00:00Ibang balita, hinihikayat ng Department of Social Welfare and Development
00:04ang mga membro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps
00:09na mag-avail ng diskwento sa water rate mula sa Maynilad at Manila Water.
00:15Ito'y sa harap ng inaasahang pagtaas ng konsumo ng tubig ngayong nalalapit na ang holiday season.
00:21Ayon sa DSWD, applicable ang diskwento para sa low-income households
00:26na kumokonsumo ng 10 cubic meters o mas mababa kada buwan.
00:32Para mag-avail, kailangang magparehistro ng 4Ps members sa anumang help desk
00:37o business office ng Maynilad o Manila Water.
00:41Ipakita lamang ang kanilang valid government ID na may pirma at address
00:45at ang kanilang pinakahuling proof of billing.
00:48Maaari ring mag-avail ang non-4Ps beneficiaries
00:52basta may certification mula sa kanilang Local Welfare and Development Office.