na si Rep. Martin Romaldes
00:52at Rep. Zaldico na itinuturong isang sa mga nasa likod ng pagsingit sa budget para mapunduhan
00:58ang mga kinukwestyo ngayong flood control projects.
01:01Kasi tinuro na, pinangalanan na, hindi lang ako ang nagsabi Zaldico at Martin Romaldes.
01:08Si Zaldico hinayaan nilang umalis ng bansa.
01:14Si Martin Romaldes hinayaan nilang mag-resign.
01:18Nag-resign naman na so tapos na ang usapan.
01:20Si Romaldes at ko ay pinangalanan ng mga asawang kontraktor na Carly at Sara Descaya sa pagdilig sa Senado.
01:27Itinanggina ni Romaldes ang aligasyon habang nasa ibang bansa naman si ko.
01:31Ang office of the president involved sila sa kidnapping ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
01:36Bakit ngayon na wala si Zaldico at maaalis si Martin Romaldes, hindi man lang nila magawa na kidnapin si Zaldico doon sa Amerika at ibalik dito sa atin sa Pilipinas.
01:52At hindi man lang nila magawa na ikulong si Martin Romaldes dyan sa detention unit ng House of Representatives.
02:00Wala. Dahil wala silang sinseridad.
02:02Pinapakita lang nila sa mga tao na kunwari meron silang binagwa.
02:07Agad pinalaga ng malaka niya ang hirit na yan, sabay buwalta sa bise.
02:11At ang payo niya is pakidnap si Zaldico.
02:15Another thing, it's illegal.
02:19So ganun ba magbibigay ng suggestion ang isang bisepresidente yung gumawa ng illegal?
02:25Di ba niya natandaan na mas madalas din siya magbiyahe at hinahayaan siya ng office of the president
02:32kahit meron din nakabimbi na issue tungkol sa korupsyon na parte ng Articles of Impeachment.
02:39So anong pagkakaiba nun?
02:41Sa kanya, meron ng issues.
02:44Zaldico, iimbestigahan pa lang.
02:48At kung nababagalan daw ang bise sa pag-usad ng imbestigasyon.
02:52Unang-una, dapat hindi maging mapagpanggap at hindi dapat nagmamalinis.
02:57Tandaan natin ang Pangulo, siya ang nagsimula ng pag-iimbestiga na ito.
03:03Mabagal? Dahil inaalam ng Pangulo kung ano ang katotohanan.
03:07Hindi tulad ng mga nakaraang administrasyon, kailangan ituro lang, yun, patay agad.
03:15Hindi ganun ang Pangulo.
03:16Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment