00:00Naglatag na ng siguridad ang mga polis para sa posibleng rally na isasagawa ng ilang grupo sa bansa sa mga susunod na araw.
00:09Bunsod na rin ito ng isinagawa nga pagtitipon sa EDSA Shrine ng mga miyembro ng Tindig Pilipinas,
00:16Akbayan at Clergy for Good Governance na nanawagan ng agarang pagbuo ng Independent Commission
00:22na mag-iimbestiga sa palpak na flood control project sa bansa.
00:27Tiniyak naman ni PNPNCRPO spokesperson Major Hazel Asilo na ipatutupad nila ang maximum tolerance sa mga lugar kung isasagawa ang mga kilos protesta.