00:00Tiniyak ng Philippine National Police na may nakalatag na security plan para sa mga magsasagawa ng kilos protesta?
00:07Ito'y sa harap ng mainit na usapin sa katiwalian sa flood control projects.
00:12Pinaalalahana naman ni DILG Secretary John Vic Remulia ang mga polis na magpatupad ng maximum tolerance.
00:20Si Ryan Lesiguez sa Sentro ng Balita.
00:24Viral ngayon sa social media ang kaguluhan na nangyayari sa Indonesia at Nepal.
00:30Sa Indonesia, kaliwat kanan ang demonstrasyon na nagugat sa pagtuligsa sa malaking sahod ng kanilang mga mambabatas.
00:36Sa Nepal naman, sinilaban ang opisina ng Prime Minister sa gitna ng malawakang protesta laban sa katiwalian.
00:42Ang sitwasyong ito, ikinababahala ng iilan.
00:45Kaya naman ang DILG agad nagpatawag ng command conference para sa posibleng anti-corruption na protesta na magaganap sa bansa.
00:53Ayon kay DILG Secretary John Vic Remulia, hindi pipigilan ang magsasagawa ng kilis protesta basta't merong kakulang permit.
01:01Bili niya sa mga polis, habaan ng pasensya, respituhin ang sentimiento ng publiko at ipatupad ang maximum tolerance.
01:08We have to be sensitive to the grievances of the people. Kailangan may outlet yan eh.
01:14The more you suppress them, the worse it gets. So, hayaan na. Hayaan na natin mag-protest sila kung gusto nila. Wala kaming pipigilan dyan.
01:22Pero we also expect it to be peaceful.
01:25Sabi naman ni Acting PNP Chief, Police Lieutenant General Jose Melencio Nartates Jr., may mga security plan na silang nakalatag para dito.
01:33We have already our security plan for dispersal or crowd management and for security. Meron na tayong mga security plan that had been set.
01:48And then we have also our information na pwede natin pagtuunan or itong information na ito, this is the basis for any operation.
01:59Hindi rin nakikita ng PNP na mangyayari sa Pilipinas ang pag-uramentado ng mga tao tulad ng nangyari sa ibang bansa gaya ng Indonesia at Nepal.
02:09Continuously, we are monitoring the peace and order and safety in Metro Manila at all the people but nationwide.
02:17Sa kabila nito, tiniyak ng PNP na handa sila sa kahit anumang sitwasyon para panatilihin ang kaayusan sa bansa.
02:23Mula dito sa Kampok Rame, Ryan Lisigues para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.