Narito ang mga nangungunang balita ngayong September 15, 2025
- Love Bus, bumibiyahe na sa Metro Manila; libre ang sakay para sa lahat ngayong Setyembre | Mga senior citizen at PWD, mananatiling libre ang sakay sa Love Bus; iba pang pasahero, tuwing rush hour lang libre ang sakay
- Southbound Lane ng Dimasalang Bridge, isinara muna para sa rehabilitasyon | Ilang jeepney driver, nangangambang bababa ang kita dahil sa rehabilitasyon ng Dimasalang Bridge | DPWH: Rehabilitasyon ng Dimasalang Bridge, inaasahang matatapos sa December 15
- Quezon City LGU, nagpakita ng suporta kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang special adviser ng ICI | Ilang grupo, hinimok ang ICI na maging transparent at isapubliko ang resulta ng imbestigasyon
- OVP: Kamara ang nagpasyang ipagpaliban ang budget hearing noong Sept. 12
- Tulay, tinangay ng rumaragasang tubig sa ilog | Ilang bahagi ng Davao City, binaha
- Sofia Mallares, unang four-chair turner sa Blind Auditions ng "The Voice Kids" 2025 | Coach Replay, bagong twist sa Blind Auditions ng "The Voice Kids" 2025
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
00:30Ngayong buwan, libre pa ang lahat ng sasakay sa love bus na bumabiyahe mula alas 5 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi.
00:37Pagkatapos ito, tuwing rush hour o mula alas 6 ng umaga hanggang alas 9 ng umaga at mula alas 5 ng hapon hanggang alas 8 ng gabi na lang ito libre sa general public.
00:48Mananatiling libre ang sakay ng mga senior citizen at persons with disability buong araw.
00:53Bukod sa Metro Manila, umaarangkada na rin ang love bus sa Metro Cebu at Davao City.
00:59Plano pang palawakin nito ng pamahalaan.
01:02Maaaring makita ang mga terminal at ruta ng bus sa Love Bus A.
01:06Sa Disyembre pa, inaasama tatapos ang kasisimula pa lang na rehabilitasyon ng Dimasalang Bridge sa Maynila.
01:17Kaya ang ilang choper may panibagong pangamba para sa kanilang kita.
01:21May una balita live si Bea Pinla.
01:24Bea!
01:24Igan dagdag traffic, bawas kita sa mga jeepney driver at hassle sa biyahe ng mga commuter.
01:33Ilan lang yan sa mga pangamba na mga nakausap natin dahil isinara itong bahagi ng Dimasalang Bridge sa Maynila para sa rehabilitasyon ng tulay.
01:42Alas 5 ng madaling araw, nagahabol na ng oras ang nurse na si Jocelyn.
01:52Malilate na kasi siya sa trabaho dahil matagal siyang naghintay ng masasakyang jeep malapit sa Dimasalang Bridge.
01:58Hindi niya alam, pansamantala na palang sarado ang bahagi ng tulay simula kagabi para sumailalim sa rehabilitasyon.
02:05May naghintay akong tagal-tagal doon, mabuti may concerned citizen. Sinabi, wala kang mahihintay na jeep dyan kasi sarado.
02:12Malilate ng konti sa trabaho. Pero kung kinakailangan, hindi magtitiis, ano pa bang magagawa?
02:19Sarado muna ang southbound lane ng Dimasalang Bridge. Hinaharang ang mga motoristang susubok dumaan dito patungo ng Kyapo.
02:26Ang ilan sa mga sasakyan, tumitigil muna para magtanong kung saan pwedeng dumaan.
02:30Ang abiso sa kanila, tahaki ng mga alternatibong ruta. Umaalma ang ilang jeepney driver dahil mas lalayo raw ang iikutan nila ngayon.
02:39At tiyak na magdudulot ito ng malalang traffic. Maninibago rin daw ang mga pasahero nila sa bagong ruta.
02:46Medyo ano po, malayo. Kesa yung grederetsyo dito. Tsaka nag-iba po kami ng way. Yung ibang pasahero, mababaguhan na naman yun.
02:56Lahat ng mga sasakyan doon sa kabila, may ipo na yun doon. Sigurado ko nga na po yan. Grabing traffic.
03:03Dahil sa inaasahang traffic sa bagong nilang ruta habang inaayos ang tulay, mababawasan din daw ang kita nila kada araw.
03:10Talo kami sa oras. Kasi kung dito kami dadaan, makakakapat na round trip kami. Medyo maganda sobra namin noon.
03:20Kung dito naman kami dadaan, baka mabawasan yung kita. Kasi kulang lang sa oras.
03:28Imbis na apat na round trip, magiging tatlo round trip na lang.
03:31Ayon sa Department of Public Works and Highways, December 15 inaasahan matapos ang rehabilitasyon sa dimasalang bridge.
03:39Igan, isa pa sa mga reklamo na mga nakausap natin. Kahit alam daw nila na gagawin yung tulay, ay hindi daw nila alam na isasara pala ang bahagi nito.
03:52Ito naman yung sitwasyon ng mga sasakyan. Bago sila harangin papasok ng dimasalang bridge,
03:58ang nangyayaring Igan ay pinapadiretsyo na lang sila sa Maceda Street at pinapaikot papuntang Quiapo.
04:04Samantala, bumibigat na rin ang daloy ng trapiko sa northbound lane naman ng dimasalang bridge.
04:11At yan ang unang balita mula rito sa Maynila.
04:13Bay up in luck para sa GMA Integrated News.
04:22Nakabantayang ilang grupo at mambabatas sa gagawin yung investigasyon ng Independent Commission for Infrastructure, o ICI.
04:28sa mga infrastructure projects sa Pilipinas.
04:31Tanong ng Senate Minority, hindi kaya may conflict of interest ng ilang itinalagang miyembro ng komisyon?
04:36May unang balita si Jonathan Andal.
04:42Kakaanunsyo lang ng palasyo ng mga miyembro ng ICI o Independent Commission for Infrastructure
04:46na mag-iimbestiga sa mga questionabling flood control project.
04:50Pero ang minorya sa Senado, nakikitaan daw ito ng conflict of interest.
04:54Tanong ni Senate Minority Leader Alan Peter Quetano,
04:56may papangako ba ng mga nasa ICI na hindi sila tatakbo sa national position sa 2028?
05:03At kung tatakbo ay gagamitin bang alas ang pagiging miyembro ng komisyon?
05:08Aniya, susuportahan lang ng minority ang ICI kung ang mga miyembro nito ay walang bahid ng politika
05:14at walang koneksyon sa malalaking negosyo.
05:16Ilan daw kasi sa mga ini-interview na sinasabing credible na personalidad
05:21ay parte raw ng conglomerate at nagtatrabaho sa mga oligark
05:25o mayayamang may sari-sariling interest.
05:28Hindi pa malinaw kung sino'ng tinutukoy rito ni Quetano.
05:31Ang minority leader naman sa Kamara na si 4P Sportless Representative Marcelino Libanan
05:35babantayan daw ang trabaho ng ICI para matiyak na hindi lang sa mga report at rekomendasyon
05:41matatapos ang imbestigasyon, kundi dapat may managot at makulong.
05:46Nagpahayag naman ang suporta kay Magalong ang Quezon City Local Government.
05:50Kasama ni Magalong si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa grupong Mayors for Good Governance.
05:55Buo raw ang tiwala niyang malaki ang may tutulong ni Magalong sa imbestigasyon
05:59at pagbibigay linaw sa papel ng LGU sa kalakaran sa flood control projects.
06:03Handa raw makipagtulungan ang Quezon City LGU sa ICI.
06:07Sabi naman ang grupong Right to Know Right Now na nagsusulong ng freedom of information
06:11dapat maging transparent ang ICI at isa publiko ang mga makukuha nila sa imbestigasyon.
06:17Matapos ang ICI, inaabangan din daw nila ang pahayag naman ng itatalagang susunod na ombudsman
06:22dahil mahalaga raw na maging katuwang ito ng ICI.
06:25Parang ating last line of defense in draft and corruption is the ombudsman.
06:31They should remain independent but they should cooperate and coordinate.
06:36Itong unang balita, Jonathan Andal para sa GMA Integrated News.
06:41Ginit ng Office of the Vice President na Kamara
06:44ang nagpa siyang ipagpaliba ng hearing sa panungkalang P889M budget ng kalintanggapan sa 2026
06:50na nakischedule dapat na o biyernes.
06:53Sabi ng OBP, tumanggi ang Kamara na tanggapin ang kanilang delegasyon na
06:57pangungunaan dapat ang assistant secretary.
06:59Sabi raw ng Kamara na batay sa tradisyon, undersecretary na dapat dumalo sa budget hearing.
07:05Pasado alas jis ng umaga daw noong September 12,
07:09inabisuan ng OBP ang budget sponsor na si House Appropriations Committee Vice Chairman
07:13Jose Alvarez, na mismong si Vice President Duterte ang dadalo kapalit ng isang undersecretary.
07:19Inbisa ituloy ang pagdinig, pinili raw ni Alvarez ay pagpaliba ng hearing
07:22at sirvira ang visa at kanyang mga tauhan na huwag nang pumunta sa kamara.
07:27Ipinakita rin ng OBP ang screenshot ng palitan,
07:31anila na mensahe ni BP Duterte at ni Rep. Alvarez.
07:36Doong biyernes, sinabi ni Alvarez na sa Martes ang bagong schedule
07:39ng OBP budget hearing at tiniak daw ni BP Duterte na siya mismo ang dadalo.
07:48Pinangay ng rumaragasan tubig ang isang tulay sa Manay, Dawa Oriental.
07:53Patawid sana noon ang ilang residente ng masira ang tulay dahil sa mabilis at malakas sa agos ng tubig.
07:58Kaya mga residente, humahanap muna ng ibang madaraanan para makapunta sa kabilang bahagi ng bayan.
08:04Tumaas ang tubig sa ilog dahil sa pagbaha sa lugar.
08:07Walang naiulat na nasaktan sa insidente.
08:12Nakaranas din ang pagbaha sa iba't mambahagi ng Dabao City.
08:16Sa barangay Mintal, tumirik ang ilang sasakyan.
08:19Pinasok naman ng tubig ang ilang bahay at gusali,
08:22kabilang isang halfway house para sa mga pasyente sa iba't mambahagi ng Mindanao.
08:27Kulay putik ang baha sa iba't mambahagi ng nunsod,
08:30kaya namumblemang ilang residente tulad ni Yus Cooper, Aiza Araneta,
08:35dahil pahirapan na naman daw ang paglilinis.
08:45Nag-premiere na ang bagong season ng The Voice Kids.
08:48At meron na ngang young artist na naka-fourth year turn sa Blind Auditions.
08:53Siya si Sofia Maliares.
08:55Humanga sa Golden Voice ni Sofia ang new superstar coaches
08:58na sina Miguel at Paolo ng Ben & Ben at Zach Tabudlo.
09:03Namaze din sa husay ni Sofia ang nagbabalik coach na sina Julian San Jose at Billy Crawford.
09:08Kaya nagpagalingan sila sa pag-convince kay Sofia na sila ang piliin bilang coach.
09:13I'm just going to let you have fun at mananalo ka na ng The Voice.
09:19Ako kasi solo ako eh.
09:21So I know the experience.
09:22I know what it feels like to be on stage alone.
09:25Kung ang hinahanap mo ay mga techniques, I can teach you all that.
09:30Kung ano man yung mga piliin nating kanta,
09:32susubukan natin siyang hasain para talagang mapalabas mo yung emosyon sa bawat isang linya.
09:38At ang napili ni Sofia ay si Coach Zach.
09:43Siya nga ang first member ng Project Z.
09:46May new young artists na rin ang ilang coaches na bubuo sa Benkada,
09:51Team Bilib at Jules Squad.
09:54May new twist din this season ng Blind Auditions.
09:56Dahil ang coach replay, ayun na nga,
10:01bibigyan ng chance na magpalit ng isip ang coaches after ng no-chair turn audition.
10:09Isang pindot lang nila sa replay button,
10:11Pasok ka na.
10:12Pasok na yung artist.
10:15Yun ah, isang beses lang nila ito pwedeng gawin.
10:18O gamitin.
10:19Panoorin ang The Voice Kids, hosted by Ding Dong Dantas,
10:22tuwing 7 o 5 p.m. ng GMA.
10:24Gusto mo bang mauna sa mga balita?
10:29Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
Be the first to comment