00:00Mga kapuso, bukod po sa Metro Manila, may rollout na rin po ng 20 pesos kada kilong bigas para sa transport sector sa Tagum, Davao del Norte.
00:10At may unang balita live si Jandy Esteban ng GMA Regional TV. Jandy?
00:18Yes, Maris, ngayong araw nga ay ilulunsad yung 20 pesos per kilo na bigas para sa mga tricycle drivers dito sa Tagum City, Davao del Norte.
00:29Dito sa Multi-Purpose Gym, Rotary Park, sa barangay Poblasyon, isasagawa ang pagbebenta ng murang bigas.
00:36Ayon sa Public Information Office ng Department of Agriculture, Region 11, nasa 200 bags o 10,000 kilos na bigas ang ibebenta.
00:46Hanggang 10 kilo lang ang pwedeng mabili ng kada driver. Kailangan nilang ipresenta ang kanilang transport ID.
00:55Nasa mahigit 1,000 ang makaka-avail ng programa. Ang problema, nasa mahigit 3,000 ang drivers dito sa Tagum City.
01:04Mamayang hapon naman, magsasagawa ng maikling programa para sa ceremonial selling upang opisyal na ilunsad ang 20 pesos per kilo na bigas para sa transport sector dito sa lungsod.
01:15Maliban dito sa Tagum City, Davao del Norte, Maris, ay ilulunsad din ito sa Panabo City, Davao del Norte.
01:23May inihandang 100 bags o 5,000 kilograms ng bigas para ibebenta sa mga tricycle drivers doon sa Panabo City.
01:32Gusto mo bang mauna sa mga balita? Mag-subscribe na sa JMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments