00:00Cited in contempt sa Senado, ang kontratistang si Pasifiko Curly Descaya II.
00:15Ikinainis ng mga senador ang anilay pagsisinungaling ni Descaya tungkol sa kung bakit wala sa pagdinig ang asawon nitong si Sarah Descaya.
00:24Saksi, si Mav Gonzalez.
00:25Mr. Descaya, you are cited in contempt of this committee.
00:33Nakadetining ngayon sa Senado si Pasifiko Curly Descaya II.
00:37Cited in contempt si Descaya, matapos uminit ang ulo ng mga senador
00:41ng tanungin kung bakit wala sa pagdinig ang asawon nitong si Sarah Descaya.
00:45May heart condition din po siya at saka po, ano po, bali, nagpadala po siya ng letter po dito.
00:53Hindi ko lang po nabasa kung ano yung iba pang content.
00:56Pero hindi heart condition ang idinahilan ni Mrs. Descaya sa kanyang excuse letter sa Blue Ribbon Committee,
01:02kundi ang nakaschedule ng meeting niya sa kanilang mga empleyado.
01:05Mr. Chairman, with that letter, nagsisinungaling itong si Mr. Descaya.
01:09Iba yung sinasabi, mismo na misis mo eh. Di ba kayo nag-usap?
01:13You lied. You lied.
01:16Paano pa kami maniniwala sa mga pinagsasabi mo?
01:18May humihingi po ako ng pasensya po sa inyo. Wala po akong intention talaga magsinungaling.
01:23Pero yung misis ko po kasi talaga ay madalas po siya.
01:25May sakit po talaga siyang diabetes at saka meron po talaga siyang hypertension.
01:31At katunayan nga po, marami po siyang mga maintenance po na gamot na ginagamit.
01:36Inisuhan din ang show cost order si Mrs. Descaya.
01:39Isa sa tinanong kay Mr. Descaya ay kung nagbabayad ba sila ng SOP o kickback
01:44para makakuha ng flood control project sa Quezon City.
01:46Your Honor, wala po kami magawa kasi siyempre po natatakot kami
01:50dahil nagkaroon na po kami ng mga karanasan na may mutual terminate po
01:54at na may mutual terminate at saka nagkakaroon po ng right of way problem
02:00ang mga project po namin.
02:03Pero nagbabayad kayo 10 to 25% sa Quezon City.
02:09Your Honor, ano po, yes po, Your Honor.
02:13Ayon kay Descaya, cash ang ipinambabayad nila at nakalagay umano sa paper bag.
02:19Saan niyo binibigay sa kanila ang pera?
02:20Kinukuha po minsan ng tao nila.
02:22Sino yung nila?
02:25Names please, names.
02:26Ah, yung mga nabanggit ko lang po dito, yung tao po nung nandito po.
02:31Sa apidibit ko.
02:32Tao nino to, mga kongresista, binanggit mo?
02:36Yes po, Your Honor.
02:38Ah, kongresista, tinatanong ko din yung DPWH officials na binabayarin nyo sa QC.
02:44Tumanggi si Descaya na sabihin kung magkano ang perang katumbas ng 10 to 25%
02:49dahil wala pa raw siyang witness protection.
02:51Ayaw rin niyang sabihin kung saan bangko siya nagwi-withdraw
02:54at kung gaano kalaki ang paper bags na pinaglagyan ng pera.
02:57Paano po nagkasya doon ang malalaking halaga ng pera?
03:01Sabi nyo, malalaking cash.
03:04Paano nagkasya sa maliliit at ordinaryong paper bags?
03:08Ah, Your Honor, I invoke my right against self-incrimination po muna.
03:12Wala pa po akong witness protection.
03:15Okay, for the record, Mr. Che, ngayon lang ako nakarinig
03:17ng nag-invoke ng right against self-incrimination sa issue ng paper bags.
03:23Hinanap din ang mga senador kay Descaya
03:25ang sinasabi niyang ledger na naglalaman ng mga transaksyon umano
03:29ng mga humihingi ng kickback.
03:31Pero sabi ni Descaya,
03:32Nagbigay po kami ng sulat dito na hindi po namin po maipoprovide muna
03:38kasi wala pa po akong protection po.
03:44So, hindi mo ibibigay mo sa amin,
03:47kailangan mo muna ng protection?
03:49Yes, Your Honor, para baka po magamit din po
03:53for self-incrimination po.
03:57Payo ni Senate President Tito Soto K. Descaya,
04:00humingi siya ng legislative immunity.
04:02Inherent sa mga committees yung legislative immunity yung tinatawag.
04:08Kung meron kayong gusto ipagtapat, ipagtapat ninyo.
04:11Hindi pwedeng gamitin sa inyo pag sa hearing yung sinabi.
04:15There is no direct law.
04:16Pero ang naging practice, implied, ang legislative immunity.
04:21Kailangan mag-tell all kayo kung kayo ibibigan ng legislative.
04:25Samantala, aminado ang DPWH,
04:28posibleng umabot nga sa billion-billion o di kaya trillion
04:31ang nawawalang pondo sa gobyerno
04:33mula sa iba't-ibang ghost flood control project.
04:36Sa loob lang ng dalawang linggo,
04:38nasa isang daang ghost at very substandard projects
04:41ang isinumbong sa kanila.
04:42Plano yung DPWH na bumuo ng transparency portal
04:45kung saan makikita ang mga iniimbestigahan nilang proyekto.
04:49Para sa GMA Integrated News,
04:51ako si Mav Gonzalez, ang inyong saksi.
04:53Mga kapuso, maging una sa saksi.
04:58Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube
05:00para sa iba't-ibang balita.
Comments