- 2 weeks ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00This is Philippine Culture.
00:07Live from the GMA Network Center, ito ang 24 Horas.
00:20Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:24Tinipid, substandard o tahasang hindi matuntun ang ilang flood control projects sa La Union.
00:33Ayon sa DPWH at Independent Commission for Infrastructure.
00:38Ginagawa pa lamang ang isang proyektong idineklarang tapos na.
00:42Sandaang milyong piso ang halaga nito pero ang mga tubo na discovering peki.
00:47Iniwan namang nakatiwangwang ang isa pang proyekto kaya itinuturing na itong isang ghost project.
00:52At nakatutok si Sandy Salvaso ng GMA Regional TV.
00:59Galit at dismayado si DPWH Secretary Vince Dizon nang makita ang flood control projects sa mga bayan ng Bawang at Tubaw sa La Union kaninang umaga.
01:09Kasama ni Dizon sa inspeksyon si Special Advisor and Investigator ng Independent Commission for Infrastructure na si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
01:18Unang pinuntahan ang DK at Reprap sa barangay Kalumbaya, Bawang.
01:21Nagkakahalaga ang proyekto ng halos 180 milyon pesos na ayon kina Dizon inaward sa kumpanyang Silver Wolves.
01:29Dapat ay noong Marso pa natapos pero inabutan kanina ang mga trabahador na abala sa pagtatayo ng proyekto.
01:35Ikinagalit din ang kalihim ang nadiskubring peking tubo na parang itinikit lang sa lupa.
01:41Ayon kay Magalong dapat ay nasa dalawang metro ang haba ng mga tubo.
01:44Pero sa kanilang nakita, halos wala pa ito sa isang talampakan.
01:54Nakitaan din ng sira ang ilang bahagi ng dike na umunoy bunsod ng pagulan.
01:58Pinuna rin ang mga ginamit na substandard na bakal at tie wiring sa proyekto.
02:03No doubt, kailangan ng flood control dito.
02:05So ngayon, ang ginawa namin ni Mayor Benji dito, tinitignan natin yung quality ng gawa.
02:11We want to check kung clearly hindi to ghost.
02:14Kasi nakikita niyo naman may proyekto.
02:17Pero mukhang, base pa lang sa observation namin ni Mayor Benji, mukhang napaka substandard nito.
02:24Ang malala, wala pang maipakitang plano ng mga nasabing proyekto.
02:29Meron kami nakikita ang mga pattern.
02:32Nang either ghost or yung substandard talaga.
02:39Ang isang napaka-importanting pattern na nakikita natin,
02:42halos lahat ng nabisita natin mga proyekto,
02:45walang maipakitang plano sa atin.
02:48Eh yun ang basis.
02:50Hindi natin ma-assess yan ng mabuti kung wala tayong pinagbabasihan.
02:53At yun lagi ang plano.
02:55We're going to declare this as a crime scene.
02:58Kasi secure namin to.
02:59Kung sakaling may merong mag-intrude dito, kakasuan din natin.
03:03Binisita rin ang isa pang flood control project sa barangay Anduya, Tubaw
03:07na nagkakahalaga ng 50 million pesos at may lawak na 500 metro.
03:12Tinipid daw ang proyekto.
03:13Maliban dito, may na-discovering ghost project sa barangay Rizal, Tubaw.
03:18Matapos madat ng nakatiwangwang lang ang hinukay na lupa
03:21para sa gagawin sanang proyekto.
03:23Ayon kay Magalong, inilapit ito sa kanyang opisina magmula noong naopo ito bilang ICI Special Advisor.
03:30Sa ngayon ay ongoing na ang verifikasyon ni Magalong patungkol sa mga detalya ng proyekto.
03:34Sa buong Region 1, umabot sa 851 ang nakalistang flood control projects na may kabuwang halagang 39.3 billion pesos.
03:43Ikaapat ang regyon sa may pinakamataas na nakuwang halaga ng pondo para sa flood control projects sa bansa
03:48at ikalima naman sa dami ng proyekto.
03:51Iniutos na ni Mayor Magalong ang pagsuspindi sa mga binisitang proyekto
03:55habang patuloy pa ang masusing investigasyon sa mga maanumalyang flood control projects.
04:00Questionable nga yung technology na ginamit.
04:03Considering na nakita niyo naman sa ibang mga lugar,
04:06consistent na talagang buhos.
04:09Pero dito, parang stone masonry naman ang ginamit.
04:14Bakit hindi consistent yung technology na ginagamit?
04:18Bakit iba-iba?
04:19Mula sa GMA Regional TV at GMA Integrated News,
04:23Sandy Salvasio, Nakatutok 24 Horas.
04:28Giniit ni Vice President Sara Duterte na walang gastos ang gobyerno para sa kanya tuwing bumabiyahe.
04:35Pero ang gastos para sa kanyang security,
04:38ikinakankaan niya sa pondo ng kanyang opisina at AFP ang nagde-desisyon kung ilan.
04:45Nausisayan sa pagdinig sa hinihinging budget ng Office of the Vice President.
04:51Nakatutok si Tina, panganibang pere.
04:56Tradisyon na sa Kamara na bigyan ng parliamentary courtesy ang Office of the Vice President
05:01kapag sumasalang sa budget deliberations.
05:04Ibig sabihin, lusot ka agad sa House Committee on Appropriations.
05:09Para sa 2026, mahigit 902 million pesos ang panukalang budget ng OVP.
05:15Much that we would like to honor the tradition that we extend to the Office of the Vice President,
05:21there are two members of the minority who would like to ask questions.
05:25It is up for Madam President, Madam Vice President, if she wants to answer or not.
05:30Yes, I waive the privilege, sir.
05:33You waive?
05:34Yes.
05:34Ang dalawang miyembro ng makabayan, tinanong ang confidential funds ng Office of the Vice President.
05:41Partikular ang notice of this allowance para sa mahigit 73 million pesos noong 2022.
05:47Ano po ang paliwanag doon sa nakapamahagi na kayo ng mga sinasabing reward money noong December 13 pa lamang
05:58samantalang hindi pa po lumalabas ang pera ng confidential funds.
06:04At ayon sa investigasyon ay 1,322 out of 1,992 names in the OVP ARs submitted to the PSA have no birth records.
06:23So kasama po dito yung mga pangalang Mary Grace Piatos, Fernando Tempura, meron pang shell joke no?
06:33The subject confidential funds is a matter in impeachment proceedings which is archived
06:44but there is a pending motion for reconsideration in the Supreme Court.
06:49I cannot discuss defense strategy.
06:53Number three, I cannot discuss intelligence operations and cannot explain how intelligence operations are done without compromising national security.
07:07Tungkol sa mga biyahe ng BISE sa ibang bansa, sabi ng BISE, lahat may travel authority galing sa Office of the President.
07:16No public funds were used for all my travels.
07:20I did not charge representation, I did not charge tickets, I did not charge upper dime for all my travels in the Office of the Vice President.
07:33So if you can see in the breakdown of the budget of travel for Office of the Vice President,
07:42you can see that there was a zero amount for the Vice President.
07:47Paano po pinapondohan yung pagpunta flight and accommodations ng staff and security ng OVP?
07:54The total for nine trips for both the security and OVP personnel is 7,473,887.70.
08:12Ang merong sinacharge sa Office of the Vice President ay yung security at decision yun ng our forces of the Philippines kung magpapadala ilan at kung sino.
08:25Pero may tanong din ang BISE sa isang kongresista.
08:28Magpinsan po ba si congressman ko ngayon at si Zaldico?
08:32I have no familiar relation po to Zaldico or to representative Zaldico or any of their relatives po.
08:41Si Rep. Elizalico ang dating chairperson ng House Appropriations Committee na umunay na sa likod ng lagpas 13 billion pesos na insertions sa national budget noong 2025 ayon kay Rep. Toby Tchanko.
08:57May punto pang nagkainitan ng ilang kongresista.
08:59Parliamentary inquiry. Madam Chair, I thought we're going to accord institutional courtesy to the office of the Vice President. Bakit po natin binabanatan? Bakit natin tatanungin?
09:13Wala pong binabanatan dito.
09:14I take exception to the other members from making the manifestation.
09:18I take exception to the use of the term binabanatan. Nagtatanong lang po tayo rito at lihitin mo naman po ang mga tanong.
09:25Matapos ang pagtatanong ng dalawang mababatas, agad nang tinapos ang budget briefing.
09:31Pagamat lusot na sa House Committee on Appropriations ang panokalam budget ng OVP, pwede pa rin itong busisiin ang mga kongresista sa plenario.
09:40Pero ang sasagot na sa mga tanong, mga opisyal na ng komite.
09:45Para sa GMA Integrated News, Tina Panganipan Perez, Nakatutok, 24 oras.
09:50Na-discaril ang isang trend ng LRT Line 2 dahilan upang limitahan ang operasyon nito.
09:58Pahirapan tuloy ang biyahe ng maraming pasahero.
10:01At nakatutok si James Agustin.
10:06Naabala ang mga pasahero ng LRT Line 2 kaninang umaga dahil naging limitado ang operasyon ng trend.
10:12Mula rekto hanggang Kubaw at pabalik.
10:14Kanya-kanya ng diskarte ang mga pasahero para makarating sa Kubaw Station.
10:18Karamihan ay galing pang antipolot marikina.
10:20Kahit ako na yung posakit, sabi po, kailangan magkubaw agad na jeep para makakagol sa school 7 a.m.
10:26Mahirap sumakay pag wala pong train.
10:29Paano ginawa mo diskarte?
10:31Nakipagsiksikan po.
10:32Sa bus.
10:34Malaki pong abala, lalo na kung malilate ka na.
10:38Sa labas ng Santolan Station, stranded din ang maraming pasahero mag-aalasyete ng umaga.
10:43Ang college student na si Angelica, halos isang oras na nagbubuk na motorcycle taxi.
10:47Limang beses na nagkansila ng booking ang mga rider.
10:50Wala pa pong nabubuk so baka possible po maliit na.
10:54Eh may deadline pa naman pong ihahabol na assignment.
10:57Si Alan pahirapan din ang pagsakay.
10:59Bukod sa maliit ka sa trabaho.
11:03Ma-traffic kung mag-ano ka, traffic.
11:06Eh ako, but Santos pa siya.
11:08Ang dahilan ng limitadong operasyon, na diskare lang isang train sa Santolan Station bandang alas 10.30 kagabi.
11:15Nawala sariles ang apat na gulong sa unahan ng train.
11:17Dahilan para tumama ang harapang kaliwang bahagi nito sa kanto ng platform.
11:21Nasira rin ang track switch.
11:23Lumalabas sa initial investigation namin, sa pagtatanong namin na nagkaroon ng human error.
11:29Binigyan ng go signal yung train na papuntang antipolo sana at magre-reverse, papunta pabalik.
11:36Ang sabi sa kanya, clear yung dadaanan mo.
11:39But apparently, hindi clear.
11:40Kasi nga, yung track switch, iba yung direksyon.
11:45Direksyon papuntang depot, hindi papuntang antipolo.
11:49Muling i-inspeksyonin ang mga safety officer at teknisya ng nasirang track switch mamayang gabi.
11:54Dahil sa nangyaring insidente, binaba na muna ng pamunohan ng LRTA yung speed limit ng mga train na approaching dito sa Santolan Station sa 20 km per hour.
12:03Mula po yan sa dating 40 to 45 km per hour.
12:06Alas 7.32 na nang umaga na maibalik sa normalang operasyon ng LRT-2 hanggang antipolo.
12:12Agad ipinag-utos ni Transportation Acting Secretary Giovanni Lopez ang pagpapatupad ng libreng sakay sa LRT-2 ngayong araw.
12:18Humingi kami ng paumanhin. Ito'y unexpected. At yun nga, minabuti namin talaga na hindi tigilan yung trabaho.
12:27Posible namang umabot ng dalawang buwan na pagsasayos sa nadiskaril na train.
12:31Para sa Gemma Integrated News, James Agustina, Katuto, 24 Horas.
12:36Bukod sa maanumalyang flood control projects, iniuugnay rin ang pangalan ni ako, Bicol Partilist Representative Zaldico.
12:44Kaugnay ng pag-iimport ng mga isda.
12:46Pagsiwalat ni Agriculture Secretary Francisco Chulaurel.
12:50Pinilit noon ni Koh ang kagawaran na lakihan ang alokasyon ng mga pwedeng angkatin ng tatlo nitong fishing company.
12:57Nakatutok si Tina Panganiban Perez.
12:59Pasapag ang revelasyon ng Department of Agriculture sa pagtalakay ng Kamara sa hinihingi nitong 176.7 billion peso budget para sa 2026.
13:13Meron din isang congressman na humingi sa akin ng maraming alokasyon na hindi ko pinagbigyan ng isda.
13:21At ang pangalan noon, Zaldico.
13:25Ayon kay Laurel, pinilit ni Koh ang DA na bigyan ng tatlong kumpanya niya ng import permit kasama ang ZC Victory Fishing Corporation.
13:34We were being forced at that time to give him 3,000 containers of fish which I did not agree.
13:40Sinisika pa namin kuna ng pahayag si Koh.
13:44Natanong din sa budget briefing ang tungkol sa pagiging pinakamalaking importers ng galunggong at tuna ng pamilya ni Navotas Representative Toby Tchanko.
13:53Kasi ang kumpanya na yan was owned by their parents.
13:57Do you not find any conflict of interest, Mr. Secretary, that the Tchankos are importing the largest fishing a galunggong for this round?
14:05Well, if you want me to really comment on that, I think they deserve what they are getting because they are the pinakamalaking minalan talaga eh.
14:13This is very scientific and everything so wala akong nakikitang issue.
14:18Kung walang importation, mas mabuti sa amin.
14:20Number two, very fair and scientific yung basis ng alokasyon yan.
14:25It is based on your contribution to the production for the past 3 years.
14:31Ito naman si Saldin, dami ng pera. Gusto pati legal na negosyo ng mga tao. Kukuni niya. Diba?
14:39Hindi lang isda, kundi marami pang produktong agrikultural ang inaangkat ng Pilipinas.
14:44We are not in a very good state and that we have to accept at the moment. At the moment.
14:51The current state, given that we're a net importer, is not something that we should just simply accept.
14:56There needs to be interventions on the part of DA.
15:00Our goal is not to simply grow more food but to ensure that every family has access to healthy, affordable meals.
15:08Ang orihinal na hinihinging pondo ng DA ay 245 milyon pesos.
15:14Sang-ayon ng ilang kongresistang dagdagan ang budget ng kagawaran, lalot aalisin na ang budget para sa flood control project sa 2026.
15:22Yan ay kahit dati pang sinabi ng Pangulo na hindi niya i-vito ang budget kung magdaragdag ang kamara ng pondong inilatag na sa National Expenditure Program.
15:34Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatutok, 24 oras.
15:41Pinuna ni Vice President Sara Duterte ang pagtatag ni Pangulong Bongbong Marcos sa komisyong maging investiga sa mga flood control project.
15:51Hinamong pa niya ang Pangulo na tanggalin ang House Speaker.
15:55Nakatutok si Marisol Abdurama.
16:01Anong pa bang komisyon? Anong truth komisyon? Anong investigative body pa ang kailangan mo?
16:07Ito ang banat ni Vice President Sara Duterte kay Pangulong Bongbong Marcos sa pagtatag ng Pangulo ng Independence Commission for Infrastructure na naata sa mag-imbestiga sa mga anomalya sa mga flood control at iba pang infrastructure project.
16:21Sabi ng vice, alam naman na raw ng Pangulo ang nangyayari kaya dapat daw noon pa raw inaksyonan na niya ito.
16:26Pag ikaw presidente ba, tapos alam mo na kung anong nangyayari, tapos nakikita mo na based on the budget kung paano binaboy yung pera ng bayan,
16:43mag-aantay ka pa ba ng komisyon o ng truth komisyon o nung kung anong komisyon yan?
16:47A-actionan mo kasi kaagad dapat yan eh. Nandyan na yung budget, nakikita natin kung paano siya kinuha.
16:58Diba dapat noon, ay diretsyo mo na gawin, tanggalin mo na yung speaker mo.
17:03Sinisikap pa ng GMA Integrated News na makuha ang panig ng palasyo at ni House Speaker Martin Romualdez ukol dito.
17:10Natanong din ang VP sa kondisyon ng amana si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
17:14Matapos siyang dumalo sa budget hearing ng OVP dito sa Kamara.
17:18Maayos naman daw ang kalagayan ng kanyang ama na huli niya nakausap sa telepono noong biyernes.
17:23He's okay. Nag-usap kami about politics, nag-usap kami about flood control, nag-usap kami about love life niya.
17:34Kamakailan lang ay sinabi ng defense team ni Duterte na not fit to stand trial o wala na sa tamang kalagayan para humarap sa paglilitis.
17:41May problema na raw sa alaala ang dating Pangulo na hindi na nakakakilala kahit ng ilang kaanak.
17:47Hindi na umuno na iintindihan kung bakit siya nakaditine at hindi rin daw makubuluhang makakalahok sa legal na proseso laban sa kanya.
17:54Kaya po na-defer ang kanyang supposedly confirmation of charges because of health and medical condition?
18:02Um, sa tingin ko naman merong mangyayaring hearing sa competency so antayin na lang natin yung mga experts.
18:10Both sides, ICC sa prosecution, sa defense side and I'm sure maglalabasan yung mga experts para sabihin kung ano yung problema.
18:21Bumisita rin ang VP sa Naga City kamakailan pero mas pinili na lang daw niyang hindi na makipagkita kay Naga City Mayor at dating Vice President Lenny Robredo.
18:30Nag-desisyon ako na huwag kami magkita para wala nang masabi ang mga tao.
18:36Biyahing Japan naman ang bisis sa 20 ngayong buwan para dumulo sa pagtitipon sa Japan.
18:42Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman, nakatuto 24 oras.
18:49Hindi na babahala ang Pangulo sa ikakasang trillion peso march ng iba't ibang grupo sa linggo September 21 ayon po yan sa Malacanang.
18:59Pero babala ng palasyo, tutugon ang mga otoridad sa anumang bantang pabagsakin ang gobyerno.
19:05Nakatutok si Ivan Mayrina.
19:10Unang linggo pa ng Setiembre na mag-abisa ang palasyo tungkol sa pagalis ng Pangulo sa Biyernes.
19:15Para dumalo sa 80th session ng United Nations General Assembly sa New York sa Amerika.
19:20Pero anunsyo ng Malacanang kahapon.
19:22Hindi na tuluyang isang linggo sana sa abrol ni Pangulong Bongbong Marcos at kakatawalin na lang siya ng Foreign Affairs Secretary.
19:28Kabubuo pa lamang ng ICI at ito'y dapat matutukan ng Pangulo para mas mabilis na pag-aksyon.
19:36Tutukan pa rin ano ba ang pangangailangan ng taong bayan, ang mga bilihin para mapababa at maraming paiba.
19:43Tanong sa palasyo, may kinalaman bang desisyon sa mga ikinakasang malawa ang kinusprotesta kontra katimulian sa linggo?
19:50Hindi po nangangamba ang Pangulo sa gabing protesta dahil alam po niya na ang magpoprotesta dito ay kakampi rin po niya, kakampi sa kanyang adhikain.
19:59Wala rin banta sa buhay at kaligtasan ng Pangulo, kaya naman sa National Security Council.
20:04Pero babala ng palasyo, tutugon ng mauturidad sa anumang bantang pamagsakin ang gobyerno.
20:10Wala tayo nakikita na koneksyon tungkol sa destabilisasyon, ang ayaw lang po ng Pangulo at ng administrasyon mismo at mismo ng AFP at PNP.
20:20Gamitin itong damdami ng tao, sentimento ng tao ng mga elemento na maaaring magpagiba sa gobyerno.
20:29Kabilang sa binanggit ng palasyong Independent Commission on Infrastructure na nagpulong na ngayong araw sa pangungunan ng Chairperson itong si Retired Justice Andres Reyes Jr.
20:38Inaasahan magdatalaga rin ng Executive Director ngayong linggo.
20:42Bukas naman ang palasyo sa mga panukala sa Senado at Kamara na isa batas ang pagbuo ng komisyon at ang paggawa dito ng mas malawak na kapangyarihan.
20:50Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
20:55Bago pa man mabuo ang bagyong Mirasol sa loob ng Philippine Area of Responsibility,
21:00nagpaulan muna sa ilang bahagi ng bansa ang habagat at localized thunderstorms.
21:05May mga kalsada at tulay sa Mindanao na hirap madaanan dahil sa baha at paghuhon ng lupa.
21:10Nakatutok si Mariz Umali.
21:13Halos hindi na makausad sa lalim ng putik ang mga motorsiklong ito sa bayan ng Tupi sa South Katabato kasunod ng walang tigil na ulan.
21:28May mga kinailangan ng itulak ng ilang kalalakihan para makausad.
21:32Ang kabayong ito halos madulas din sa putik.
21:38Pahirapan maging ang pagdaan ng mga residente.
21:44Dagdag din sa perwisyo ang mga maliliit na pagguho at ilang nagtumbahang puno.
21:48May mga motorsiklo pang kinailangang itawid sa rumaragasang baha.
22:00Pansamantala rin hindi madaanan ang tulay na ito sa magsaysay Davao del Sur kahapon.
22:06Lumakas kasi ang ragasan ng tubig sa sapa kasunod ng malakas na ulan.
22:10Ayon sa uploader, abot hanggang tuhod ang taas ng tubig sa sapa kaya hindi madaanan.
22:15Nakaranas din ang pagbaha sa bayan ng datumantawal Maguindanao del Sur
22:19nang tumaas ang level ng tubig sa Pulanggi River.
22:24Sa bayan ng Kabakan sa Kutabato, tatlong sityo sa barangay Kayaga ang binaha.
22:29Aabot sa tatlong daang pamilya ang apektado na agad namang inabutan ang relief packs ng lokal na pamahalaan.
22:35Pansamantala rin hindi madaanan ang kalsadang ito sa dinggalang sa Aurora
22:38dahil sa pagguho ng lupa, bunsod ng mga pagulan.
22:42Para sa GMA Integrated News, Mariz Umali Nakatutok, 24 Oras.
22:50Good evening mga kapuso!
22:52More than a week nag-chill sa kanyang island vacation sa Siargao.
22:56Si pambansang ginawa David Licao, pero hindi lang siya nag-relax doon
22:59dahil nakapag-invest pa siya ng property para sa plano niyang itayong villa.
23:04Makichika kay Athena Imperial.
23:06Kahit na busy sa tapings, endorsements, businesses, and sports,
23:14David Licao squeezes in time for rest and relaxation
23:18para magka-work-life balance kasama ang mga kaibigan at mahal sa buhay.
23:22Ipinayong araw mismo ng parents ni David sa kanya na mag-take a break.
23:42Recently, nag-vacation siya for more than a week.
23:44In Manila, working, traffic, and everything else.
23:50But in Siargao, it's different.
23:54It felt to me na I was close to humanity, to nature.
24:01Isa sa mga kasama niya ang sparkle artist at kaibigang si Jay Ortega na na-enjoy rin ang island life.
24:06The vibe, the vibe na parang ang sobrang kalma.
24:12Yung mga tao sobrang simple, simple-simple, sobrang simple ng buhay.
24:15Bukod sa work break, David shared na nag-invest siya ng property sa Siargao.
24:20Next year, yung project ko is magkaroon ng villa doon.
24:27Yeah, resort, parang gano'ng resort.
24:29Ang PBB celebrity collab housemate at friend ni David na si Dustin Yu, na isa ring businessman,
24:35suportado ang kanyang bagong venture.
24:38Nasa planning stage pa lang siya.
24:40Kinikwente niya na yan sa akin.
24:42Sobrang na-excite siya.
24:43Ang dami na rin niyang mga businesses na successful.
24:46And of course, this one naman, real estate.
24:50So for me, win-win. Win-win rin yan.
24:52Athena Imperial updated sa Showbiz Happenings.
24:59So for me, win-win.
Recommended
1:10
|
Up next
Be the first to comment