Skip to player
Skip to main content
Search
Connect
Watch fullscreen
Like
Bookmark
Share
More
Add to Playlist
Report
SPECIAL REPORT - Paano naisakatuparan ang flood control insertions_ _ 24 Oras
Jedi
Follow
2 months ago
SPECIAL REPORT - Paano naisakatuparan ang flood control insertions_ _ 24 Oras
Category
π
News
Transcript
Display full video transcript
00:00
Mabusisi ang pag-aproba sa budget ng gobyerno na dapat lang, hindi po ba?
00:06
Dahil galing sa buwis na pinagpaguran ng bawat Pilipino,
00:10
tulad ng kalta sa sahod at VAT, na yan po yung dagdag sa presyo na mga bilihin.
00:15
Ang problema, halos bawat hakbang na pinagdadaanan ng budget,
00:21
e nagiging pagkakataon din umano para maisingit o magsingit ang pondo ang ilang nasa gobyerno.
00:30
Pagkatapos, sila rin umano ang kukubra ng porsyento.
00:35
Himayin kung paano sa special report ni Maki Pulido.
00:44
Saan nagsisimula ang korupsyon? Sa mga flood control project.
00:48
Sa NEP pa lang ba, Mayor, ay nagbabantay ng kontraktor?
00:52
Oo naman, meron na. Meron na sa buwatan ng mga kontraktor, pati mga DPWH.
01:02
NEP o National Expenditure Program ang panukalang budget na inihahanda ng Department of Budget and Management o DBM.
01:10
Lahat ng mga department at ahensya nagsusumite sa DBM na mga gusto nilang proyekto at budget.
01:18
Dahil may sabuatan umano ang mga politiko, DPWH at mga kontratista, dito pa lang daw, nakakapagsingit na,
01:27
sabi ng ilang civil society groups na nagbabantay ngayon sa budget deliberations.
01:31
Yung ibang congressman or kontraktor na matatalino or mautak, siguro ang gagawin na nila ay para hindi mahalata na through insertion,
01:39
sa NEP pa lang, isasama na nila yung project.
01:42
Ang NEP, isusumite ng DBM sa kamera. At dito, may naggaganap umano ulit na hokus-pokus.
01:49
Sa rules ng kamera, kung pumasa na sa plenaryo ang isang panukalang batas, tulad ng national budget, hindi na pwedeng amyandahan.
01:56
Pero sa kamera, kahit pumasa na sa second at third reading, binigyan ng otoridad ang tinatawag na small committee para galawin ito.
02:04
Ito raw, ang ikalawang insertion.
02:07
Ang small committee noong 2025 budget ay sinako Bicol Partylist Representative Zaldico,
02:12
dating chair ng House Committee on Appropriations, dating Marikina Representative Stella Kimbo,
02:18
dating House Majority Leader Manuel Dalipe, at dating House Minority Leader Marcelino Libanan.
02:23
Sa 2025 budget, ayon kay Nabotas Representative Toby Tshanko,
02:29
si Zaldico ang proponent ng mahigit 13.8 billion pesos na flood control project sa iba't-ibang distrito.
02:37
May tawag si Tshanko sa ilang paraan kung paano nakakapag-singil ng pondo sa budget.
02:42
Ang parking at ang sagasa.
02:46
Ayong parking po, Your Honor, is nakiusap ka dun sa District Congressman,
02:52
kumayag yung District Congressman.
02:54
Yung sagasa po, Your Honor, is wala kang magagawa sa ayaw mo't sa gusto.
02:59
Mula sa kamera, ipapadala ang panukalang budget sa Senato para sa panibagong round ng deliberasyon at pag-amienda.
03:06
Para mapag-isang House at Senate version ng budget,
03:09
bubuo ng bicameral conference committee.
03:11
Sabi ni Tshanko, hanggang dito, may naggaganap na pangmamadji.
03:16
Kaya makikita mo siyang insertion kasi siningin tapos pumunta doon sa ibang distrito na hindi naman re-request ng congressman.
03:27
Kung pasado na sa kamera at Senado, lalagdaan na ito ng Pangulo at tatawagin ang General Appropriations Act o GAA.
03:34
Sabi mismo ng Congressional Policy and Budget Research Department ng Kamara,
03:39
ang ending ng proseso, nagiging higit na mataas ang budget ng DPWH sa GAA kung ikukumpara sa unang hinihingi sa net.
03:48
Ganyan ang nangyari noong 2021 hanggang 2025.
03:51
At itong 2025 nga, halos 900 billion pesos na hinihinging DPWH budget sa net.
04:00
Naging mahigit, isang triyong piso pagdating sa GAA.
04:05
Sa oras na isang line item na, pwede nang simulan ng DPWH ang bidding para sa proyekto.
04:11
Na ayon kay Baguio City Mayor Benji Magalong, kadalasan ay moro-moro.
04:15
Even before the bidding, alam na kung sinong panalo.
04:19
Ang unang qualification ng mananalong bidder is,
04:23
sino ba ang pinaka-malaking magbigay ng porsento?
04:28
Ang next na parameter, sino sa inyo makapagbibigay ng pinaka-malaking advance?
04:33
Iba't iba ang modus ng bigayan ng kickback.
04:36
Pwede raw na ang contractor magbibigay sa proponent o politiko
04:39
o kaya taga DPWH ang kukolekta para ibigay sa politiko.
04:44
Ang kinutelas, before this committee, kung gano'n nakalaki ang binalang pera ni Sally Santos sa office mo.
04:53
Mula po noong 2022, billion na po.
04:58
Pwede rin ang politiko na mismo ang contractor o kaya ang taga DPWH, contractor na rin.
05:04
Kaya bibigyan na lang niya ng SOP ang politiko at babayaran ang nirentang lisensya ng construction company.
05:10
Si Engineer Bryce Erikson po at si JP Mendoza, nagpapairam na po sila ng lisensya sa akin.
05:17
So ako naman po, nagtiwala po dito sa dalawa na to na humana po ng lisensya na gagamitin po sa mga proyekto nila.
05:27
E iisipin ko po ba na isa po official ng DPWH na nire-respeto ay gagawa po ng ghost project.
05:35
May porsyento rin ang congressman na pinaradahan ng inserted project na kung tawagin ay parking fee o pass-through.
05:45
Dahil sa hatian sa pera ni Juan, may mga ghost project o kaya substandard na flood control project.
05:51
Dahil swerte na kung may matirang 30% para ipatupad ang isang proyekto.
05:57
Maraming scheme eh, kasi bulky yung peso.
06:00
Kumisan, ang gusto na ng funder is, i-convert mo na into, deliver mo na into dollars, euros, kung anong denomination.
06:11
Trivia time!
06:13
Alam nyo ba kung gano'ng kapigat ang isang bilyong piso?
06:16
Ang bawat isang perang papel, tinatayang nasa isang gramo ang bigat.
06:20
Kung tig isang libong piso yan, kailangan ng isang libong piraso ng 1,000 peso bills para makabuo ng isang milyong piso.
06:28
Kaya ang isang milyong piso, tinatayang nasa isang kilo ang bigat.
06:33
At ang 1 billion pesos, nasa humigit kumulang isang tonelada.
06:38
Talagang heavy gut.
06:40
Ayon sa People's Budget Coalition, insertions ang pinalit ng mga nasa gobyerno
06:44
nang tanggalin ang pork barrel noong panahon ng Aquino administration.
06:48
Nagsimula raw lumobo ang insertions noong 2018.
06:52
Yung pork barrel din, nakalista yung amounts.
06:54
Yung insertions, hindi siya obvious.
06:56
Sa ngayon, you really have to do like some forensic accounting.
06:59
Ngayon siya lumalabas kasi nga parang lumabasin mong lahat ng data.
07:02
Para raw mangyari ang ganitong kalawak na korupsyon,
07:05
ayon kay dating BPWH Secretary Rogelio Simpson,
07:08
sangkot lahat ng sangay ng gobyerno.
07:10
Lahat sila ang mga.
07:12
Lahat meaning legislative,
07:15
executive,
07:16
lower house, senate,
07:18
executive.
07:19
Let's face it,
07:21
niwanag naman, di ba?
07:22
Nagtuturoan na ngayon.
07:24
The contractor was the linspin
07:27
na pinagsama lahat yan.
07:30
Kaya sabi ni Magalong,
07:31
isa itong highly organized crime syndicate sa ating gobyerno.
07:36
Tinuro niyang isa sa mga mastermind
07:39
ay si Congressman Zaldi Co.
07:41
Pamilya ni Co ang may-ari ng SunWest Inc.,
07:45
isa sa labing limang kontraktor na naka-corner ng 20%
07:49
ng total budget para sa flood control projects
07:52
sa nakalipas na tatlong taon.
07:54
Dati nang sinabi ni Co na nag-divest na siya ng interes sa kumpanya.
07:58
Hirap na hirap silang banggitin ba yung isa sa mga mastermind nila dyan,
08:02
si Zaldi Co.
08:02
Hirap na hirap pa silang banggitin.
08:04
For some reason,
08:05
for some reason,
08:08
hindi ko rin alam kung bakit takot na takot
08:10
baka meron pa mas mataas sa kanya.
08:13
Hindi naman basta-basta gagalaw yan.
08:15
Nagulat naman daw si Co na nabanggit ni Magalong
08:17
ang kanyang pangalan
08:18
nang hindi sinasabi kung ano ang ginawa niya.
08:21
Muli rin niyang itinangging nasa likod siya
08:23
ng anumang katiwalian.
08:24
Nabalitaan na raw niyang makakasama si Magalong
08:27
sa independent commission na mag-iimbestiga
08:29
ng flood control project.
08:31
Pero nagsasalita na si Magalong laban sa kanya
08:33
patay sa chismis at haka-haka.
08:37
Mahaba at masalimuot ang magiging investigasyon
08:40
sa kontrobersya sa flood control projects.
08:43
Kaya dapat maging mapagmatsyag
08:45
sa ating pagbabantay sa kaban ng bayan.
08:49
Para sa GMA Integrated News,
08:51
ako si Mackie Pulido,
08:52
nakatutok.
08:53
104 lora.
Be the first to comment
Add your comment
Recommended
15:15
|
Up next
MAGIC at ROCKETS - FULL GAME HIGHLIGHTS - November 16, 2025
Jedi
1 day ago
15:24
WARRIORS at PELICANS - FULL GAME HIGHLIGHTS - November 16, 2025
Jedi
1 day ago
5:26
Steph Curry talks 49 points and crazy win vs Spur
Jedi
2 days ago
9:40
Milwaukee Bucks vs Charlotte Hornets Full Game Highlights - November 14, 2025 _ NBA Season
Jedi
3 days ago
15:49
CLIPPERS at MAVERICKS EMIRATES NBA CUP π FULL GAME HIGHLIGHTS November 14, 2025
Jedi
3 days ago
36:03
EXTENDED WARRIORS at SPURS FULL GAME HIGHLIGHTS November 13, 2025
Jedi
3 days ago
12:20
SPURS at MAVERICKS _ FULL GAME HIGHLIGHTS _ October 22, 2025
Jedi
4 weeks ago
12:16
THUNDER at PACERS _ FULL GAME HIGHLIGHTS _ October 23, 2025
Jedi
4 weeks ago
50:00
Wildlife Laws_ Only the Fastest Will Survive
Jedi
4 weeks ago
30:11
Interesting Animal Moments Caught On Camera
Jedi
4 weeks ago
16:04
Craziest Animal Encounters of All Time
Jedi
4 weeks ago
0:08
Funny Animals Video
Jedi
4 weeks ago
0:51
The Oldest Creature on Earth π²
Jedi
4 weeks ago
9:41
Los Angeles Lakers vs Golden State Warriors Full Game Highlights - October 21, 2025 | NBA Season
Jedi
4 weeks ago
22:44
Katakot-Takot na Kurakot - Part 8 (KMJS Special Report) | Kapuso Mo, Jessica Soho
Jedi
4 weeks ago
39:18
Tim Duncan - The Big Fundamental (Quiet King of the NBA)
Jedi
5 weeks ago
20:08
Dallas Mavericks Vs Los Angeles Clippers Full Game Highlights Oct 14 ,NBA Season 2025
Jedi
5 weeks ago
9:33
BUCKS at BULLS | FULL GAME HIGHLIGHTS | October 12, 2025
Jedi
5 weeks ago
1:07:28
Chasing History- 2025 NBA Finals - MINI-MOVIE π
Jedi
5 weeks ago
9:53
HAWKS at GRIZZLIES | FULL GAME HIGHLIGHTS | October 11, 2025
Jedi
5 weeks ago
1:05
The 5 Most Expensive Cats in the World
Jedi
5 weeks ago
0:53
The Fastest Birds Ever
Jedi
5 weeks ago
0:44
The Fastest Dog Breeds Ever
Jedi
5 weeks ago
0:52
Funny and cute dogs bring joy to people
Jedi
5 weeks ago
43:58
The Filipino Purge: Worldβs Most Feared Drug War
Jedi
6 weeks ago
Be the first to comment