00:00Diniyak ng bagong chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na walang sasantuhin sa ginagawang investigasyon ng flood control scandal.
00:07Si Daniel Malalasta sa report.
00:11Ang malas nila, mukhang may nakialam sa taas na nagbagyo ng tatlong sunod-sunod, mukhang nagalit na sigad eh.
00:19Para may divine intervention, para mabulgar lahat. Otherwise, tuloy-tuloy sila sa kasino kung nagpatuloy ito. Para tayo mga g*****.
00:26Ganyan na lang ang ini si Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Panfilo Lacson sa anomalya sa flood control projects.
00:33Nakusan may ilan pang nadadawit na mga dating DPWH engineers na umano'y naglulustay ng pera umano sa kasino.
00:40Pero isa rao sa bagong tutumbukin ng kanilang investigasyon ay ang isa pang construction company kung saan lumabasa aligasyon ni dating DPWH engineer Bryce Hernandez
00:50na ang kontraktor na ito ay nagdadala umano ng obligasyon na sinasabi ni Lacson na lagay.
00:55Revelasyon ngayon ni Lacson, may hawak silang CCTV na dumalaw daw ito sa Senado noong August 19.
01:02Meron kaming video footage ng CCTV, CCTV footage na dumalaw dito talaga yung WJ.
01:11Ang pangalan niya tamina, ipapatawag namin yun.
01:15Pero ipapatawag namin para malaman natin kung kanino siya nagpunta, kaninong office.
01:20Whether or not staff ng Blue Ribbon yung pinuntahan o legislator yung pinuntahan,
01:26edi magpaliwanag yung kapwa Senador kung siya ay napuntahan. Bakit nagpunta rito yung WJ?
01:31May isa pang kinumpirma ngayon ng Senador sa umano'y insertions sa Bulacan.
01:36Pinatsyik ko agad sa General Appropriations Act. Kung meron bang insertion na nagkakahalaga ng P355M na intended para sa Bulacan.
01:47And we found one. Meron talaga insertion na wala sa house version pero lumabas ito doon sa after BICAM.
01:57So maliwanag na either sa Senate version or sa BICAM yun na insert.
02:04Isa sa tiniyak ni Senador Pan Pino Lacson na wala siyang sasantuhin sa ginagawang investigasyon ng Senado hinggil sa anomalya sa flood control projects.
02:13Pero magiging gabay niya daw ang mga ebidensya.
02:16Ito ay sa harap din na may ilang mambabatas na lumulutang ang pangalan sa investigasyon.
02:22Kung masagasaan, masagasaan. Walang dapat santuhin. Kasi kung meron tayong pagtatakpan, bakit pa tayo nag-iimbisiga?
02:28Kung may kasamahan po kayo, nandun sila, nagtatanong sila, nandun yung nag-aakos sa kanila.
02:34Blindfold approach, if you know what I mean.
02:37Ayon kay Lacson, wala pa siya nakikita sa ngayon na pupwedeng maging state witness.
02:41Kahit maraming personalidad na ang lumalabas sa flood control skandal.
02:45Sa mga diskaya, sabi ng Senador, mayroon pa silang kailangang gawin.
02:49Duda naman si Lacson kay Bryce Hernandez, na nadadawid din sa paglulustay umano ng pera sa kasino.
02:55Si Bryce Hernandez naman, billion din yung kanyang chips to cash.
02:59Bukod pa yung cash to chips, saan ang galing yun?
03:02Pantage point, hindi siya credible.
03:05That's my opinion, based on what I know about him.
03:09Kung siya naiayaya lamang, paano siya nakapag chips to cash, cash to chips na billion?
03:15Bakit lahat ngang nampumirma ng impeachment, ang parang nabanggit?
03:20At saka parang, bakit wala yung before 2022?
03:25Eh kasi nag-retrack sila eh. Pagdating sa house, iba naman ang sinasabi.
03:29So how can they qualify kung hindi definite yung kanilang testimonya?
03:35Pag nasa house, iba sinasabi. Pag naandito, iba.
03:38Anyway, titignan natin.
03:39Hindi naman pinirmahan ni Sen. President Tito Soto ang hirit ni dating Sen. Blue Ribbon Committee Chairperson Rodante Marcoleta
03:46na isa ilalim sa Witness Protection Program ang mag-asawang diskaya.
03:50Sabi ni Soto, hindi naman daw pwedeng makakuha ng proteksyon sa gobyerno pero marami umanong nakuhang pera ng bayan.
03:58Hindi daw ito patas para sa ating mga kababayan.
04:01Ang kailangan daw para maging state witness ay ibalik ang nanakaw at magsabi ng totoo.
04:06Daniel Manastas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.