00:00Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tutok din ang kanyang administrasyon na siguraduhin ang proteksyon at karapatan ng mga manggagawa.
00:09Dagdag pa ng Pangulo, bukas din ang gobyerno na makinig sa labor groups para maparami ang oportunidad sa bansa.
00:16Nagpabalik si Mela Les Morans.
00:21Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mananatiling protektado ang karapatan at kapakanan ng mga manggagawa sa bansa.
00:30Nakapulong ng presidente ang iba't ibang labor groups sa Malacanang.
00:34Kabilang narito ang Trade Union Congress of the Philippines na pinangungunahan ni TUCP Partylist Representative at House Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza.
00:44Kasama rin sa pulong Sinadoles Sekretary Bienvenido Laguesma at Executive Sekretary Lucas Bersamin.
00:51Ayon kay Pangulong Marcos, patuloy ang suporta ng gobyerno sa bukas at makabulahang usapan para maparami pa ang oportunidad sa bansa, matiyak ang sapat na sahod at masiguro ang magandang bukas para sa mga Pilipino.
01:05Lubos naman ang pasalamat sa presidente ng TUCP Partylist.
01:10Sabi ni Congressman Mendoza, kabilang sa iba pa nilang isinulong sa nasabing pulong ang pagpapatibay ng karapatan ng mga manggagawa na bumuo at sumali sa mga union.
01:21Melalas Moras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.