Sinampahan ng reklamo ang dalawang dating engineer ng DPWH kaugnay ng paggamit nila ng pekeng driver's license para makapag-casino. Inihain 'yan ng transportation department.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Sinampahan ng reklamo ang dalawang dating engineer ng DPWH kaugnay ng paggamit nila ng Peking Driver's License para makapagkasino.
00:11Inihain yan ang Transportation Department at nakatutok si Oscar Oida.
00:19Iniimbestigan pa ng Anti-Money Laundering Council,
00:22ang duda ni Sen. Pantilolakson na nalulunder o nalilinis sa kasino ang mga kickback ng mga binansagan niyang BGC Boys o Mulakan Group of Contractors.
00:33Posiblian niyang nagsusugal sila roon para palabasing napanalunan sa kasino ang posibleng nakukubra sa mga proyekto kontrabaha.
00:42Habang sinisiyasit yan, sa isang pag-amin muna kaugnay niyan, susubukang panagutin ang ilan sa kanila.
00:49Partikular si na dating DPWH District Engineer Henry Alcantara
00:54at dating Assistant District Engineer Bryce Hernandez na umamin sa Senado ng paggamit ng peking lisensya sa kasino.
01:03Kasong paglabag sa Article 172 of the Revised Penal Code o paggamit ng falsified documents
01:09ang reklamong inihain ng Transportation Department laban sa kanila.
01:14Hindi po natinaya na lapastanganin ang lisensya po ng DOTR at ng LTO.
01:20The first time that we are running after yung gumagamit ng lisensya, they're equally liable under the law.
01:28Bukod kina Alcantara at Hernandez, sasampahan din ng reklamo ang iba pang binansagang BGC Boys o Bulakan Group of Contractors.
01:37Ang pagkakaalam ko po, tinatapos na po, bukas umakalawa, magsasampa rin po ang kaso, ang LTO at DOTR.
01:45Kung mga patunayan nagkasala, di hihigit sa 6 na taon ng parusang kulong at aabot sa 1 milyong piso ang multa.
01:53Iniimbestigahan na rin kung bigay nga ng kasino ang mga peking lisensya dahil pati nagbigay ay maaaring ireklamo.
02:01Sinusubukan pa rin naming hinga ng pahayag si Alcantara.
02:04Sabi naman ang abogado ni Hernandez na nakausap namin sa telepono, di pa nila natatanggap ang kopya ng reklamo.
02:12Para sa GMA Integrated News, Oscar Oida, Nakatutok, 24 Oras.
Be the first to comment