Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magit 300 flood control projects sa Quezon City na 17 billion pesos ang halaga,
00:06ang napag-alamang hindi pala idinaan sa lokal na pamahalaan.
00:10Patay po yan sa pagsusuri ng LGU.
00:13At nabiso naman may dalawang proyekto na milyon-milyon ang halaga,
00:17pero hindi ginawa at pininturahan lang umano.
00:21Saksi, si Maki Pulido.
00:23Rehabilitation of Drainage System ang project title ng flood control project
00:31para sa kalsadang ito sa barangay South Triangle, Quezon City.
00:35Nang gamitin ang Quezon City Engineering Department ang Google Earth app,
00:38nakita nilang itong sitwasyon sa kalsada noong February 2024 kung kailan dapat nagsimula ang proyekto.
00:44At pagkatapos ang mahigit isang taon, September 2025, makikitang ang pinagkaiba lang, may pintura na ang sidewalk.
00:52Mahigit 70 million pesos ang project cost.
00:55Ito naman ang Rehabilitation of Drainage System sa barangay Tatalon.
01:08Mahigit 48 million pesos ang project cost, pero pininturahan lang din ang sidewalk at pinalitan ang manhole.
01:14Kung papansinin nyo po, yung inlet, kung alam nyo po yung inlet, yung inlet ng drainage,
01:20kung saan po kapasok yung tubig, yung pinakasira niya ay exactly the same po eh.
01:24So paano nangyayari yung drainage system?
01:27Kung ang mga ito may bakas, hindi naman nila mahanap ang 35 flood control project,
01:33sabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.
01:35I believe those are gross projects.
01:37Dahil sa patuloy na paghahanap ng City Hall, lumobo na ang bilang at halaga ng mga flood control project na hindi dinaan sa City Hall.
01:45Umaabot na ito ngayon sa 331 projects sa halagang 17 billion pesos.
01:517.7 billion pesos nito, mga insertions umano at wala sa National Expenditure Program noong 2024 at 2025.
02:00Ang binigay sa amin ay scope of work lamang o yung general information lang.
02:06Hindi isinumite at hanggang ngayon, hindi pa rin isinusumite sa amin ang tinatawag na program of works,
02:14na mas detalyadong impormasyon ang nilalaman.
02:16Kung nagasos lang daw ng tama ang 17 billion pesos, sabi ni Mayor Joy Belmonte,
02:22halos na kompleto na sana ang 24 billion peso drainage master plan ng siyudad.
02:27O kaya, naipagawa ang higit 5,000 classroom shortage sa Quezon City,
02:31nakapagpatayo ng 350 PhilHealth Accredited Health Centers,
02:36o kaya'y pabahay para sa halos 1,500 informal settler families.
02:41Para sa GMA Integrated News, ako si Maki Pulido, ang inyong saksi.
02:46Mga kapuso, maging una sa saksi.
02:49Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended