Skip to playerSkip to main content
Good news sa mga motorista! Isang RFID na lang ang kailangan para sa lahat ng expressway sa Luzon!


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Good news sa mga motorista!
00:02Isang RFID na lamang ang kailangan para sa lahat ng expressway sa Luzon.
00:07Ang proseso para riyan, alamin sa pagtutok ni Chino Gaston.
00:15Endlex, Skyway, Cavitex, Tiplex at Setex.
00:20Dahil iba't ibang expressway ang meron sa Luzon,
00:23iba-iba rin ang gamit na Radio Frequency Identification Device o RFID.
00:28Kaya di maiwasan ang ilan na magkalituhan kung alin ang gagamitin sa partikular na daan.
00:34Pero ang problema niyan, may solusyon na sa inilunsad ngayong araw na 1RFID.
00:40Ibig sabihin, pwedeng isang account na lang ang inyong lalagyan ng load tuwing daraan sa anumang expressway sa Luzon.
00:47Buong nga ito ng kasunduan ng Metro Pacific Tollways at SMC Tollways Corporation,
00:52ang dalawang kumpanyang nagmamayari ng AutoSweep at EasyTrip RFID Systems.
00:58Pinasinayaan ganina ni Pangulong Bongbong Margos ang consolidation ng dalawang tollways corporation
01:02walong taon mula ng hiniling ito ng gobyerno.
01:06It took us 8 years to get to this point.
01:10We are trying to emulate some of the systems that many of us who travel abroad have seen
01:16and take public transport have seen that will make things easier for our commuters.
01:24Maraming maraming sa ating ginagawa ngayon, hindi kayang gawin ng pamahalaan lamang.
01:33Kaya natin ay sinama at humingi ng tulong sa ating mga private sector partner.
01:39At masasabi ko naman, kapag tayo humihingi ng tulong sa kanila, hindi pa tayo hinihindihan.
01:44Natagalan ang interconnection dahil sa ilang issue, pero sa huli ay naplansya rin.
01:50Para magamit ang One RFID System, kailangan lang magpakabit ng One RFID Sticker.
01:58Magtungo lang sa mga RFID Installation Boots, sa mga gas stations o malapit sa mga tollboots sa expressway.
02:04At iparehistro ang sasakyan sa One RFID System.
02:09Tatanggalin nila ang inyong lumang auto-sweep or easy-trip RFID at papalitan ng mas bagong sticker na nasa loob ng windshield ikakabit.
02:18E paano kung may laman pa ang lumang RFID account?
02:21Pwede naman daw ilipat ang load sa bagong account.
02:25Optional o hindi raw sa pilitan ang paggamit ng One RFID.
02:30Kaya pwede pa rin gamitin ang mga lumang RFID accounts.
02:33Sina Edgar Hasmin at Ryan Son, ilan sa mga unang nagpakabit kanina ng One RFID Sticker.
02:41Maganda na naging isa na lang. Less hassle.
02:44Hindi ko na iisipin kung baka makalimutan ko na walang load user at pumasok ako sa ibang express.
02:49Mahalagayon kasi isang card na lang siya.
02:54Kung baga hindi siya na magsiseparate.
02:56Kung baga yung perang may lalagay doon, ano na, mas ano na siya kung baga, ang tawag doon, mas tipid na siya.
03:04Layo ng gobyerno na magkaroon ng single electronic payment system ang tollways LRT, MRT at ang kinukumpletong subway,
03:12kagaya ng mga electronic payment system cards sa ibang bansa.
03:16Para sa GMA Integrated News, sino gasto na katutok 24 oras?
Be the first to comment
Add your comment

Recommended