Skip to playerSkip to main content
-Mga estudyante sa UP Diliman, nagkilos-protesta laban sa korapsyon at iba pang isyu

-INTERVIEW: PMAJ. HAZEL ASILO, SPOKESPERSON, NCRPO

-Sen. Ping Lacson: Pagka-casino ng "BGC Boys," posibleng money laundering ang tunay na pakay

-Halos 100 pasyenteng may bukol, libreng naoperahan sa programa ng Phl Medical Assoc., Phl College of Surgeons, at QC Medical Society

-"Manyaman" o masarap na food trip sa Pampanga, tampok sa "Biyahe ni Drew" sa Linggo, 8:45pm sa GTV

-Lalaki, patay nang mabangga ng tricycle

-Isa sa apat na suspek sa pamamaril sa 3 babae, arestado; suspek, itinanggi ang paratang

-Pagbuwag sa Nepalese Parliament, iminumungkahi ng mga youth leader

-Mabilis na pagbabago sa teknolohiya at iba pang isyu sa public relations at communication, tinalakay sa 32nd National PR Congress

-9-anyos na babaeng nahulog at tinangay ng rumaragasang baha, natagpuang patay

-Dekorasyon para sa Pasko, mabenta na sa ilang lugar sa Pangasinan

-Wushu star Agatha Wong, wagi ng bronze medal sa 17th World Wushu Championships sa Brasilia, Brazil

-Taxidermy ng elepanteng si "Mali," ililipat sa National Museum of Natural History

-"Kontrabida Academy" starring Barbie Forteza, streaming na sa Netflix; kasama rin sina Ysabel Ortega at Yasser Marta

-Golden Retriever, #excited nang marinig ang vendor ng paboritong ice scramble


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
01:00Yan nga ang panawagan ng mga mag-aaral dito sa UP Ziliman para sa kanilang Black Friday protest.
01:05Kagabi ko ni naglatas ng pahayag si UP President Angelo Jiménez na sa gitna ng isinawanat na korupsyon sa gobyerno, hindi daw dapat taging neutral.
01:13Kaya suportado niya ang pagpapakita ng outrage o garit ang publiko sa makayapang paraan.
01:19Amin, tunog daw ito sa freedom of expression.
01:22At habang nagdaos ng pilot protesta rito, inakabantay ang UP Police dito sa lugar para matiyak ang siguridad.
01:29Pero sa mga oras na ito, nagpapatuloy ang pilot protesta pero makayapa naman sa ngayon.
01:33Yan muna ang liter. Barik mo na sa'yo, Con.
01:35Maraming salamat J.P. Soriano.
01:39At kaugnay nga po ng pagdaraos ng Black Friday protest sa ilang lugar dito sa Metro Manila,
01:44kausapin na natin si Police Major Hazel Asilo, Chief ng Public Information Office at Spokesperson na rin ng NCR Police Office.
01:52Magandang tanghali at welcome po sa Balitang Hali.
01:54Magandang tanghali po, Ma'am Connie, at sa ating mga tagapanood. Magandang umaga po.
01:59Makiki-update lamang po kami sa inyong pagmamonitor sa Black Friday protests o yung mga kilos protesta ngayong biyernes.
02:08Yes, ma'am. Sa ngayon po, wala naman po tayong namomonitor o nagbubuo na ng mga grupo dito sa ating monitored areas
02:15gaya po ng Edsa Shrine at ng People Power Monument.
02:19Bagamat kanina pong umaga dito naman po sa area po ng House of Representatives,
02:24meron po tayong mga nagrahi pero nasa 25 lamang po na participants
02:28at natapos din naman po agad sila bandang alas 10 po ng umaga.
02:32So, so far po, peaceful pa naman po yung mga areas na mga minomonitor po natin.
02:36At gaano po karami ang nakadeploy ngayon na mga polis?
02:41Sa ngayon po, nakadeploy po natin is nasa 950 po dun sa mga monitored areas
02:46at meron tayo pong 1,500 naman po na mga reserved CDM personnel
02:51na siyang magiging dagdag pwersa po in case na kailanganin natin ng iba pang pwersa
02:58para po dun sa ating mga monitored areas.
03:00Hanggang kailan po ba itong mga sinasabi nila mga pagprotesta?
03:04Balita po natin, over the weekend may mga nag-apply din po ng permit. Tama po ba?
03:08Yes po, meron po tayong minomonitor pa po na pagtitipon bukas sa area po ng Quezon City
03:16at ito pong ating deployment naman po ay hanggang sa matapos yung mga monitored po natin
03:21na mga pagtitipon at mga rally.
03:24At ano po ang pakiusap ninyo at paalala siguro sa ating mga kabataan lalo na
03:28dun po sa mga lalahok sa protesta?
03:30Ginagalang po ng NCRPO ang karapatan ng bawat Pilipino na magpahayag ng kanilang mga salubin
03:38gayon pa man po, paalala po natin na mahalagang gawin po ito sa mapayapa at legal na paraan
03:43para maiwasan po natin ang kaguluhan at matiyak ang kaligtasan ng lahat.
03:48Kami po ay nananawagan sa publiko na makipagtulungan po sa mga otoridad
03:51at sumunod po sa mga alituntunin, kayo po ay makatitiyak na ang inyong kapulisan ay laging nakahanda
03:56at nakikita upang protektahan ang kapayapaan at siguradidad dito po sa Metro Manila.
04:02Marami pong salamat sa inyo pong oras.
04:06Maraming salamat po.
04:07Yan po naman si NCR Police Office Spokesperson Police Major Hazel Asilo.
04:17Hindi lamang pagsusugal kundi money laundering ayon kay Sen. Ping Lakson
04:22ang posibleng ginagawa ng limang tinaguriang Bulacan Group of Contractors sa kanilang pagkakasino.
04:30Ang Anti-Money Laundering Council po ay iimbestigahan na ang mga kasino.
04:35Balitang hatid ni Mackie Pulillo.
04:40Sa privileged speech ni Sen. Ping Lakson, duda niya hindi lang nagsusugal sa kasino
04:45ang mga binansagan niyang BGC Boys o Bulacan Group of Contractors.
04:49Apat dito, mga naging opisyal ng DPWH Bulacan.
04:54Maaari, sabi niya na naglo-launder ang mga ito ng pera
04:57o nililinis ang perang nakamal mula sa mga flood control project.
05:01Sa kanyang pagsasaliksik, sa loob ng mahigit dalawang taon mula 2023,
05:06mahigit dalawang bilyong piso ang cash na pinapalitan ng chip sa kasino ng BGC Boys.
05:11Baka naman money laundering scheme. May report kami at ito ay aming pang binabalidate
05:18na peke lang ang pagdeklaran nilang panalo.
05:22How so? Magpapalit ng cash into kasino chips.
05:26Pero pag natalo ng kaunti, pupunta sa cashier para mag-cash out at ideklarang panalo
05:31ang pinagpalitan nilang chips.
05:34Ayon sa Anti-Money Laundering Council, isa ito sa mga paraan para linisin
05:38ang itinuturing na maruming pera dahil galing sa korupsyon o krimen.
05:42Binibili po nila yung chips and then they engage in minimal play.
05:46Sometimes walang laro.
05:48And then these launderers cash out yung mga chips po na yun.
05:54The funds can be presented as legitimate gambling winnings.
05:59Kaya isa raw ang mga kasino sa covered institutions.
06:02Ibig sabihin, may mga regulasyong dapat silang sundin tulad ng pag-report sa AMLC
06:06kung may transaksyon na 5 million pesos o higit pa.
06:11Red flag o dapat na rin i-report sa AMLC kung masyadong malaki ang halagang pinapalitan.
06:17Kailangan nga raw may valid ID na iprisinta at may certificate of winning mula sa kasino
06:21para matiyak na totoong galing sa panalo ang kasino chips na i-co-convert na sa cash.
06:27Matapos ang pagbubulgar ni Laxon, sabi ng AMLC, i-imbestigahan nila ang mga kasino.
06:33May pinapalitan po yun na penalty under our rules of administrative cases against covered persons.
06:40May pinapalitan po yun, depende po sa possible na violation na makikita namin.
06:46Iniimbestigahan na rin ng AMLC ang mga personalidad na nadidikit sa mga questionableing flood control project,
06:52mga opisyal ng gobyerno, construction companies, pati na mga kaanak nila.
06:57Kasama rin po yung mga nagbanggit na mga pangalan.
07:01Alam naman po natin, laundering of funds, even corruption can extend even disassociates
07:06or family members of those involved in corruption.
07:12Kaya lumalawak po siya tapos initial finding namin,
07:15napakaraming bank accounts, napakaraming properties, whether real or personal properties.
07:19Tinitiyak ng AMLC kasunod ng kanilang imbesigasyon ang paghingi sa Court of Appeals
07:24ng freeze order para hindi magalaw na mga nagsabuatan sa korupsyon
07:29ng flood control projects ang ninakaw nilang pera.
07:32Makipulido nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:36Samantala, nasa sandaang pasyenteng may bukol sa katawan ang naoperahan ng libre sa Quezon City.
07:43Ang mga kwalipikadong pasyente ay may bukol sa labas ng katawan tulad sa ulo at braso.
07:50Ang iba na may mga bukol na mas malaki o kaya'y nasa loob ng katawan ay dinala naman sa ospital.
07:57Tinuruan din ang mga pasyente kung paano gagamutin ang kanilang mga sugat para maghilom ito ng maayos.
08:04Ayon sa Philippine Medical Association, Philippine College of Surgeons at Quezon City Medical Society,
08:10taon-taon silang may libreng surgical mission para matulungan ang mga nangangailangan.
08:15Pag sinabing culinary, pampanga na yan.
08:21Pero ang ilang OG at classic dish doon, binigyan na rin ng unique twist.
08:27Nakakatakam diba? Ito po, ang patikim ng biyahe ni Drew.
08:36Hindi na kailangan magpakalayo-layo pa.
08:40Kung manyaman nasisig lang din ang usapan.
08:42With calamansi and sili at served on a sizzling plate yan.
08:46Pero sa kinikilala na sisig capital of the Philippines na Angeles City,
08:50ang beloved pulutan, imbis na umuusok,
08:53pinilog-bilog,
08:55pausok.
08:56It's familiar but different.
08:58It's different but the same.
09:00Isang tatak kapampangan dish, minsan ang nawala.
09:08Pero nahukay sa limot nang dahil sa isang cooking competition,
09:12ang sangkap nito, suso at matres ng inahing baboy.
09:15Proud ako dahil usually hindi ako makahin talaga ng mga inerds.
09:23Pero dahil wala siyang aftertaste,
09:26mas na-appreciate ko siya ngayon.
09:28Hindi lang sa pagluluto,
09:30kumpleto si Rercados ang mga kapampangan.
09:32Ang mga eksenang yan,
09:34dito lang sa Pampanga Mararanasan.
09:35Naglalakad sa gilid ng kalsada ang lalaking niyan sa barangay La Esperanza sa Tulunan, Cotabato.
09:46Maya-maya lang, isang tricycle sa kanyang likuran ang nagpagewang-gewang hanggang mabundol ang lalaki.
09:53Tumilapon po siya at tumama pa sa isang signage.
09:56Binala siya sa ospital ng nakabanggang tricycle driver pero binawian din po siya ng buhay kalaunan.
10:02Paliwanag ng driver na wala daw siya ng kontrol sa tricycle.
10:06Hindi rin daw niya agad napansin na may nabangga pala siya.
10:10Hawak ng puli siya ang tricycle driver at kanyang kasama na parehong na nga kung aakuhin
10:15ang gastusin sa pagpapalibing sa biktima.
10:18Wala pang pahayag ang kaanap ng biktima.
10:23Kabilang ang mabilis na pagbabago sa teknolohiya at papel ng mga communication practitioners
10:29sa mga tinalakay sa 32nd National Public Relations Congress.
10:34Pinamunahan po ang Public Relations Society of the Philippines ang usapin tungkol dyan.
10:39Ilan sa mga hamon sa mga nasa PR at communications industry
10:43ay kung paano nila sasabayan at papakinabangan ang teknolohiya tulad ng social media.
10:50Gayon din ang pangamba ng ilang PR practitioner na baka mapalitan naman sila
10:54sa trabaho ng Artificial Intelligence o AI.
10:58Binigyang din sa PR Congress na kahit advance na ang teknolohiya,
11:02dapat gawa o input ng tao pa rin ang mga ibabaw kapag nagahatid ng mensahe sa publiko.
11:09Mahalaga rin daw ang tungkuli ng mga nasa larangan ng komunikasyon
11:12na magbigay ng tamang impormasyon sa gitna ng problema sa misinformation at disinformation.
11:18Ito ang GMA Regional TV News!
11:26Patay na ng matagpuan ang batang babae na inanod ng baha sa Iligan City.
11:31Merkoles nang mahulog daw sa isang kanal sa barangay Pugaan,
11:35ang siyam na taong gulang na estudyante.
11:37Kwento ng pinsan na isa sa mga kasama niya noon,
11:40sinubukan kasing punin ang bitima ang nalaglag na chinelas.
11:44Nadula siya, nahulog sa kanal at tinangay ng rumaragasang tubig.
11:49Kahapon, kinumpirman ng mga taga Iligan City DRRMO
11:53na natagpuan na ang bangkay ng bata sa barangay Tubod.
11:56Sinisikap ang punan ng pahayag ang pamilya ng biktima.
12:02Samantala, ready for Christmas na ang mga ibinibentang parol dito sa Dagupan City.
12:08Sa barangay Karanglaan,
12:09Paskong-Pasko na ang vibes ng ibat-ibang disenyo ng parol at mga pang-dekorasyon.
12:15Maagad na rin namimili ang ilang customer habang hindi pa tumataas ang presyo.
12:20At dahil Bermans na nga,
12:21nagsusulputan naman ang mga pampaskong kakanin tulad ng bibingka at puto bongbong
12:26sa ilang lugar sa Angeles City, Pampanga.
12:29Gaya ng espesyal na puto bongbong na nilagyan pa ng leche flan.
12:33Manyaman o masarap naman daw sabi ng customers
12:36dahil hindi raw tinipid ang ingredients.
12:40Wala raw yung harina kundi purong galabong, bigas at itlog.
12:49Wagin ng bronze medal si Filipina Wushu star Agatha Wong
12:53sa 17th World Wushu Championship sa Brasilia, Brazil.
12:57Nakuha ni Wong ang score na 9.7 points sa Tai Chi Chen event.
13:02Nanghuna sa competition ang pambato ng Japan
13:05habang sumunod naman ang pambato ng Singapore.
13:09Good job!
13:12Sa iba pang balita, ililipad sa National Museum of Natural History
13:16ang taxidermy o yung na-preserve na balat at hulman ng elepanting si Mali.
13:22Ayon sa lokal na pamahalaan ng Maynila,
13:24yan ay para mapanatili ang kalagayan nito.
13:26Napansin kasing unti-unti itong naagnas
13:29habang nakadisplay sa bungad ng Manila Zoo.
13:32Isa sa tinitingnang sanhin ng pagkasira nito ay ang paiba-ibang panahon.
13:37November 28, 2023, nang pumanaw si Mali
13:40na tinawag na the loneliest elephant in the world.
13:44Kung mailipat si Mali sa National Museum,
13:47makakasama nito ang taxidermy ng Indo-Pacific crocodile
13:50na si Lolong, na pinakamalaking buhay ang nahuli sa Pilipinas.
13:55Pinalalawak naman ngayon ang dating enclosure ni Mali sa Manila Zoo
13:59bilang paghahanda sa dalawang bagong elepante na idodonate daw ng Malaysia sa Pilipinas.
14:05Naghahanap ba kayo ng pelikulang may karakter na Bida kontra Bida?
14:15Aba!
14:16Sagot na kayo ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza.
14:22Walang bida kung walang.
14:26Kontra Bida!
14:28Streaming na sa Netflix ang pinagbibidahang movie ni Barbie na Kontra Bida Academy.
14:33Gumaganap siya dito as Gigi, ang babaeng papasok sa isang one-of-a-kind school
14:38para arali ng pagiging villain.
14:41Sa kontra Bida Ball at Grand V na conference ng pelikula,
14:45very nanlilisik at mapanampal ang look ni Barbie.
14:49Co-starring ni Barbie sa pelikula si na Eugene Domingo
14:52at sparkle stars Isabel Ortega at Yasser Marta.
15:03Na cutie cam ang pagiging alerto ng isang bantay sa noveleta, Cavite.
15:15Hindi dahil sa suspicious na tunoga, kundi sa delicious na kalembang.
15:21Excited much ang asong si Molly at over sa pagkaholo,
15:30e papakano dumaan na pala ang vendor na pabulito niyang Ice Cramble.
15:35Worth it ang pagiging aligaga dahil ibinigay naman daw ang fer-muret na merienda.
15:40Hoy, si Molly ang kaisa-isang aso sa labing-anim na pets ni Jonna Molina.
15:45Kung certified suki siya ng Ice Cramble, dead man naman ang mga kapatid na pusa.
15:52Ang video, more than half a million na ang views.
15:56Trending!
15:58Happy weekend, ma'am.
15:59Nagahabol din ako ng Ice Cramble minsan, ma'am.
16:01Tsaka ng taho, pang-happy yun ng weekend natin.
Comments

Recommended