00:00Humarap si Vice President Sara Duterte sa House Committee on Appropriations para dipensahan ang mag-iit siyam na raang milyong pisong panukalang budget ng kanyang tanggapan.
00:10Ang kanyang giit sa pagdinig, walang gastos ang gobyerno sa kanyang mga biyahe sa labas ng bansa.
00:16At sa isang panayam naman, pinuna ng Vice Presidente ang binuong Independent Commission for Infrastructure ni Pangulong Bongbong Marcos.
00:24Saksi, si Tina Pangaliban Perez.
00:30Lusot ka agad sa House Committee on Appropriations ang mahigit 902 milyon pesos na panukalang budget ng Office of the Vice President alinsunod ito sa tradisyon ng Kamara na pagbibigay ng parliamentary courtesy sa OVP.
00:44Sa kabila niyan, pinagbigyan ng dalawang miyembro ng Makabayan Block na makapagtanong kay Vice President Sara Duterte na ungkatang tungkol sa confidential funds ng OVP,
00:55partikular ang Notice of Disallowance para sa mahigit 73 milyon pesos noong 2022.
01:01Ano po ang paliwanag doon sa nakapamahagi na kayo ng mga sinasabing reward money noong December 13 pa lamang,
01:13samantalang hindi pa po lumalabas ang pera ng confidential funds.
01:18At ayon sa investigasyon ay 1,322 out of 1,992 names in the OVP ARs submitted to the PSA have no birth records.
01:36So kasama po dito yung mga pangalang Mary Grace Piatos, Fernando Tempura, meron pang shell joke no?
01:47The subject confidential funds is a matter in impeachment proceedings which is archived but there is a pending motion for reconsideration in the Supreme Court.
02:03Number three, I cannot discuss intelligence operations and cannot explain how intelligence operations are done without compromising national security.
02:22Kaugnay naman ang mga biyahe niya sa ibang bansa, iginiit ng bise na walang ginamit na pondo ng bayan.
02:28At lahat daw ay may travel authority mula sa Office of the President.
02:32No public funds were used for all my travels.
02:37I did not charge representation, I did not charge tickets, I did not charge per dime for all my travels in the Office of the Vice President.
02:49So if you can see in the breakdown of the budget of travel for Office of the Vice President, you can see that there was a zero amount for the Vice President.
03:04Paano po pinapondohan yung pagpunta, flight and accommodations ng staff and security ng OVP?
03:10The total for nine trips for both the security and OVP personnel is 7,473,887.70.
03:29Pero ang gastos para sa kanyang security?
03:32Ang merong china-charge sa Office of the Vice President ay yung security at decision yun ng our forces of the Philippines kung magpapadala ilan at kung sino.
03:44Babiyahe ulit ang bise ngayong buwan para dumalo sa pagtitipon sa Japan.
03:49Pagamat lusot na sa House Committee on Appropriations ang panukalam budget ng OVP, pwede pa rin itong busisiin ang mga kongresista sa plenaryo.
03:58Pero ang sasagot na sa mga tanong, mga opisyal na ng komite.
04:01Sa gitna ng pagdinig, may tinanong ang bise kay Kabataan Partylist Representative Rene Coe.
04:08Magpinsan po ba si congressman ko ngayon at si Zaldico?
04:12I have no familiar relation po to Zaldico or to Representative Zaldico or any of their relatives po.
04:22Si Representative Elie Zaldico, ang dating chairperson ng House Appropriations Committee,
04:27na umunoy na sa likod ng lagpas 13 billion pesos na insertions sa national budget noong 2025 ayon kay Representative Toby Tshanko.
04:37Bumoon na ang Pangulo ng Independent Commission for Infrastructure para investigahan ang mga anomalya sa mga flood control project at iba pang infrastructure projects.
04:48Banat dito ng pangalawang Pangulo.
04:49Anong pa bang komisyon, anong truth komisyon, anong investigative body pa ang kailangan mo?
04:55Sabi ng bise, alam naman na raw ng Pangulo ang nangyayari, kaya dapat noon pa raw inaksyonan na niya ito.
05:02Pag ikaw presidente ba, tapos alam mo na kung anong nangyayari, tapos nakikita mo na based on the budget kung paano binaboy yung pera ng bayan,
05:16mag-aantay ka pa ba ng komisyon o ng truth komisyon o nung kung anong komisyon yan?
05:20A-actionan mo kasi ka agad dapat yan eh.
05:25Nandyan na yung budget, nakikita natin kung paano siya kinuha.
05:32Diba dapat noon ay diretsyo mo na gawin, tanggalin mo na yung speaker mo.
05:36Sinisika pa ng GMA Integrated News na makuha ang panig ng palasyo at ni House Speaker Martin Robaldes ukol dito.
05:43Natanang din ang bise, kaugnay ng kondisyon ng amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
05:49Maayos naman daw ang ama, nahuli niya nakausap sa telepono noong biyernes.
05:53He's okay. Nag-usap kami about politics, nag-usap kami about flood control, nag-usap kami about love life niya.
06:03Sabi ng defense team ni Duterte sa ICC, not fit to stand trial o wala siya sa tamang kalagayan para humarap sa paglilitis.
06:11May problema na raw sa ala-ala ang dating Pangulo.
06:16Hindi na raw siya nakakakilala kahit ng ilang kaanak.
06:19Hindi na umano na iintindihan kung bakit siya nakadetine.
06:23At hindi na raw makabuluhang makalalahok sa legal na proseso laban sa kanya.
06:28Sa tingin ko naman, merong mangyayaring hearing sa competency.
06:32So antayin na lang natin yung mga experts.
06:35Both sides, ICC sa prosecution, sa defense side.
06:38Para sa GMA Integrated News, ako si Tina Panganiban Perez, ang inyong saksi.
Be the first to comment