00:00Samantala, mahigit 800,000 trabaho ang alok ng pamahalaan ng Bansang Japan
00:05para sa mga Filipino healthcare at skilled workers.
00:08Yan ang ulat ni Bien Manalo.
00:12Mahigit 800,000 trabaho ang alok ng Japanese government.
00:17Karamihan sa mga hinahanap ng Japan ay nurses, caregivers at skilled workers.
00:23Noong nakaraang taon, umabot sa mahigit 2 milyon ang naitalang nursing care workers sa Japan.
00:28Pero kinakailangan pa rin daw ng mahigit 200,000 nursing care workers sa susunod na taon
00:34at posible pang umabot yan sa mahigit kalahating milyon pagsapit ng 2040.
00:40Isa sa mga may aging population na tinatawa.
00:44So nangangailangan talaga sila ng mga workers sa kanilang bansa.
00:50So tayo ay, ano ba sa mga lililigawan, sinusuyo tayo ng Japanese government
00:58na yung ating mga caregivers ay mapunta sa kanila, ma-employ nila.
01:06Sa sa ilalim sa 6 na buwang Japanese language training dito sa Pilipinas
01:10at maging sa Japan ang mga mapipiling aplikante.
01:13Libre ang gagawing training at makatatanggap din sila ng daily living allowance sa buong pagsasanayan.
01:20Bisitahin lang ang official website ng DMW para sa listahan ng job vacancies.
01:26Binuksan na rin ang Department of Migrant Workers sa Japan
01:29ang unang special desk sa DMW na tinatawag na Employment Facilitation Desk for Japan.
01:35Sa bansang Japan na piling mag-pilot run ang special desk na naglalayong matugunan
01:41ang mga isyong kinakaharap ng mga OFW doon at makapagbigay ng agarang tulong sa kanila.
01:47Ito ang magsisilbing tulay sa pagitan ng Pilipinas at government agencies ng Japan.
01:53Samantala, halos 200 overseas Filipino workers at kanilang pamilya naman
01:57ang nakiisa sa pag-arangkada ng handog ng Pangulo,
02:01serbisyong sapat para sa lahat na ginanap sa People's Coliseum, Santo Domingo, Ilocosura.
02:08Bahagi ito ng selebrasyon ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
02:13Dumalo rin ang ilang opisyal ng DMW, kabilang na si Secretary Hans Leo Kakdaca.
02:18Nagsilbi itong one-stop shop ng serbisyong ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno.
02:23Kabilang sa mga serbisyong handog ay job fair, medical at livelihood assistance
02:27at kadiwa rolling stores na nag-aalok ng 20 pesos na bigasa.
02:32Isa, ang dating household service worker sa Singapore na si Jane Villanueva sa mga nabigyan ng tulong.
02:38Nakatanggap siya ng tulong pangkabuhayan sa ilalim ng livelihood program for OFW reintegration ng DMW
02:45na nagkakahalaga ng 10,000 piso bilang panimula sa kanyang poultry business.
02:50Ito'y malaking tulong po sa akin dahil isa na po akong single parent.
02:57Malaki itong tulong na pangkabuhayan o pang start ko na naman dito sa Pilipinas.
03:06BN Manalo para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.